You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

SANTA RITA COLLEGE OF PAMPANGA

Carlos Mariano Street, San Jose


Sta. Rita, Pampanga

FIELD STUDY I
Chapter 1
Content Knowledge and Pedagogy
Lesson 1 Pedagogical Content Knowledge and Its Application across Curriculum

Bachelor of Elementary Education


Major in General Education

Liquiran, Maica Ami


Santos, Catherine
Soto, Rachel
Zarate, Francis
September 2022

Republic of the Philippines

SANTA RITA COLLEGE OF PAMPANGA

Carlos Mariano Street, San Jose


Sta. Rita, Pampanga

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 1

(Ikalawang Markahan)

I. Layunin:

1. Natutukoy ang tamang paggalang sa pamilya at kapwa

2. Naipapamalas ang kanilang paggalang sa pamilya at sa kapwa.

3. Nakapagpapakita ng paggalang sa pamilya at sa kapwa sa pamamagitan ng:

EsP1PIIe-f– 4

11.1. pagmamano/paghalik sa nakatatanda

11.2. bilang pagbati

11.3. pakikinig habang may nagsasalita

11.4. pagsagot ng “po" at “opo”

11.5. paggamit ng salitang “pakiusap” at

11.6. “salamat”
II. Paksang Aralin

A .Paksa: Pagkamagalang (Respect)

B. Saggunian: Curriculum Guide sa Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina 17 ng 153

https://youtu.be/HOniFF7oBBk

C. Kagamitan: Mga larawan, projektor, pisara, laptop

III. Pamamaraan

A. Panimula

1. Pagbati sa mga mag-aaral

2. Pagdama sa presensya ng Panginoon

3. Pagpapanatili sa kalinisan ng silid-aralan

4. Pagtukoy sa mga lumiban sa klase

B. Pagganyak

Magpapakita ng video ang guro na pinamagatang “Ang batang maggalang”. Base sa

video na ipinakita ipapaliwanag ang kahalagahan ng paggalang sa pamilya at sa kapwa upang

mas maintindihan ito ng mag-aaral at magbibigay ng mga katanungan ang guro.

Mga katanungan tungkol sa bidyo:

 Ano ang asal ng bata sa bidyo?

 Anong asal ng bata sa bidyo ang iyo ring ginagawa?

 Paano mo maipapakita ang iyong paggalang sa iyong kapwa?

C. Paglalahad ng Paksa
Magpapakita ng mga larawan ang guro na galing sa bidyo na ginamit . Ipapasuri sa mga

mag-aaral ang bawat larawan at magbibigay ng mga katanungan

D. Pagtalakay sa Paksa

Magbibigay ng mga katanungan:

 Ano ang makikita sa unang larawan?

 Ginagawa ninyo rin ba ito sa inyong pamilya at kapwa?

 Bakit mahalaga na ito ay gawin?

Ipapaliwanag sa mga mag-aaral ang kahulugan ng mga larawan na ipinalita at ang

kahalagahan ng paggalang sa pamilya at kapwa upang maibahagi rin nila ito sa iba at maipadama

ang respeto at pagmamahal sa iba.

E. Pangkatang-Gawain

Ipapangkat ang mga mag-aaral sa apat na grupo.

• Ang guro ay magbibigay ng larawan na nagpapakita ng paggalang sa pamilya o sa kapwa

sa bawat grupo

• Ito ay kanilang bibigyang buhay sa pamamagitan ng pag arte nito sa harap ng kanilang

mga kaklase

F. Paglalahat

Tatanungin ang mga mag aaral sa tinalakay sa leksyon

• Paano mo mapapakita ang paggalang mo sa iyong kapwa?


Ipapaliwanag ng guro ang mga gawain kung paano mo maipapakita ang iyong paggalang sa

iyong kapwa.

G. Pagpapahalaga

Ipapaliwanag ng guro kung gaano kahalaga ang paggalang sa kapwa at pamilya upang ito

ay makintal sa kanilang puso at isipan pang habang buhay. Ipapaliwanag ang importansya ng

paggalang at ibibigay ang moral na aral ng leksyon sa ating sarili

IV. Ebalwasyon

Panuto: Lagyan ng puso kung ang larawan ay nagpapakita ng paggalang sa pamilya at sa

kapwa at malungkot na emoji naman kung ito ay hindi nagpapakita ng paggalang.

V. Kasunduan

Panuto: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng inyong ginagawang paggalang sa inyong

pamilya . Iguhit ito sa isang malinis na papel at itoy inyong kulayan. Maaaring magpatulong sa

inyong mga magulang.


Reference:

Bidyo: //youtu.be/HOniFF7oBBk

Curriculum Guide sa Edukasyon sa Pagpapakatao

You might also like