You are on page 1of 3

UNIT 2

Ang Filipino, bilang wikang pambansa ng Pilipinas, ay sumisimbolo at kumakatawan sa pambansang pagkakakilanlan,
pagkakaisa, at pag-unlad.

ARALIN 1-FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA


Manuel Quezon- “Ama ng Wikang Pambansa”
Wikang Pambansa- ay ang wikang itinalaga ng isang bansa na gagamitin ng mga mamamayan nito at magiging daluyan
at representasyon ng pambansang identidad at kultura nito.

Filipino- Wikang Pambansa ng Pilipinas


MGA LEGAL NA BATAYAN
De jure- ay hango sa mga salitang Latin na nangangahulugang “batay sa batas.” Ibig sabihin, ang wikang pambansa ay
dapat itinakda at nakasaad sa batas ng isang bansa.

De facto- ay hango rin sa mga salitang Latin na nangangahulugang “batay sa katotohanan o umiiral na kondisyon.” Ibig
sabihin, ang wikang pambansa ay ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa pakikipag-usap sa isa’t isa.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Paglagda ni Manuel Roxas bilang delegado sa 1935 Constitutional Convention.


Disyembre 13, 1937-wikang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
Kautusang Tagapagpaganap Bilang 134 na nilagdaan ni Pangulong Manuel Quezon.
1959- Kautusang Pangkagawaran Bilang 7 na nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon, ang
wikang pambansa ay tatawagin nang “Pilipino” bilang pinaikling “Wikang Pambansang Pilipino.”
Artikulo 14, Seksyon 6 ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas na “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.”
ARALIN 2- MGA WIKANG PANTURO SA PILIPINAS
Ang wikang panturo ay itinatadhana ng batas, ginagamit ito sa pagpapadaloy ng mahahalagang kaalaman at
impormasyon sa larangan ng edukasyon sa Pilipinas.
Wikang Panturo- ay ang wikang itinalaga para gamitin sa mga paaralan sa bansa. Mahalaga na mayroong
tukoy na wikang panturo upang matiyak ang pagkatuto at pagpapalalim ng kaalaman ng mga mag-aaral.

Ginagamit sa –
• libro at leksyon ng guro
• pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan
• anunsyo
• pangalan ng mga silid
• opisyal na kasulatan sa paaralan
Sa usapang legal, ang paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo ay nakasaad sa Artikulo 14, Seksyon 7
ng 1987 Saligang Batas. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at, hanggang walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
MAHALAGANG PANGYAYARI SA WIKANG PANTURO

Thomasites- tawag sa Amerikanong guro noon


Sinakop ng Hapones- itinatag nila ang Ikalawang Republika sa pamumuno ni Jose P. Laurel. Ipinagbawal ang
paggamit ng wikang Ingles sa mga paaralan.
Department of Education Order No. 79, Series of 2009- Mother Tongue-Based Multilingual Education o MTB-
MLE.
Department of Education Order No. 16, Series of 2012- Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, Tagalog, Bikol,
Hiligaynon, Cebuano, Waray-waray, Chavacano, Maguindanaoan, Tausug, at Maranao.
Department of Education Order No. 28, Series of 2013- Ibanag, Ivatan, Sambal, Akeanon, Kinaray-a, Yakan, at
Surigaonon.
Programang Mother Tongue-Based Multilingual Education
Kindergarten- Ikatlong bilang - Matematika, Araling Panlipunan, MAPEH, at Edukasyon sa Pagpapakatao.
Filipino for Filipino subject and Ingles for English subject
Ikaapat – ika-10 baitang – Filipino for Edukasyon sa Pagpapakatao, Araling Panlipunan, at Filipino. Ingles sa
Matematika, Agham, at MAPEH.
ARALIN 3 - MGA WIKANG OPISYAL SA PILIPINAS
Wikang Opisyal- ay tumutukoy sa wikang itinatadhana ng batas sa opisyal na komunikasyon sa loob at labas
ng mga ahensya ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang pangunahing daluyan ng komunikasyon ng gobyerno sa
kaniyang nasasakupan.
Wikang Kastila- unang wikang opisyal sa Pilipinas.
Pamahalaan ng Biak-na-Bato- idineklara ng konstitusyon nito ang wikang Tagalog bilang wikang opisyal.
Batas Komonwelt Bilang 560- Ito ay nagtatakda ng paggamit ng Tagalog sa mga tanggapan simula noong
Hulyo 4, 1946.
Sa panahon ng liderato ni Ferdinand Marcos, nilagdaan ang kautusan upang palakasin ang wikang pambansa
bilang wikang opisyal.
Artikulo 14, Seksiyon 7 ng 1987 Saligang Batas: ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hanggang
walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Executive Order No. 335 noong ika- 25 ng Agosto, 1988- Pinalakas pa ni Corazon Aquino ang Filipino
Tandaan na ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at Ingles,
ARALIN 4 – MGA LINGUA FRANCA SA PILIPINAS
Ang mga lingua franca ng Pilipinas ay nagsisilbi ring wikang tulay, wikang pangalakal, at wikang pang-ugnay ng
mga mamamayan nito sa buong kapuluan.
lingua franca - ay kilala rin sa tawag na interlingua.
Pilipinas- 180 Wika
Ilokano- Hilagang Luzon
Tagalog- Gitnang Luzon, Kamaynilaan, at Katimugang Luzon.
Bikol- Bikol
Hiligaynon- Panay o Kanlurang Visayas, Negros Occidental.
Waray-waray- Silangang Visayas o bahaging Samar, Biliran, at Leyte
Cebuano- Gitnang Visayas at malaking bahagi ng Mindanao,
Ingles- pandaigdigang lingua franca
Filipino- Pambansang lingua franca

You might also like