You are on page 1of 1

“Ang Alibughang Anak” - Buod

Lukas 15:11-32

Mayroong isang matanda na may dalawang anak. Maykaya sa buhay ang matanda
kaya naman naibigay din nito ang magandang buhay para sa dalawang anak.

Gayunman, isang araw ay napagpasiyahan ng bunsong anak na kunin na ang kaniyang


mamanahin sa ama. Ipinagkaloob naman ito ng ama sa kaniyang bunso. Matapos na
matanggap ang pera at ari-arian ay umalis ito sa puder ng ama.

Walang ginawa ang bunsong anak kung hindi ang magpasarap sa buhay. Ginastos nito
ang perang ipinama sa paraang nais niya. Madalas siyang pumunta sa mga kasiyahan.
Sinubukan din nitong magsugal.

Dahil sa kapabayaan, naubos agad ng bunso ang kaniyang mana. Nabaon ito sa utang
at hindi na nakabangon pa.

Nagdesisyon ito na bumalik sa kaniyang ama. Nag-aalinlangan man ay wala na siyang


ibang matatakbuhan. Mabuti ang puso ng kanilang ama kaya naman tinanggap niya
nang buong puso ang bunso. Pinakain at binihisang muli.

Nagtataka naman ang panganay dahil matapos umalis ng bunsong kapatid at waldasin
ang pera ay nagawa pa rin itong tanggapin ng ama. Kinausap niya ang ama dahil dito.

Sinabi naman ng ama na ang kaniyang pagtanggap sa anak ay ang tunay na diwa ng
pamilya. Lahat naman daw tayo ay nagkakamali at nangangailangan ng
pagpapatawad. Ang mahalaga raw ay natututuhan natin ang ating leksiyon.

You might also like