You are on page 1of 1

1. Ano ang nilalaman ng artikulo xiv seksyon 6 ng konstitusyon ng 1987?

ARTIKULO XIV
EDUKASYON, SYENSYA AT TEKNOLOHYA, MGA SINING, KULTURA, AT ISPORTS
SEKSYON 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod
ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa Sistemang pang-edukasyon.
2. Ano ang tinutukoy ng wikang opisyal, wikang panturo, wikang pambansa?
Wikang Opisyal
Tinatawag na Opisyal na wika ang isang wika na binigyan ng natatanging pagkilala sa
konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksyon ng pamahalaan. May
dalawang opisyal na wika ang Pilipinas ang Filipino at Ingles gagamitin ang Filipino bilang opisyal
na wika sa pag-akda ng mga batas at mga dokumento ng pamahalaan. Ito rin ang gagamiting
diskurso sa loob ng bansa.
WIKANG PANTURO
Iniaatas din ng Konstitusyon ng 1987 ang paggamit sa Filipino bilang wikang panturo. Sa
ikalawang bahagi ng Artikulo XIV Seksyon 6, nakasaad na, "Alinsunod sa tadhana ng batas at
sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin
ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum
ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon."
WIKANG PAMBANSA
Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at may konstitusyonal na batayan ang pagiging
pambansang wika ng Filipino.
Sa unang bahagi ng Artikulo XIV.Seksyon 6 ng Konstitusyon ng 1987. Nakasaad na." Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral, na wika sa Pilipinas at iba pangwika."

You might also like