You are on page 1of 3

Name: _________________________________ Name of CLC: ____________________________

ALS Level: ________________________ Name of Facilitator: _______________________


Date: ________________
LS-4 Objectives:* Identify the different products/services available in the market (LS4LC-UM-PSE-AE/LS/AS-AS-10.2)
*Recognized and understand the market (LS4LC-UM-PSE-AE/LS/AS-10)

MAHUSAY NA PAMIMILI
Activity #1
Basahin ang dayalogo.

SOCRATES: Peping, narinig mo na ba yung henerikong gamot? Bumili ako ng isa para sa aking asawa. Mas mura
kaysa sa mga gamot na galing sa ibang bansa.
PEPING: Alam mo naman ako, Socrates. Mas gusto ko ang mga gamot na galing sa ibang bansa. Sinisigurado kong
ang pinakamahusay ang ibibigay ko sa aking pamilya.

SOCRATES: Alam ko, Peping. Pero ang mga henerikong gamot ay dumadaan sa siyentipikong pagsusuri upang
masigurado ang kanilang kalidad. Nagpapatunay lamang na ang mga ito ay kasinghusay rin ng mga gamot na galing
sa ibang bansa.

PEPING: Talaga? Hindi ko alam ‘yan.

SOCRATES: Kailangan rin nating aminin na sa mga panahong ito, kailangan din nating magtipid. Patuloy na tumataas
ang presyo ng mga bilihin.

PEPING: Naiintindihan ko na ngayon! Kung makakabili ako ng mga gawa rito na gamot na kasinghusay rin ng mga
gawa sa ibang bansa at mas mura pa, magagamit ko ang natipid na pera sa iba pang mahahalagang bagay.

SOCRATES: Ngayon ay nakuha mo rin! Maaari mong malaman ang mga henerikong gamot sa kahit anong botika.
Mayroon silang talaan para sa mga mamimili.

PEPING: Maraming salamat, Socrates. Talagang nakatulong ang mga impormasyong ibinigay mo sa akin.

1. Anong uri ng gamot ang binili ni Socrates para sa kanyang asawa?


2. Anong gamot ang gusto ni Peping?
3. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng gamot galing sa ibang bansa at mga henerikong gamot?
4. Para sa iyo, anong gamot ang nanaisin mong bilhin? Bakit?
5. Bakit nararapat na dumaan sa siyentipikong pagsusuri ang mga gamot?

Activity #2
Malapit na ang kaarawan ng iyong kapatid at naisipan mo na magkaroon ng kaunting salo-salo kasama
ang iyong mga kamag-anak sila ay inimbitahan mo sa inyong tahanan.

 Mayroon ka lamang na halagang P 3,000. Paano mo ito gagamitin bilang isang matalinong
mamimili para sa paghahanda sa 30 katao na bisita?
 Ano-ano ang iyong mga produktong bibilhin batay sa talahanayan?
 Isulat isa-isa ang mga produktong iyong napili at magkano ang mga ito?

Produkto Presyo
1. HOTDOG
TENDER JUICY (1KL) P 289.00
BEEFIES (1KL) P 249.00
BONUS (1KL) P 264.00
2. CHICKEN
LEG P 230.00
WINGS P 220.00
THIGH P 225.00
3. SPAGHETTI
DEL MONTE 1KL P 106.00
ROYAL P 120.00
4. PORK
GINILING (1KL) P 180.00
BARBEQUE ( 1PC) P 25.00
5. CATSUP
DEL MONTE P 65,00
UFC P 58.00
PAPA P 57.00
6. CAKE
CHIFFON P 180.00
GOLDILOCKS P 420.00
RED RIBBON P 480.00
7. JUICE
EIGHT O’CLOCK P 20.00
NESTEA P 25.00
TANG P 22.00
8. PARTY NEEDS
BALLOON (1 PC) P 22.00
HAT 1PC P 15.00
BAG 1 PACK P 50.00

 Ano-ano ang mga produktong inyong naitala?


 Magkano ang kabuuang halaga ng mga ito?
 Sa iyong palagay, mura ba ang mga presyo o hindi ng mga produktong inyong naitala?Bakit?
 Paano natin malalaman na ang isang produkto ay maaari pa nating gamitin o hndi?
 Bakit mahalaga na isa alang-alang ang presyo ng mga produkto?
 Sapat ba ang halagang P3000.00 sa pagsasagawa ng isang birthday party?

Activity #3
Magtala ng limang produktong pangunahing pangangailangan ng isang pamilya. Itala ang kanilang mga
presyo sa kanang hanay.

Produkto Presyo
1.
2.
3.
4.
5.

Sa iyong palagay, mura ba ang mga presyo o hindi? Bakit?


Sa palagay mo, pareho kaya ang mga presyo ng mga produkto at kagamitan sa iba’t ibang palengke at
tindahan ? Oo o Hindi

Evaluation

Sagutin ng SANG-AYON O DI SANG-AYON

_______________1. Sinusuri ng matalinong mamimili ang etiketa upang hanapin ang mahalagang
impormasyon tulad ng mga sangkap.
_______________2. Iniisip ng matalinong mamimili ang kahalagahan at uri ng produktong kanyang binibili.

_______________3. Walang karapatan ang mga mamimili sa ating bansa na magsampa ng mga daing
laban sa mga pabrikante at tindahan na nagbebenta ng mga produkto at kagamitang may sira.

_______________4. Mahalagang suriin ang expiration date ng isang gamot na binibili natin sa botika.

_______________5. Ang isang mahusay na mamimili ay madalas mamili ng mga produktong ibinebenta
nang mura.

REPLEKSYON:

Ano ang kahalagahan ng pagiging isang mahusay na mamimili?

You might also like