You are on page 1of 18

Shopping List

Mahalaga ang araw-araw na ginagamit natin sa bahay lalo na ngayun na laging tumataas ang presyo ng
bilihin. Dahil akoy estudyante, kailangan ko ang magtipid at mag planong maigi tungkol sa pag bili.

Mahalaga rin ang mga alternatibong pamaraan sa mga gamit na binibili araw-araw mapapapersonal man
o gastusin sa eskiwela.

1. Ugaliing ilista ang bibilhin bago pumunta sa palenke o sa grocery store.


2. Kung may panahon pwedeng gamitin ang inyong makabagong teknolohiya gaya ng computer o
cellphone ag Makita ang mga presyo ng bawat palenke. Ikumpara ang mas murang presyo.
3. Ihanda ang budget at ikalasipiko ang mga bibilhin, gaya ng personal na bagay, sabon at shampoo
etc.
4. Tangalin sa listahan ang mga bagay na meron pang naiwan. Halimbawa dalawa pa ang iyong
sabon. Tanggalin sa listahan dahil magagamit mo pa ang natititrang pera sa pamili.
5. Gumamit ng calculator sa pagkuwenta para mapa bilis ang pamimili at hindi madoble.

Personal na gamit sa katawan Presyo (PHP)


1. Soap ₱20
2. Shampoo ₱10
3. Toothpaste ₱50
4. Wipes ₱10
5. Lotion ₱150
6. Floss (Dental) ₱200
7. Face scrubs ₱100
8. Hand Lotion ₱50

Pagkain (Meat) Presyo (PHP)


1. Manok ₱100
2. Meat ₱40
3. Itlog ₱20
4. Baka ₱200
5. Tocino ₱300

Vegetable (Gulay) Presyo (PHP)


1. Brocolli ₱70
2. Ampalaya ₱40
3. Bawang ₱15
4. Luya ₱50
5. Celery ₱30
6. Sibuyas ₱50
7. Kalabasa ₱80

Fruits (Prutas) Presyo (PHP)


1. Saging ₱20
2. Mansanas ₱40
3. Guava ₱166
4. Abokado ₱60
5. Papaya ₱70

Canned Presyo (PHP)


1. Honey ₱100
2. Ketsup ₱20
3. Oats ₱170
4. Tuna ₱10
5. Sardinas ₱15
6. Corn Beef ₱50

Dairy Presyo (PHP)


1. Gatas ₱200
2. Itlog ₱10
3. Kape ₱5
4. Keso ₱50

Others (Ibat-iba) Presyo (PHP)


1. Rice (Bigas) ₱100
2. Tinapay ₱30
3. Chicken Nuggets ₱48
4. Hot Dog ₱68
5. French Fries ₱20
Diary

Diary o pagtutula ng karanasan o naganap na pangyayari sa buhay ng isang tao. Isinusulat ito ng
personal ng taong nakakaobserba ayon sa oras, petsa at ibinatay sa mga tutuong pangyayari sa
bawat araw ito at tinatawag ding mga kwento ng taong gusting maitago sa kanyong sarili kung
anu man. Hindi ito pwedeng ilathala dahil sa personal ang karamihang nakasaad o nakasulat
dito.

Halimbawa: Diary tungkol sa eskuwela


Diary tungkol sa araw-araw sa sitwasyon
Diary sa mahahalagang sitwasyon na nangyari sa buhay

Halimbawa: Diary sa isang linggong sitwasyon sa araw-araw na nangyayari

Petsa: Mayo 2, 2016, Lunes


Oras: 9:30 AM: Ako ay nakatanggap ng sulat sa aking matallik na kaibigan.

Petsa: Mayo 3, 2016, Martes


Oras: 3:00 PM- Nakapagkita ako sa aking mga kaklase at nagtampo si Cherry sa akin dahil huli
na ng dumating at nagalit sa grupo.

Petsa: Mayo 4, 2016, Meyerkules


Oras: 5:50 PM: Hiniram ang aking gamit na bag ni Justin ng aking kaklase at gagamitin sa
Campaigned.

Petsa: Mayo 5, 2016, Huwebes


Oras: 10:00 AM: Bumaha sa may kalye Recto di ako makapasok kaya umuwi na lang ako nag
lakad.

Petsa: Mayo 6, 2016, Biyernes


Oras: 3:00 PM: Dumating ang aking mga magulang at may dalang mga pasalubong.

Petsa: Mayo 7, 2016, Sabado


Oras: 3:45 PM: Nadukutan ako ng pera sa may bandang Taft ng Ministop.

Petsa: Mayo 8, 2016, Linggo


Oras: 8:34 PM: Di ako makatulog dahil marami akong nakain na coffee jelly.

Petsa: Mayo 9, 2016, Lunes


Oras: 9:00 PM: Muntikan na ako masaraduhan ng gate dahil gabi na ako nakauwi ng bahay.

Petsa: Mayo 10, 2016, Martes


Oras: 4:30 PM: Nag pa utang ako ng pera sa tita ko dahil sa biglaan na event sa tindahan.
Dayalog
Ang dayalogo ay pag-uusap ng dalawa o higit pang tao. Kung minsan ito ay isinusulat ang
pinaguusapan na kung saan ay may paksa. Maari ring nauukol ito sa tiyatriko o sa
pakikipagtagisan sa mga pagsagot sa mga kausap o kinakausap na mga grupo o mag kakaibigan.
Halimbawa: May dalawang taong nag-uusap sa may kanto at ang paksa at tungkol sa politico ng
bansa. Kadalasan sila ay magkakilala.
Berto: Ano ang masasabi mo sa pagpapatakbo ng bagong nahalal na kapitan?

Alberto: Nako di ako sigurado hanggat di pa makumpirma na malinis ang kanyang mga mithiin
tungkol sa ating barangay.

Berto: Kaya nga siya ang nanalo dahil malinis ang kanyang plataporma.

Alberto: Oo nga, papaano kung masuhulan o lumabas ang tunay niyang ugali at mabibigo rin
siya sa pagtulong sa atin lalung-lalo na sa mga gaya nating mahirap.

Berto: Sabagay, Kailangan maging mapagmatyag tayo.

Alberto: Marami kasi ngayon ang nakakaintres sa pagtakno sa Pulitiko bilang kapitan pero may
lihim pala sila. Sa makatuwid may sariling adhikain o lihim na may sariling adhikain o lihim na
layunin para sa kanilang inters.

Berto: Oo nga samantalang tayo ang nahihirapan at walang kamalay-malay sa mga nangyayari.
Liham- Pangangalakal
Liham pangangalakal ay kadalasang pormal na sulat. Ang liham pangangalakal ay ginagamit sa
mga tanggapan at sa mundo ng kalakalan. Ito rin ay mahalagang instrument ng komunikasyon o
pakikipag-usap gamit ang sulat sa pagitan ng mangangalakal at ang kanilang mga kostumer o
iba pang taong nais makipag sapalaran sa kanila. Ito ay binubuo ng mga sumusunod:
Ang bahagi sa liham.
1. Pamuhatan
2. Patunguhan
3. Bating panimula
4. Katawan ng liham
5. Bating pangwakas
6. Lagda
1) Pamuhatan- Ito ang bahagi kung saan ang tirahan o tanggapan ng sumulat at kung kalian ito
isinulat.

2) Patunguhan- Naglalarawan ito ng tirahan o lugar ng sinusulatan upa….

3) Bating panimula- Isinusulat sa gilid kung sa ibaba ng patutunguhan.

4) Katawan ng liham- Ito ay naglalaman ng mensahe. Nasa pagitan ng bating pambungad at


bating pangwakas.

5) Bating Pangwakas- Ito ang pamamaalam ng sumulat gumagamit ng pormal na pananalita.

6) Lagda- Pagpapakilala kung sino o kanino nangaling ang sulat.

Liham paanyaya sa kaibigan sa nalalapit kaarawan (inpormal)


#25 Poblacion Norte
Sta. Monica St. Block 2
Mangaldan, Pangasinan
Ika- 10 ng Desyembre 2017

Ms. Gina Marasigan


No. 281 Poblacion East
Barangay Tatalon
Dagupan City, Tondo Manila

Mahal kong Gina,


Magandang umaga sa iyo at kumusta ka na? Siguro nakalimutan mo na ako? Kaya kita
sinulatan ay para ipahatid sa iyo na nais kitang imbitahan o anyayahan sa nalalapit na aking
kaarawan sa Ika-20 ng Desyembre nitong taon . Alam mo namn na halos sabay na tayong
lumaki at dati tayong nagkwentohan tungkol sa ating nalalapit na Debut yun nga lang mas bata
ako ng ilang buwan lamang sa iyo. Gusto ko sanang magpaalam ka at ipakita ito sa iyong mga
magulang ang aking liham para ikaw ay payagang makadalo sa aking okasyon. Huwag kang
magalala dahil ipapasundo kita dyan at huwag ka ring mahiya kahit walang regalo basta ang
mahalaga ay makadalo ka dahil kinuha rin kitang isa sa magsasalita at magbigay ng pamungad
na dasal bago magsimula ang kasayahan. Dalhin mo rin ang kapatid mong si Melay para Makita
ko rin at maging masaya ang pagdiriwang. Inaasahan ko ang iyong pagdalo at Salamat.
Kalakip nito ay ang liham ng imbitasyon para kayo ay papasukin sa gate ng mga
guwardia.

Lubos na nagmamahal,
Jenny Padua
DAVID MEDICAL CENTER
25 Marasigan St., Block 2
San Pablo, Laguna 1002
Tel: 317-1211 loc. 2341
Tel. Fax: 317-1000
Email: davidmedcenter@yahoo.com
Website:
http://davidmedcenter.sanpablo.ph

Office of the Director of the Hospital


MEMORANDUM BLG. DVC -12-123
PARA SA : MGA DOKTOR, NARSES, X - RAY TEKNISYAN , AT DAYETISYAN
MULA KAY : DR. JAMAL GADI M.D. Phd., M.A.N.
Bise - Administrador para sa Pananaliksik
PAKSA : Panawagan para sa nalalapit na NOMINASYON sa 2018 Gawad Pinoy
Na Natatanging Mangagawa
PETSA : 27 Desyembre 2108

Kaugnay sa Memorandum ng Administrador na may petsang 14 Nobyembre 2016 (Memorandum No.


CCAS- 12-120), at bagong aprubadong pamantayan, malugod po naming ibinabalita na bukas na para sa
nominasyon ang 2017 Gawad Pinoy na Natatanging Mangagawa.

Lakip ng pangkalahatang Pamantayan at polmularyo ng Nominasyon. Mangyaring ipabatid ang mga sumusunod:

I. Minimum Creteria:
 Kinakailangang full-time at regular na mangagawa na nagbibigay ng directing seviyo sa
DVC Laguna ( halimbawa, hindi naka Sabbatical o Study leave)
 Kinakailangang naglilingkod sa DVC Laguna ang hindi iigsi sa tatlong (3) taon (2015-2017)

II. Lahat ng nominasyon ay kailangang isumite sa Bise- Administrador sa Saliksik at Pagpapaunlad sa


bago ang petsang 7 Enero 2018.

Para sa nominasyon, magsumite ng isang (1) kopya nf polmularyo ng Nominasyon na may mga orihinal na
lagda, at kompletong soft copy kasama ang mga kalakip na dokumento ay hindi tatanggapin bilang
nominado.

Ang pangkalahatang Pamantayan at Polmularyo ng Nominasyon ay mamaring i-download sa


aming website: http://davidmedcenter.sanpablo.ph. Para sa iba pang informasyonat upang humiling ng
Polmularyo ng Nominasyonsa MS Word (docx) format, maaring makipagugnayan kay Bb. Eiden Joy
Ramirez sa telepono bilang 372100 local 2093 o sa email davidmedcenter@yahoo.com.
Maraming salamat.

Binigyang sipi: DVC a


DVC aa
TULA

Ang Angel ng Kamatayan

Sa oras at dilim ng gabi


Kidlat at kulog ang maririnig
Samantalang malalakas nahampas ng alon ang makikita sa dagat
Ang mga mandaragat ay nagsisigaw at umiiyak

Ang espada ng Angel ng kamatayan ay nakaambang


Sa mga taong walang kamuwang muwang
Ang malalakas na dagundong ng kidlatat malakas na hampas ng alon
Ay tila mga matatalas na talim sa mga batong nakatindig

Bawat hampas at lapat ay parang mabibiyak sa lakas


Ang anghel ng kamatayan ay inilapat ang kanyang mga pakpak
Ang anghel ng kamayatan ay narito na
Ang sigaw na parang nakakabingi sa gabi ay maririnig
Isang sigaw ng kahindikhindik at parang panaghoy

Nang lumipad ang anghel ng kamatayan


Ay dala ang isang liwanag at ang kanyang nagliliyab na espada
Puriin ang boses nanaririnig parang mga sigaw
At mga iyak ng mga manlalakbay
Mga hinagpis sa gabing madilim na parang di na sisikat ang araw
Ang selensiyong ingay ay walang marinig.
BUGTONG

Mga Bugtong
1. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: Paruparo

2. Buto’t balat lumilipad.


Sagot: Saranggola

3. Maliit na bahay, puno ng mga patay.


Sagot: Posporo

4. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.


Sagot: Langka

5. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.


Sagot: Sandok

6. Eto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.


Sagot: Mga paa

7. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.


Sagot: Bayabas

8. Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis


Sagot: Sili

9. May isang prinsesa nakaupo sa tasa.


Sagot: kasoy

10. Matanda na ang nuno di pa naliligo


Sagot: Pusa

11. Hayan na si kaka bukaka ng bukaka


Sagot: Gunting

12. Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo


Sagot: Pako

13. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.


Sagot: Atis

14. Maliit pa si kumpare, nakakaakyat na sa tore.


Sagot: Langgam
15. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: Zipper

16. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.


Sagot: Anino

17. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.


Sagot: Palaka

18. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.


Sagot: Kampana o Batingaw

19. Nakakaluto’y walang init, umuusok kahit na malamig.


Sagot: Yelo

20. Hindi naman hari, hindi naman pare, nagsusuot ng sarisari.


Sagot: Sampayan

21. Sinampal ko muna bago inalok.


Sagot: Sampalok

22. Baboy ko sa parang, namumula sa tapang.


Sagot: Sili

23. Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.


Sagot: Sitaw

24. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.


Sagot: Sumbrero

25. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa.


Sagot: Kalabasa

26. Kaaway ni Bantay, may siyam na buhay.


Sagot: Pusa

27. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.


Sagot: Kuliglig

28. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.


Sagot: Ampalaya

29. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.


Sagot: Kandila
30. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: Kamiseta

31. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.


Sagot: Mga mata
PAPANO GUMAWA NG ISANG PLANO TUNGKOL SA NEGOSYO

Ang susunod mong dapat gawin kung ikaw at gumagawa ng plano o pagplaplano sa
negosyo ay may marami at mahahalagang pagaaral hingil o patungkol ito sa nais mong
itayo o gawin. Nadyan din ang maiging pagsusuri particular sa kalagayan o sitwasyon
na nakakaapekto sa hinaharap o sa plano. Halimbawa gusto mong gumawa ng plano
tungkol o patungkol sa negosyo. Kailangan mo ring malaman ang katangian ng
papasuking negosyo.

May tatlong parte ang tinatawag na business plan o planong pangnegosyo.

1. Ang pagplaplano kung papano ibebenta ang produkto ( tinatawag din


itong marketing plan)
2. Ang pagpaplano kung papano gawin ang product o saan ito kukunin (
Outsourcing o saan ka pwdeng kumuha ng mga supplies at kung paanong
organisahin ang mga tauhan mapa teknikal (technical at Organizational
plan) ang tawag sa engles.
3. Ang pagpaplano ng pananalapi at puhunan(financial plan).

Paano mo susulatin ang business plan?

PANIMULA

1. Ito ang unang bahagi ng business plan. Bangitin mo rito kung sino
ka, ano ang mga layunin ng iyong negosyo, at kung kalian mo
inaasahang makamit ang mga ito.
2. Banggitin mo rin kung paano mo naisip ang negosyong ito at kung
paano mo ito inaasahang lalago.

PLANO KUNG PAANO MO IBEBENTA ANG PRODUKTO( MARKETING PLAN)


4. Magbigay ka ng detalyadong paliwanag kung ano ang product o
serbisyong iyong inaalok, at kung ano ang mga kabutihan at
paggagamitan nito. Ang parting ito ng business plan ang magpapakita ng
kalamangan ng iyong produkto na maaring maging kakumpetensiya.
Banggitin mo rin ang mga kabutihan at kahinaan ng iyong produkto.
5. Ipaliwanag mo kung sino ang posibling bibili ng produkto mo. Gaano sila
karami? Magbenta ka ba sa mga grocery store? Kung ibebenta mo ito sa
pambublikokailnagn mo I – groupo ayon sa kasarian .
6. Tukuyin mo rin kung sino ang mga kakompetensiya mo huwag kang
matakot na may kakompetensiya. Sa halip, ito ang dapat magtulak saiyo
upang pagbutihin pang lalo ang produkto at negosyo

Pagplaplanong teknikal

1. Alamin ang mga materyalesna kinakailangan o kakailanganing aat


ang mga mapagkukuhanan nitong mga ito at mga produkto na
mga isasama rito sa pagbebenta. Ang mga kagamitan tulad ng
mga makinarya o pangamit pangopisina . isa-isahin mo ang
pagpoproseso ng mga materyales na ito. Sa bawat isa, tukuyin mo
kung ilan ang iyong magiging suplayer at bakit ito ang napili mo.
2. Alamin ang proseso ng mga kagamitan na kinakailangan sa
paggawa ng iyong mga produkto. Isa-isahin ang proseso na
kakailnganin sa paggawa ng iyong produkto.
3. Bangitin ang mga sunod sunod na mga hakbang pati ang
kagamitan at materyales na gagamitin. Kung masalimuot ang
presyo sa pagawa o paghanap ng mga materyales.
4. Alamin kung sino ang magiging mga tauhan at may kakayahan ang
bawat isa o posisyon ng mapipili, para alam din kung saan sila
ilalagay . Tukuyin ang iyong kailangan at kung ano ang angkop sa
kanila at sa iyong negosyo.
PLANO SA PANANALAPI ( FINACIAL PLAN)

1. Alamin ang pangagailangan mo sa pananalapi. Gaano


kalaking puhunan ang kailangan mo upang masimulan ang
iyong negosyo? Gumawa ng estimet o porkas nito. Hatiin ito
sa tatlo: ang permanenteng puhunan , (fixed capital) ang
puhunan para sa aktuwal na operasyon (working capital), at
ang puhunan o pananalaping kakailnganin bago pa man
magsimula ang negosyo (pre –operating capital).

Ang permanenting puhunan o fixed capital ay karaniwang inilalagak nang


minsanan lamang para sa gagamitin sa negosyo nang pangmatagalan. Kasam rito ang
lupa , gusali, gastos sa pagpapatayo o pagpapaayos ng gusali , mga makina at gamit,
at mga gamit sa loob ng gusali.halimbawa : mga telepono, mga lamesa , mga computer
at iba pa.

Ang puhunan para sa aktuwal na operasyon ng negosyo o working capital para


sa anim na buwang operasyon o higit pa. Sa madaling salita, maglaan ka ng working
capital hanggang sa simula nang kumita ang iyong negosyo at kaya nang tumakbo sa
sariling kita.

Ang pre-operating capital naman ay puhunang kailangan bago pa na man


magsimula ang iyong negosyo. Isama rito ang gastusin sa pagrerehistro ng iyong
negosyo at pagkuha ng mga permit o lisensiyang kakailanganin o kailangan kung
magpapatulong ka sa abogado o accountant sa pagpapatayo ng negosyo, isama na rin
ang kanilang professional fee.

2. Isama sa marketing budget ang panggastos sa pagbebenta,


distribusyon, at pangiimbak (storage : mga dikwento na
maaring ibigay sa mamimili ;at promosyon at adbertismo o
advertisement ng iyong produkto.
3. Sa production budget, isali ang pambili ng mga materyales
at components ng product at pasahod sa mga mangagawa
at kaukulang benipisyo. Isama rindito ang manufacturing
overhead costs. Mga gastusin sa pagmimintina ng mga
makina at kagamitan, pasahod sa mga produksiyon
supervisor at foreman at ang mga kunsumo sa tubig at
kuryente, gas at iba pang panggatong (fuel) na gamit sa
production.
4. Gumawa ng budget, hatiin ang budget sa tatlo: budget sa
pagbebenta,(marketing) sa pagawa ng produkto( production)
at sa pangakalahatang pamamalakad ( general
/administrative expenses) ay mga gastos na may kinalaman
sa administration o pamamahala , pasahod sa mga kawani o
mangagawa sa opisina, pambayad sa mga legal na
pangangailangan at accounting. Ang paghahanda o
pagtantiya sa mga tinatayang mga gastusin ay dapat gawin
kada buwan sa unang taon ng operasyon ng negosyo, ay
kada tatlong buwan namn sa ikalawang at ikatlong taon.
5. Ipalagay natin sa puntong ito ay nagawa mo na ang lahat
ng mga nabanggit. Handa ka na ngayn na ipatupad ang
iyong plano. Oras na upang lumikom ng puhunan, irehestro
ang negosyo, humanap ng tamang lugar o pwesto bumili ng
mga kagamitan at supplies, manguha at magsanay ng mga
tauhan, at simulan ang operasyon. Sa puntong ito, lahat ng
isinulat mo sa plano ay kailangan nang matupad.

Paalala: dapat mo ring tandaan na ang plano ay isang gabay


lamang .hindi ito permanente dapat maging bukas ang iyong isipan sa iba pang mga
pamamaraan at alternatibo kung sakaling may mangyari bukas o makalawa na di mo
inaasahan. Sa ,madaling salita, maging handa sa mga sa paglihis o panibagong plano
at lagging may plan B o higit pa. halimbawa kapag nasunog ang gusali. Dapat itoy may
insurance para mabawi ang mga nadamage at ano ang alternatibo magrenta para di
maantala ang negosyo.

Mga halimbawa ng plano: YEARLY PLAN TAXI EXPENSENSE para sa taxi

Taxi expenses Year 1 Year 2 Year 3 Year 4 Year 5


36% interest
Annual registration 2,000 2,000 2,000 2,000 2,000

Franchise and 4,000 4,000 4,000 4,000 4,000


meter
Tires 2 set /year 12,000 12,000 12,000 12,000 12,000

Tune up, oil chnge, 4,000 4,000 4,000 4,000 4,000


4x a year

Other maintenance 10,000 10,000 10,000 10,000 10,000


expen

Insurance 18,000 18,000 18,000 18,000 18,000


Total annual exp 50,000 50,000 50,000 50,000 50,000

Taxi revenues
650/day times 300 195,000 195,000 195,000
days
650/day times 182,000 182,000
280days
Scrap value at 5 50,000
years
Total annual 195,000 195,000 195,000 182,000 232,000
revenues
Net revenues 145,000 145,000 145,000 132,000 182,000
Divided 1.36 1.36x1.36 1.36x1.36x1. 1.36x1.36x1 1.36x1.36x1.3
by1+interest 36 .36x1.36 6x1.36x1.36
rate36%
Factor 1.3600 1.8496 2.5155 3.4210 4.6526
Net present value 106,617.65 78,395.33 57,643.62 38,584.98 39,118.02

Total and annual 320,360


NPV’s
Cost of taxi
(cashout 385,000
investment)
Negative NVP at -64,640
36% (don’t invest)
Pag-basa
at
Pag-sulat
Tungo sa Pananaliksik

You might also like