You are on page 1of 1

Yuan Aldrich M.

Javelosa Week 7
8 – Strawberry Filipino – 8

PAGLALAPAT ( Poot o matinding galit )

Galit dahil sa pambu-bully ng mga kaklase sa kanya sa social media

Dalawang araw kong dinala sa aking puso ang sama ng loob at galit sa inyo. Pinili kong
manahinik at huwag kayong sagutin dahil mga babae kayo at higit sa lahat waka sa karakter ko
ang nakikipag-away. Tinanong ko sa sarili ko kung anong kasalanan ko para makatanggap ng
matatalim na salita sa inyo. Kayo na itinuring kong mga kaibigan at pinakisamahan ng
mahinusay. Dahil lang sa mataas kung marka ako'y inyong pinag-usapan, minaliit, nilait,
pinagbintangan at hinusgahan sa Group Chat na alam na alam ninyong mababasa ko. Tanong
ko sa ay ganito: kasalanan ko ba kung nagkaroon ako ng mataas na marka? Wala ba akong
kakayanan sa klase? Tamad ba akong mag-aral? Kapag mataas ba ang marka, sipsip na agad?
Ang baba ng tingin nyo sa akin! Ganyan ba kayo pinalaki ng mga magulang nyo? Pasalamat ako
sa mga magulang ko na nakatuklas ng mga usapan ninyo ng tingnan ang cellphone ko. Agad
napaluha ang nanay ko bilang magulang na nagmamahal sa kanyang anak. Nag desisyon syang
sumangguni sa Guidance Counselor dala ang print-out ng usapan nyo. Galit ang naramdaman
ko ng isa-isahin kong basahin ang mga iyon. Subalit ito ang masasabi ko sa inyo, ito na ang huli
nating paghaharap! Kakalimutan kong nakasama ko kayo, wala na kayong puwang sa puso ko!
Nagkamali ako sa pagpili ng mga kaibigan! Di ko kailangan ang mga taong plastik at puno ng
inggit ang puso! Kailanman ay huwag nyo na akong lalapitan at kakausapin dahil hinding hindi
ko kayo paglalaanan ng kahit isang minuto ng oras ko!

You might also like