You are on page 1of 10

WIKANG PANBANSA / WIKANG

OPISYAL/ WIKANG PANTURO

ARALIN -2
LAYUNIN
• Nailalahad ang kahulagan ng wikang pambansa, wikang
opisyal, at wikang panturo.
• Nauunawaan ang kahalagahan at gamit ng wikang
pambasa, wikang opisyal, at wikang panturo.
• Nakakagawa ng isang advocacy tungkol sa wikang
pambasa/ wikang opisyal o wikang panturo.
WIKANG PAMBANSA

Filipino
 ang pambansang wika ng Pilipinas at may konstitusyonal
na batayan ang pagiging pambansang wika ng PiIipino.
 Sa unang bahagi ng Artikulo XlV, Seksiyon 6 ng
Konsitusyon ng 1987, nakasaad na, :Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
 Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa
iba pang mga wika.
 Bilang pambansang wika, Pilipino ang sumisimbolo sa
ating pambansang pagkakakilanlan.
 Sinasalamin nito ang ating kalinangan at kultura,
gayundin ang ating damdamin bilang mga Pilipino.
 Ang wikang Filipino ang nagbabandila sa mundo na hindi
tayo alipin ng alinmang bansa at hindi tayo nakikigamit
ng wikang dayuhan.
 Ang wikang pambansa ang sumasagisag sa ating
kalayaan.
 Mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang wika
sapagkat ito ang nadadala sa ating sa pambansang
pagkakaisa at pagbubuklod.
 Mahalagang pagyamanin at pahalagahan ang ating
pambansang wika, ang isa sa mga natatanging pamana
ng ating mga ninuno at nagsisilbing yaman ng ating lahi.
WIKA FILIPINO
Bukas ang wikang Filipino sa pagpapayamang
matatamo mula sa iba pang mga wika ng rehiyon.
Lalo pang mapapayaman ang leksikon ng Filipino sa
pamamagitan ng paglalahok ng mga salitang mula sa
iba pang katutubong wika sa Pilipinas.
Halimbawa,
Gahum mula sa Binisaya sa halip ng hiram sa
Espanyol na”hegemoniya. Marami na ring gumagamit
ng “bana”; na nanganganuluganag“asawang lalaki.”
WIKANG PANTURO
Bukod sa pagiging pambansang wika ng Pilipinas,
iniaatas din ng Konstitusyon ng 1987 ang
paggamit sa Filipino bilang wikang panturo.
Sa ikalawang bahagi ng Artikulo XlV, Seksiyon 6,
nakasaad na, alinsunod sa tadhana ng batas at
sang-ayon sa nararapat na maaring ipasiya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin
ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipno bilang midyum
ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon'
WIKANG PANTURO

Sa ikalawang bahagi ng Artikulo XlV, Seksiyon


6, nakasaad na, alinsunod sa tadhana ng
batas at sang-ayon sa nararapat na maaring
ipasiya ng kongreso, dapat magsagawa ng
mga hakbangin ang pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit
ng Filipno bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon'
OPISYAL NA WIKA
Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika
na bingyan ng natatanging pakilala sa
konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga
opisyal na transaksiyon ng pamahalaan.
OPISYAL NA WIKA
May dalawang opisyal na wika ang Pilipinas ang
Filipino at Ingles.
Ayon sa Artikulo IV Seksiyon 7,
ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t
walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles bilang mga
opisyal ng wika, may tiyak at magkahiwalay na gamit ang
Filipino at Ingles.
Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika sa pag- akda
ng mga batas at mga dokumento ng pamahalaan. Ito rin
ang wikang gagamitin sa mga taglay at diskurso sa loob ng
bansa.
OPISYAL NA WIKA
Halimbawa
1. Sa mga talumpati ng pangulo, mga deliberasyon sa
kongreso at senado, pagtuturo sa mga pamahalaan,
mga paglilitis sa korte, at iba pa. Mahalaga ang paggamit
ng Filipino sa mga talumpati ng pangulo at sa mga
talakay at diskurso upang maunawaan ng mga
mamamayan ang mahahalagang usapin ng bansa.
2. Ang isa ay Kapampagan at isa naman ay Bikolano,
gagamitin nila ang Filipino para magkaunawaan.

You might also like