You are on page 1of 1

Renzel Reezy G.

Geronimo Filipino
10 – Pythagoras 4th Quarter

Saliksikin at itala ang sumusunod

1. Mga programang/proyekto mayroon ang Muntinlupa batay sa sumusunod na kategorya.


a. Edukasyon – Muntinlupa Scholarship Program o MSP para sa mga estudyante at PLMUN Iskolar ng
Bayan.
b. Kalikasan – Ang programang “Environment, at Clean and Green” ni Mayor Jimmy Fresnedi, ay ginawa
upang mapanatili ang kalinisan sa buong lungsod, tulad ng pagtatapon ng basura sa tamang tapunan,
paghihiwalay ng mga basura at para naman sa environment ay ang patuloy na pagtatanim sa buong
lungsod.
c. Karapatan – Ang programang “Ang R-18 Fair 18 Ka Na? Responsable Ka Na?” ng Muntinlupa City ay
naglalayon na maipaintindi sa mga kabataan ang kanilang mga karapatan at responsibilidad sa mga
dadaang panahon. Nagkaroon ng mga seminar para sa daan-daang estudyante na dumalo ukol sa
career, mental health awareness, gender and development at responsableng paggamit ng social media.
d. Pabahay – Mayroong proyektong pabahay ang Muntinlupa City na tinatawag na “Housing and
Settlement Program”
e. Kabuhayan – Mayroong programang pang-kabuhayan si Mayor Jimmy Fresnedi na tinatawag na
“Muntinlupa Livelihood Projects”.
2. Magbigay ng maiksing pagpapakilala sa nasaliksik ng programa.
a. Ang MSP at PLMUN Iskolar ng Bayan ay para sa mga mag-aaral ng Muntinlupa City na kung saan ay
makakatanggap ang bawat estudyante ng allowance at pagiging skolar. Nakakatulong ito ng sobra dahil
nagkakaroon ang mga estudyante ng pera para ipangtustos sa mga kinakailangan.
b. Ang “Environment, at Clean and Green” ng Muntinlupa City ay isinagawa upang mapanatiling malinis
ang lungsod at maging maayos ang kapaligiran.
c. Ang programang “Ang R-18 Fair 18 Ka Na?” ay isinagawa upang magkaroon ng malalim na
pagkaintindi ang kabataan ng Muntinlupa City para sa kanilang karapatan at pagkakaroon ng
responsibilidad.
d. Ang pabahay ni Mayor Jimmy ay ginawa upang magkaroon ng maayos na tirahan ang mamamayan ng
Muntinlupa City.
e. Ang pang-kabuhayan ni Mayor Frenesdi ay ginawa upang magkaroon ng kabuhayan ang mga hirap
maghanap ng trabaho o walang trabaho.
3. Saliksikin ang mga pilosopiya/ideolohiya ni Dr. Jose Rizal.
- Naniniwala si Rizal na importante ang edukasyon lalo na sa mga kabataan dahil ito ay para sa kanilang
sarili at panlipunang kaunlaran. Itinatak niya rin sa isipan ng mga Pilipino kung gaano kaimportante
ang paglaban para makamit ang kalayaan. Ang pilosopiya ni Dr. Jose Rizal sa edukasyon ay
mapaintindi sa lipunan na mapagtatagumpayan sa edukasyon ang mabuting buhay dahil sa kanilang
kaalaman.

You might also like