You are on page 1of 1

SINOPSIS

Ang Alibughang Anak (The Prodigal’s Son)


May isang mayamang ama na may dalawang anak na lalaki. Hiniling ng bunsong anak sa
kanyang ama ang nais na mamanahing yaman. Ibinigay naman ng kanyang ama ang nais niya
ngunit winaldas niya ito sa malayong lugar hanggang sa mamulubi siya. Dumating ang panahon
ng kagutuman, maging ang pagkain ng baboy na alaga niya ay nais niyang kainin ngunit hindi
siya pinaunlakan ng kaniyang amo. Napagisipan niyang umuwi sa kanilang kaharian at sobrang
kagalakan naman ang naramdaman ng kanyang ama. Humingi siya ng tawad sa ama at sa
Panginoon sa kanyang nagawang kamalian. Nagtaka naman ang panganay na anak kung bakit
may pagdiriwang at nagalit ng malaman ang dahilan. Isinumbat niya sa kanyang ama at
ikinumpara ang kanyang katapatan sa kapatid na bunso. Ngunit agad naman siyang sinagot ng
kanyang ama na maginhawa naman ang kanyang pakiramdam sa piling niya at dapat maging
masaya sila sapagkat ang anak niyang namatay ay muling nabuhay.

Sanggunian:
Mula sa Banal na Ebanghelyo, Lukas 15: 11-32

You might also like