paggamit ng iba’t-ibang hulwarang organisasyon ng teksto. Ang mga hulwarang ito ay:
Hulwaran- modelong pinagbabatayan upang
makagawa ng isng maayos o organisadong Gawain.
(Pagkalinawan, Leticia. et. Al. 2008)
Depinisyon Pagiisa-isa Pagsusunod sunod Paghahambing at Kontrast Sanhi at Bunga Opinyon at Katotohanan Problema at Solusyon Mahalagang mabatid ng isang nagbabasa o nagsusulat ang iba’t-ibang hulwarang organisasyon na maaaring maging batayan ng mga tekstong ilalahad o inilalahad upang higit na maging malinaw ang mga ito. Ang depinisyon ay isang uri ng diskursong ekspositori na napakadalas gamitin sa pagpapahayag. Kalimitan, ang paghahanap ng depinisyon ay naibibigay ang diksyunaryo at thesaurus. Naibibigay ang depinisyon sa pamamagitan ng pormal at di-pormal na pahayag. Denotasyon ay kahulugan mula sa diksyonaryo o dili naman kaya ay salitang ginagamit sa pinakasimpleng paraan.
Konotasyon nagbibigay ng di-tuwirang kahulugan sa
isang salita. Ito ay maaaring pansariling kahulugan ng isang tao kung kaya't nagkakaroon ng pangalawang kahulugan ang salita. Ang hulwarang pagiisa-isa o enumerasyon ay isang mabisang paraan upang matandaan ang mga paraan o hakbang sa pagsasagawa ng mga bagay na hinihingi ng pagkakataon. Napakahalaga ng pagkakaroon nang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa ating pagsasalaysay upang hindi malito ang mga nakikinig sa atin. Sekwensyal - pagsusunod-sunod ng mga pangyayari Kronolohikal - pagsusuod-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang detalye Prosidyural - pagsusunod-sunod ng mga hakbang o prosesong isasagawa. Sa pakikisalamuha sa ating kapwa sa araw-araw hindi maiiwasan ang maglahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga katangian ng mga tao, bagay, pook o mga pangyayari. Pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit na salita upang higit na mapalutang ang gagawing paghahambing at pagkokontrast. Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na humantong sa isang bunga.
Kalimitan, ang dahilan o sanhi ay nagdudulot ng higit
sa isang bunga o kinalabasan. Sa pagbibigay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari, kalimitang ginagamit ang mga katagang kaya, dahil, dahil sa, nang, buhat, magkagayon, at iba pa. Ang opinyon ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng pasublian ng iba. May dalawang uri ng opinyon: Positibong opinyon – totoo, tunay talaga, ganoon nga, mangyayari pa, sadya Negatibong opinyon – ngunit, subalit, habang, at samantala Mga salitang maaring gamitin sa pagbibigay ng opinyon: Sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin Para saakin, sa ganang akin Daw/raw, sa palagay ko Sinabi, sang-ayon Ang katotohan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi sa mapapasublian kahit sa ibang lugar. Mga salitang maaring gamitin sa pagbibigay ng katotohanan: Batay sa, resulta ng Mula sa, tinutukoy sa Mababasa sa, pinatutunayan ni Paglalahad ng solusyon sa mga problema o maaaring paglalaha ng problema upang bigyan ng solusyon. Ang problema ay maaaring panlipunan o pang- agham na nangangailangan ng solusyon. Meron bang katanungan?