You are on page 1of 2

PANGALAN: ALMEIDA, RICARDO SUESHILLE A AKADEMIKONG PAPEL BLG.

: 3
JR
TAON AT PANGKAT: 12 - N. ABELARDO PETSA: SEPT 23, 2022
URI NG AKADEMIKONG SULATIN : IDEYA SA BUOD NG ALIBUGHANG ANAK

Mayroong isang matanda na may dalawang anak. Maykaya sa buhay ang


matanda kaya naman naibigay din nito ang magandang buhay para sa
dalawang anak. Gayunman, isang araw ay napagpasiyahan ng bunsong
anak na kunin na ang kaniyang mamanahin sa ama. Ipinagkaloob naman
ito ng ama sa kaniyang bunso. Matapos na matanggap ang pera at ari-
arian ay umalis ito sa puder ng ama. Walang ginawa ang bunsong anak
kung hindi ang magpasarap sa buhay. Ginastos nito ang perang ipinama
sa paraang nais niya. Madalas siyang pumunta sa mga kasiyahan.
Sinubukan din nitong magsugal. Dahil sa kapabayaan, naubos agad ng
bunso ang kaniyang mana. Nabaon ito sa utang at hindi na nakabangon
pa. Nagdesisyon ito na bumalik sa kaniyang ama. Nag-aalinlangan man
ay wala na siyang ibang matatakbuhan. Mabuti ang puso ng kanilang ama
kaya naman tinanggap niya nang buong puso ang bunso. Pinakain at
binihisang muli. Nagtataka naman ang panganay dahil matapos umalis ng
bunsong kapatid at waldasin ang pera ay nagawa pa rin itong tanggapin
ng ama. Kinausap niya ang ama dahil dito. Sinabi naman ng ama na ang
kaniyang pagtanggap sa anak ay ang tunay na diwa ng pamilya. Lahat
naman daw tayo ay nagkakamali at nangangailangan ng pagpapatawad.
Ang mahalaga raw ay natututuhan natin ang ating leksiyon.
GURO: MARKA/ISKOR:

You might also like