You are on page 1of 10

A.

Denotasyon

Sa bahaging ito, tinatalakay ang mga istandard na kahulugan ng reinforcement mula


sa limang sangguniang akademiko. Tampok dito ang isang de-kalidad na
diksiyonaryong Ingles, isang diksiyonaryong Filipino, isang diksiyonaryong bilingguwal,
at isang depenisyon mula sa eksperto na nakatuklas ng terminong ito sa larang ng
Sikolohiya.

1. Diksiyonaryong Ingles na Merriam Webster:

Ayon sa diksiyonaryong Ingles na Merriam-Webster, ang sumusunod ang mga


eksaktong pagpapakahulugan sa reinforcement:

reinforcement [noun]
re·in·force·ment | \ ˌrē-ən-ˈfȯrs-mənt  \

Definition of virus
1: the action of strengthening or encouraging something : the state of
being reinforced
2: something that strengthens or encourages something: such as
a: an addition of troops, supplies, etc., that augments the strength of an army or
other military force —usually
b: something designed to provide additional strength (as in a weak area)
c: a response to someone's behavior that is intended to make that person more
likely to behave that way again (e.g. positive/negative reinforcement)
psychology: the action of causing a subject to learn to give or to increase the
frequency of a desired response that in classical conditioning involves the
repeated presentation of an unconditioned stimulus (such as the sight of food)
paired with a conditioned stimulus (such as the sound of a bell) and that in
operant conditioning involves the use of a reward following a correct response or
a punishment following an incorrect response
also: the reward, punishment, or unconditioned stimulus used in reinforcement

Sa mga kahulugang nakalatag mula sa Merriam Webster, sa una at pangalawang


depinsiyon ay pinakahulugan ang reinforcement bilang aksyon na nagpapalakas o
nagpapasigla ng isang bagay o pangyayari. Sa sumunod ay pinakahulugan ang
reinforcement bilang operasyon ng militar (madalas na kinasasangkutan ng mga
bagong panustos at materyal) upang mapalakas ang hukbo; nakatutulong sa pagganap
ng kanilang misyon.
Huli sa lahat, sa konteksto ng larang ng sikolohiya at sosyolohika: ito ang
proseso ng pagpapalakas ng partikular na paniniwala o ugali ng isang tao gamit ang
reward o encouragement at unconditioned stimulus.

2. UP Sentro ng Wikang Filipino: http://diksiyonaryo.ph


Ayon naman sa diksiyonaryong Filipino ng UP Sentro ng Wikang Filipino
(http://diksiyonaryo.ph/search/reinforcement), ang sumusunod ay ang eksaktong
pagpapakahulugan sa reinforcement:

reinforcement (rí·in·fórs·ment)

1: repwérso
2: Sik pagpapatibay ng probabilidad na lumikha ng tugon ang isang estimulo sa
pamamagitan ng pagbibigay o hindi pagbibigay ng gantimpala.

Hindi rin naman nalalayo ang mga pagpapakahulugan mula sa UP


Diksiyonaryong Filipino, ang unang kahulugan ay repwerso, ngunit hindi na ito mas
pinalawak. Ang pangalawang pagpapakahulugan naman nakabatay sa larang ng
Sikolohiya , kung saan an reinforcement ay ang pagkakaroon ng kasagutan o tutol sa
estimilo (isang diwa o konsepto sa perspiktibo ng pagkatuto) sa pamamagitan ng
pagbibigay ng bagay na kaaya-aya upang kapalit sa natapos na gawain o pangyayari.

4. Luciano Gaboy. Gabby Dictionary. Ingles-Filipino (http://www.gabbydictionary.com/)


Mula naman sa http://www.gabbydictionary.com/, na isang diksiyonaryong
Ingles-Filipino na tinipon ni Gaboy (2008), ang reinforcement ay may sumusunod
kahulugan:

reinforce (ri yin fors’) (ri yin fowrs)


v. – palakasin, dagdagan ng bilang, puwersa (Sp.: fuerza),
pangontra o suporta (Sp.: soporta); suportahan, gawing mas matibay o malakas;
ayudahan (Sp.: ayudar); bilaan (ng patigas na kawayan); sipain; bangkatan; reporsahan
(Sp.: reforzar)o; mag-apoyo (Sp.: apoyo, apoyar)

reinforcement (ri yin fors’ ment) (ri yin fowrs’ ment) n.


-- karagdagang tropa (Sp.) o sundalo; gantimpala, pampasipag (termino sa Sikolohiya),
[sa eksperimento, bagay na nagpapabago ng ugali o behavior nito], kalagayangg
nagpapabibilis ng pagkatuto, repuwerso (Sp.: refuerzo); konsolodisasyon (Sp.:
consolodacion); reporsamyento (Sp.: reforzamiento); reinforcer n.

Sa diksiyonaryong English-Tagalog namang tinipon ni Gaboy (2008), hinanay


lamang sa dalawang uri ng pagpapakahulugan ang reinforcement -- una, ito ay ang
karagdagan ng mga sundalo, at ang pangalawang depenisyon sa larang ng Sikolohiya,
ito ay nagpapabago at nagpapabilis ng ugali o ng pagkatutuo.

5. Reinforcement Theory – B F Skinner; 1938 (Process Theory)


(https://www.simplypsychology.org/operant-conditioning.html)

Ayon sa teorya ni B.F Skinner (ang nakatuklas sa terminong ito sa larang ng


Sikolohiya), ito ang kahulugan ng reinforcement:

Reinforcement theory proposes that you can change someone's behavior by using
reinforcement, punishment, and extinction. Rewards are used to reinforce the behavior
you want and punishments are used to prevent the behavior you do not want. Extinction
is a means to stop someone from performing a learned behavior. The technical term for
these processes is called ‘operant conditioning’.

The fundamental concepts of this theory are reinforcement, punishment, and extinction.
Reinforcement can be divided into positive reinforcement and negative reinforcement as
follows:

Positive reinforcement - occurs when the consequence resulting in the behavior you are
attempting to produce increases the probability that the desired behavior will continue.
Negative reinforcement - occurs when a negative consequence is withheld if the
behavior you desire is demonstrated, which will increase the probability that the
behavior you are seeking will continue.
Punishment - occurs when you impose a negative consequence to reduce an
undesirable behavior.
Extinction - is a means to stop someone's learned behavior.

Ang Reinforcement Theory ay sumusuporta sa ideya na may kakayahan tayo na


baguhin ang pag-uugali ng ibang tao gamit ang reinforcement, punishment, at
extinction.

Batay sa mga nabanggit na sangguniang akademiko, naihanay ang mga kahulugan ng


salitang reinforcement bilang terminong sikolohiya, militar, at sosyolohiko. Mula pa
lamang sa mga batayang kahulugang ito, masasabing isang mayamang salita ang
termino. Kaya makabuluhan ding higit itong suriin sa iba pang aspekto ng pag-iral ng
mga kahulugan gaya o diakronikong proseso o pagtuon sa kasaysayan ng salita.

Sanggunian:
Mcleod, S. (n.d.). Skinner - Operant Conditioning. Retrieved November 28, 2020, from
https://www.simplypsychology.org/operant-conditioning.html

Reinforcement. (n.d.). Retrieved November 28, 2020, from https://www.merriam-


webster.com/dictionary/reinforcement

Reinforcement. (n.d.). Retrieved November 28, 2020, from


http://diksiyonaryo.ph/search/reinforcement

GabbyDictionary.com. (n.d.). Retrieved November 28, 2020, from


http://www.gabbydictionary.com/

II. Semantikong Elaborasyon ng Salita


Sa bahaging ito tinatalakay ang iba’t ibang kahulugan at kabuluhan ng salitang
reinforcement sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga kahulugan ng salita bilang isang
sagisag na nalikha ng mga partikular na komunidad pangwika na kinakatawan ng iba’t
ibang larang ng karunungan.
Batay sa mga denotasyon at etimolohiya, mayroong apat na pangunahing
komunidad pangwika na nag-aambag sa pagpapakahulugan ng terminong
reinforcement: sikolohiya, militar, politika at pamamahala, at sosyolohiya. Ang mga
larang na ito ang naging daan para mapalawak ang mga kahulugan ng reinforcement
sa
dalawang antas: elaborasyon ng gamit at elaborasyon ng anyo.

A. Elaborasyon ng gamit, anyo, at kahulugan

Komunidad Pangwika 1: Sikolohiya

Ayon kay Skinner (1987), ang reinforcement ay may dalawang epekto: ito ay
nagpapakalakas ng particular na pag-uugali at nagbibigay ng gantimpala sa isang tao.
Sa larang ng Sikolohiya, ang reinforcement at reward ay hindi
magkasingkahulugan. Hindi lahat ng pag-uugali na nabibigyan ng gantimpala ay
nakalulugo sa taong nakakatanggap nito. Halimbawa: reinforced ang mga taong
nagtratrabaho, ngunit marami sa kanila ay hindi interesado o hindi maligaya sa kanilang
pinagtratrabuhan.
Ang reinforcement ay naoobersbahan din sa kapaligiran, pero maaaring din na
hindi ito nararamdaman ng isang tao. “Food is not reinforcing because it tastes good;
rather, it tastes good because it is reinforcing (Skinner, 1971).”

Lahat ng mga pag-uugali na makakadagdag sa kaligtasan ng buhay ay maaaring


mapalakas. Ang pagkain at ang pag-aaruga ng magulang ay mahalaga sa kaligtasan ng
mga indibidwal, at kahit anong pag-uugali na makakaresulta sa mga pangangailangan
na ito ay magiging reinforced (Feist, Feist, & Rogers, 2018).

Ang reinforcement sa larang ng Sikolohiya ay nahahati sa dalawa: positibong


reinforcement at negatibong reinforcement.

Ang mga pampasigla o stimulus na indinaragdag sa isang sitwasyon na


maaaring makataas sa probilidad na muling magaganap ang isang kaugalian ay
tinatawag na positibong reinforcement. Pagkain, pera, pag-apruba ng lipunan at pisikal
na ginhawa ay ang mga pangkaraniwan na halimbawa nito.

Sa kabilang banda, ang pag-uugali naman ay napapalakas bilang resulta ng


pagtatanggal or pag-iiwas sa isang negatibong kondisyon ay ang tinatawag na
negatibong reinforcement.
reinforcement - a military operation (often involving new supplies of men and materiel)
to strengthen a military force or aid in the performance of its mission; "they called for
artillery support"

Operasyon ng militar (madalas na kinasasangkutan ng mga bagong panustos at


materyal) upang mapalakas ang hukbo; nakatutulong sa pagganap ng kanilang misyon
pakikipag-ugnay sa lipunan
Social reinforcement refers to reinforcers such as smiles, acceptance, praise, acclaim,
and attention from other people. In some cases, simply being in the presence of other
people can serve as a natural social reinforcement

- Tumutukoy sa mga pampalakas, tulad ng mga ngiti, pagtanggap, papuri,


pagkilala, at pansin mula sa ibang mga tao.
Matutunghayan sa dayagram blg. 1 ang isang biswal na representasyon ng mga
pinagsangahan ng mga kahulugan, gamit, at mga konteksto at larang ng salitang
reinforcement. Sinisumulan ito sa mga “Esensiyal na Kahulugan ng Reinforcement” sa
mga larang gaya ng Sikolohiya (bilang pagkakaroon ng kasagutan o tutol sa estimilo sa
pamamagitan ng pagbibigay ng bagay na kaaya-aya upang kapalit sa natapos na
gawain o pangyayari), Militar (bilang operasyon ng militar (madalas na kinasasangkutan
ng mga bagong panustos at materyal) upang mapalakas ang hukbo; nakatutulong sa
pagganap ng kanilang misyon.), Politika at pamamahala (bilang Pagpapatatag sa mga
batas at regulasyon ng bansa gamit ang reinforcement.), at Sosyolohiya (bilang
Tumutukoy sa mga pampalakas, tulad ng mga ngiti, pagtanggap, pagkilala, at pansin
mula sa ibang mga tao.). Sa gitnang bahagi ng concept map matatagpuang nagkaroon
na pagbabagong ng anyo at kahulugan nito, nagkaroon ng interseksiyon ng mga
disiplina tungo sa mas Filipinong mga pananaw o gamit.

Sa kasalukuyan panahon, bago pa man ang panahon ng pandemyang COVID 19 o Corona Virus,
ang gamit sa salitang ‘viral’ at ‘trending’ ay ginagamit na patungkol sa mabilis na pagkalat o
paglaganap ng mga balita, istorya, post o anomang matatagpuan online. At sa kasalukuyang taon,
sa Pilipinas, naging matunog ang pagbigkas sa virus bilang ‘veerus’ mula nang bigkasin ito sa
ganitong paraan ni Presidente Duterte noong mga unang linggo ng lockdown sa Pilipinas, Marso
2020. Sa dulo, tinatanaw ng mga mananaliksik na lumawig ang kahulugan ng virus bilang
“bagong talinghaga ng sakit ng lipunan” lalo na kung susuriin ang mga pagpapakahulugang
simbolikal mula sa iba’t ibang teksto
Militar

- Operasyon ng militar (madalas na


Sosyolohiya
kinasasangkutan ng mga bagong
panustos at materyal) upang
mapalakas ang hukbo; nakatutulong
sa pagganap ng kanilang misyon

Sikolohiya

- ang pagkakaroon ng Politika at pamamahala


kasagutan o tutol sa
Esensyal na Kahulugan ng Reinforcement
estimilo sa pamamagitan - pampalakas; pangdagdag ng bilang; puwersa
- pagpapatatag sa mga batas at
ng pagbibigay ng bagay na
regulasyon ng bansa
kaaya-aya upang kapalit sa
natapos na gawain o
pangyayari.
“Reinforced quarantine”

Positibong reinforcement Negatibong reinforcement


- ang mga pampasigla o - pantanggal o pang-iwas sa
stimulus na indinaragdag sa isang negatibong kondisyon

You might also like