You are on page 1of 1

Alibughang Anak (Buod)

Mayroong isang matanda na may dalawang anak. Maykaya sa buhay ang matanda kaya naman
naibigay din nito ang magandang buhay para sa dalawang anak.
Gayunman, isang araw ay napagpasiyahan ng bunsong anak na kunin na ang kaniyang
mamanahin sa ama. Ipinagkaloob naman ito ng ama sa kaniyang bunso. Matapos na matanggap
ang pera at ari-arian ay umalis ito sa puder ng ama.

Walang ginawa ang bunsong anak kung hindi ang magpasarap sa buhay. Ginastos nito ang
perang ipinama sa paraang nais niya. Madalas siyang pumunta sa mga kasiyahan. Sinubukan din
nitong magsugal.

Dahil sa kapabayaan, naubos agad ng bunso ang kaniyang mana. Nabaon ito sa utang at hindi na
nakabangon pa.

Nagdesisyon ito na bumalik sa kaniyang ama. Nag-aalinlangan man ay wala na siyang ibang
matatakbuhan. Mabuti ang puso ng kanilang ama kaya naman tinanggap niya nang buong puso
ang bunso. Pinakain at binihisang muli.

Nagtataka naman ang panganay dahil matapos umalis ng bunsong kapatid at waldasin ang pera
ay nagawa pa rin itong tanggapin ng ama. Kinausap niya ang ama dahil dito.

Sinabi naman ng ama na ang kaniyang pagtanggap sa anak ay ang tunay na diwa ng pamilya.
Lahat naman daw tayo ay nagkakamali at nangangailangan ng pagpapatawad. Ang mahalaga raw
ay natututuhan natin ang ating leksiyon.

You might also like