You are on page 1of 3

LAGUNA COLLEGE

San Pablo City


ELEMENTARY DEPARTMENT
Ikatlong Lagumang Pagsusulit
FILIPINO 5

PANGALAN: ________________________________ MARKA: _______________


BAITANG: __________________________ PETSA: ________________
I. Isulat ang mga titik PL kung ang pang-uri na may salungguhit ay pang-uring panlarawan, PM kung ito
ay pang-uring pamilang, at PN kung ito ay pang-uring pantangi.
_______ 1. Ang pamilya Reyes ay may anim na anak.
_______ 2. Ang kanilang mga anak ay mababait.
_______ 3. Ang kanilang panganay na si Joanna ay labing-walong taong gulang na.
_______ 4. Si Joey ang pinakamatangkad sa mga magkakapatid.
_______ 5. Ang babaeng nakasalamin ay si Jennifer.
_______ 6. Si Joshua ang ika-apat na anak ni Ginoong Reyes.
_______ 7. Si Justin naman ay nasa ika-limang baitang na.
_______ 8. Mahiyain naman ang bunso nila na si Jean.
_______ 9. Mayroon din silang isang alagang Labrador na si Max.
_______ 10. Si Max ang unang asong nakita nila sa pet store.
II. Isulat sa patlang ang pang-uring ginamit sa bawat pangungusap at bilugan ang salitang inilalarawan
nito.
_______________________ 1. Kapansin-pansin ang kagandahan ni Angelica.
_______________________ 2. Ang anak ng kapitbahay natin ay tamad.
_______________________ 3. Ang mga damit nina Gina at Amanda ay magkasinghaba.
_______________________ 4. Kakaiba ang mga talento ng mga tao sa sirko.
_______________________ 5. Tumakbo pauwi ang asong duwag.
_______________________ 6. Ang opinyon ko ay salungat sa opinyon ng karamihan.
_______________________ 7. Dalian na natin dahil huli na tayo!
_______________________ 8. Tuwing tag-ulan, berde ang Chocolate Hills.
_______________________ 9. Ang mga kriminal ay may mga pekeng pasaporte.
_______________________ 10. Naghanda si Nanay ng espesyal na meryenda para sa atin.

III. Bilugan ang tamang pang-uri para sa kaantasang ipinahihiwatig sa pangungusap.


1. Si Lance ay (mapagbigay, mas mapagbigay, pinakamapagbigay) sa kanyang mga kaibigan.
2. (Malusog, mas malusog, pinakamalusog) ngayon ang alagang mong pusa, Dencio.
3. Si Jerry ay (matangkad, higit na matangkad, pinakamatangkad) kaysa kay Tom.
4. Tayo ba ay pupunta sa (malayo, mas malayo, pinakamalayong) lugar?
5. (Matulis, Mas matulis, Pinakamatulis) ang lapis ko kaysa sa inyo.
6. (Matangkad, Mas matangkad, Pinakamatangkad) si Maki sa mga batang naririto.
7. Si Kevin ay (mabait, mas mabait, pinakamabait) kaysa sa kanyang kapatid.
8. Si Snow White ang (maputi, mas maputi, pinakamaputi) sa kaharian.
9. (Malikot, Higit na malikot, Pinakamalikot) ang aking bunsong kapatid.
10. Ang mga mag-aaral sa ikalimang baitang ay ang (aktibo, mas aktibo, pinaka aktibo) sa lahat ng
mga mag-aaral sa elementarya.

IV, Sumulat ng pangungusap gamit ang mga kaantasan ng pang-uri.


Halimbawa:
(mabilis) Lantay - Mabilis tumakbo si Lance.
Pahambing - Mas mabilis tumakbo si Lance kumpara kay Sam.
Pasukdol - Pinakamabilis tumakbo si Gabe sa mga bata.
1. (matalas)
Lantay - _____________________________________________________________________
Pahambing - _________________________________________________________________
Pasukdol - ___________________________________________________________________

2. (masarap)
Lantay - _____________________________________________________________________
Pahambing - _________________________________________________________________
Pasukdol - ___________________________________________________________________

3. (mabango)
Lantay - _____________________________________________________________________
Pahambing - _________________________________________________________________
Pasukdol - ___________________________________________________________________

V. Isulat sa patlang ang pang-uri na bubuo sa pangungusap. Pumili mula sa mga pang-uri sa kahon.
Isang beses lamang maaaring gamitin ang bawat pang-uri.

1. Masarap humiga sa ______________________ na unan.


2. Binasa ko ang ______________________ na libro sa loob ng tatlong araw.
3. Sigurado ka ba na ang gamot na ito ay ______________________?
4. Gumamit ka ng ibang lapis dahil ______________________ na ang lapis mo.
5. May ______________________ na saging sa kusina.
6. Magandang tingnan ang malinis na uniporme at ______________________ na sapatos.
7. Ang sundalong ______________________ ay nakatanggap ng gantimpala.
8. Gusto kong uminom ng ______________________ na tubig kapag mainit ang panahon.
9. Ang Intramuros sa Manila ay isang ______________________ na lugar.
10. Gumawa ng ______________________ na saranggola si Peter para sa paligsahan.

VI. Tukuyin ang pangunahing paksa at ang mga suportang detalye sa bawat talata.
Dinaan sa panalangin at pagkakaisa ng mga Pilipino ang pakikibaka laban sa isang diktador.
Walang nagbuwis ng buhay ni gumamit ng dahas upang makamit ang minimithing kalayaan. Naging
payapa at hindi madugo ang pakikipaglaban sa kalayaan ng mamamayang Pilipino. Sinasabing
kakaiba ang rebolusyong naganap noong ika-22 hanggang 25 ng Pebrero taong 1986.

Pangunahing Paksa:
____________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________.
Mga Suportang Detalye:
(1) ____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.
(2) ____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.
(3) ____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.

VII. Isulat sa patlang kung ang may salungguhit ay ginagamit bilang pang-uri o pang-abay.
1. ___________ Maingat niyang ibinuhos ang alak sa baso.
___________ Maingat siya habang binubuhos ang alak sa baso.
2. ___________ Matagal ang pagtalakay ng isyung ito sa Senado.
___________ Ang isyung ito ay itinalakay nang matagal sa Senado.
3. ___________ Ang pasasalamat ng naulilang bata ay mataimtim.
___________ Mataimtim na nagpasalamat ang naulilang bata.
4. ___________ Ang mungkahi niya ang malungkot kong tinanggihan.
___________ Malungkot ako dahil tinanggihan ko ang mungkahi niya.
5. ___________ Ang mga bisita ay magiliw niyang inanyayahang pumasok sa sala.
___________ Magiliw ang nag-anyaya sa mga bisita na pumasok sa sala.

You might also like