You are on page 1of 2

Gawain FIL 113-7

A. Itala sa loob ng kahon ang mahahalagang impormasyon na nakalap


mula sa binasang kaligirang pangkasaysayan ng Tanka at Haiku. Hanguin ang
pormat sa papel.

TANKA
Panahon kung kailam naisulat : Naisulat ang tangka noong ikawalong siglo
Paksa at Tema : Karaniwang paksa ng Tanka ay ang pagbabago, pag-iisa at pag-ibig.
Sukat : Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na
Tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may tig-7 bilang ng pantig samantalang tig-5 pantig naman ang
dalawang taludtod.

HAIKU
Panahon kung kailan naisulat : Naisulat ang Haiku noong ika labinlimang siglo
Paksa at Tema : Ang paksa at tema ng Haiku ay kadalasang tungkol sa kalikasan at pag-ibig.
Sukat : May labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig
sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay
labimpito pa rin.

B. Balikan ang halimbawa ng Tanka at Haiku at sagutin ang mga tanong.


1. Anong damdamin ang nangibabaw sa ilang halimbawa ng Tanka at Haiku
na tinalakay? Ganito rin ba ang iyong naramdaman? Bakit?
1. Ang damdaming nangingibabaw sa ilang halimbawa ng tangka at haiku
ay ang pagmamahal. Ang parehas na tula ay may parehas na paksa
tungkol sa pag-ibig. Ito rin ang aking nararamdaman sapagkat, kadalasan
tuwing tayo ay magsusulat ng tula ito ay ating inaalay sa ating mga mahal
sa buhay. Dito natin ipinapakita at inilalahad kung gaano natin sila
kamahal.
2. Ano ang karaniwang paksa ng Tanka at Haiku? Ano ang nais ipahiwatig
nito?
Ang kadalasang paksa ng Tanka at Haiku ay tungkol sa damdamin at Pag-
ibig. Ipinaahiwatig nito ang paglalahad ng manunulat ng kanyang
nararamdaman at pag-ibig para sa mga minamahal. Hindi lamang isang
simpleng tula ang Tanka at Haiku kundi isa itong art na naglalahad ng
ating mga nararamdaman.

Bulacan Date Developed:


Bachelor of Science June 2020
in Office Polytechni Date Revised: Page 1 of 3
Management c July 2020

College
Panitikan ng mga
Umuunlad na Bansa Document Developed by:
No. Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113
30-Fil 113
3. Paano nakatutulong ang Tanka at Haiku sa pagpapakilala ng kultura ng
bansang pinagmulan nito?
Nakatutulong ang Tanka at Haiku sa pagkakakilanlan ng bansang
pinagmulan nito dahil sa kanilang gawi kung paano ito isulat. Sila ay may
naturang sukat, sinusunod na paksa at tema at kilala ito sa iba't ibang
parte ng mundo.
4. May pagkakaiba ba ang pagbigkas ng Tanka at Haiku? Sa paanong paraan?
May pagkakaiba sa pagbigkas ang Tanka at Haiku sapagkat ang Tanka ay
kilala bilang isang maikling kanta at ang Haiku naman ay binibigkas sa
pamamagitan ng pagbigkas sa bawat taludyod na may tamang antala at
paghinto.
5. Kung ikaw ang susulat ng ganitong uri ng tula ano ang paksang nais mong
talakayin? Ipaliwanag.
Kung ako ay susulat ng tulang Tanka, ang aking paksang tatalakayin ay
tungkol sa aking damdamin. Ilalahad ko rito ang aking nararamdaman
kasabay ng pagsunod sa sukat nito. Ipapakita ko rito ang tunay na
salamin ng aking sarili. Samantala, sa Haiku naman susulat ako ng isang
tulang tungkol sa pag-ibig. Ilalahad ko rito kung gaano ko kamahal ang
aking mga magulang
C. Magkakaroon kayo ng Grand Family Reunion bilang pagdiriwang sa ika- 80
kaarawan ng inyong lolo. Napagkasunduan ng angkan na magsagawa ng
paligsahan sa pagtatanghal. Upang maging kakaiba sa lahat, naisip ninyo na
sariwain ang mga Tanka at Haiku na nasulat ng inyong lolo noong panahon ng
mga Hapones.
Bumuo ng isang Tanka at Haiku.
Haiku
Mahal kong lolo,
Salamat sa aruga
At lalo sa'yo.

Tanaga
Ito ay 'yong araw,
At tayo ay magdiwang.
Hiling ko'y lumakas ka,
At tumagal pa.
Lo, mahal kita.

Bulacan Date Developed:


Bachelor of Science June 2020
in Office Polytechni Date Revised: Page 2 of 3
Management c July 2020

College
Panitikan ng mga
Umuunlad na Bansa Document Developed by:
No. Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113
30-Fil 113

You might also like