You are on page 1of 1

PANGHALIP

Ang panghalip o pronoun sa wikang Ingles ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit
na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap.

1. Panghalip na Panao- Ang panghalip na panao ay mga panghalip na ginagamit panghalili sa ngalan ng tao. Sa
Ingles, ito ay ang personal pronoun.

Mga Halimbawa:

 Ako, Ikaw, Tayo, Sila, Kami

Si Lorenzo at Fidel ay papunta sa parke.


Sila ay papunta sa parke

Ang magsasaka na ang bahala diyan.


Siya na ang bahala diyan.

2. Panghalip na Pamatlig-Ang panghalip na pamatlig ay ginagamit panturo. Sa asignaturang Ingles, ito ay


itinatawag na demonstrative pronoun.

Mga Halimbawa:

 Ito, Iyan, Ganito, Iyon, Doon

Kunin mo ang pitaka (nasa ibabaw ng mesa).


Kunin mo iyan.

Tupiin mo bago mo ipasok sa kabinet.


Ganito ang gawin mo bago mo ipasok sa kabinet.

3. Panghalip na Pananong-Ang panghalip na pananong ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa tao, pook,


pangyayari, bagay, etc. Tinatawag itong interrogative pronoun sa Ingles.

Mga Halimbawa:

 Sino, Alin, Kanino, Anu-ano, Sinu-sino

Kanino mo ibibigay ang pera?


Sinu-sino ang pupunta mamaya?

4. Panghalip na Panaklaw Ang panghalip na panaklaw ay tinatawag na indefinite pronoun sa Ingles. Ito ay
nagsasaad ng dami o bilang ng tao o bagay na nasasaklaw ng kilos.

Mga Halimbawa:

 Lahat, Alinman, Sinuman, Ni-isa, Madla

Lahat ay manonood ng sine bukas.


Sinuman sa kanila ay karapat-dapat na manalo.

5. Panghalip na Pamanggit-Ang panghalip na pamanggit ay ginagamit bilang tagapag-ugnay ng dalawang


pananalita. Sa Ingles, ito ay itinatawag na relative pronoun.

Mga Halimbawa:

 na, ng

Ang babae  na siyang  nanalo ay sa barangay namin nakatira.


Ang paa ng kalabaw ay malalaki.

You might also like