You are on page 1of 7

KOMUNIKASYON

 “Ito ay ang akto ng pagpapahayag ng ideyao kaisipan sa pamamagitan ng pasalita o pasulat


na paraan.”
 “Ito ay paraan ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga
simbolikong cues na maaaring berbal at ‘di berbal.”

MGA ANYO NG KOMUNIKASYON


BERBAL
 Tawag sa komunikasyon kapag ito ay ginagamitan ng wika o salita at mga titik na sumisimbolo
sa kahulugan ng mga mensahe.
 Tinatawag na kongkretong anyo ng komunikasyon dahil tiyak at ispesipiko ang
pagpaparating ng mensahe sa kinakausap

‘DI BERBAL
 Ginagamitan ito ng mga kilos o galaw ng katawan upang maiparating ang mensahe sa kausap
 Itinuturing na abstrak na anyo ng komunikasyon dahil walang katiyakan kung ang ikinikilos
ng isang tao ay umaayon sa kanyang sinsabi

Ayon kay “Albert Mehrabian”, propesor sa Clark University sa kanyang aklat na Silent Messages:
Implicit Communication of Emotions and Attitudes,
 7% sinasalita
 38% tono ng pagsasalita
 55% galaw o kilos ng katawan

MGA URI NG ‘DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON


HAPTICS (Pandama o paghawak)
 Tumutukoy sa paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng paghipo o paghawak.
Halimbawa:
 Paghaplos sa likod ay nangangahulugan ng pagbibigay ng pag-asa.
 Pagtapik sa balikat, paghablot, pagkamay, pagpisil.

Proxemics (Proksemika)
 Ito ay pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo o sa layo ng kausap sa kinakausap.
 Ito ang katawagang binuo ng antropologong si Edward T. Hall (1963).

“4 na Proksemikong distansya”
 0 - 1.5 feet- intimate
 1.5- 4 feet – personal
 4- 12 feet – social distancing
 12 feet – public
OCULESICS (Galaw ng mata)
 Sinasabing mata ang durungawan ng ating kaluluwa, nangungusap ito.
Halimbawa:
 Panlilisik ng mata na nangangahulugang galit.
 Panlalaki ng mata na ibig sabihin ay pagkagulat.
 Pamumungay ng mata na minsan ay nangangahulugang inaantok o minsan ay pang-aakit.

KINESICS (Kinesika)
 Ito ang pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan.
Halimbawa:
 Kibit-balikat
 Pagdikit ng daliri sa labi
 Pagwagayway ng kamay

OLFACTORICS (Pang-amoy))
 Ito ang pag-aaral ng paggamit ng pang-amoy sa paglalahad ng mensahe.
Halimbawa:
 Alam natin kapag may dumaang trak na puno ng basura;
 Alam natin ang amoy ng adobo, atbp.
 May alaalang bumabalik kapag may naaamoy tayo na may kaugnayan sa nakaraan.

ICONICS (Simbolo)
 Ito ay kinabibilangan ng mga simbolo, larawan na may nais ipakahulugan.
Halimbawa:
 Sa palikuran
 Bawal manigarilyo
 Emoji

PICTICS (Expresyon ng mukha)


 Ito ang pag-aaral ng ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid.
Halimbawa:
 Mahaba ang nguso
 Nakakunot ang noo
CHRONEMICS (Oras)
 Ito ang pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay nakaaapekto sa komunikasyon.
Halimbawa:
 Ang pagdating nang maaga sa isang job interview na nangangahulugsng interesado at
may disiplina.
 Ang pagtawag sa telepono sa dis-oras ng gabi ay maaaring mangahulugang ng pang-
iistorbo o maaaring emergency.

COLORICS (Kulay)
 Ang kulay ay nagtataglay rin ng anyong pagpapakahulugan.
Halimbawa:
 Ang puti ay sumisimbolo sa kalinisan.
 Ang itim na damit ay sumisimbolo ng pagluluksa.

VOCALICS (‘Di lingguwistikong tunog)


 Ito ay pag-aaral ng mga ‘di lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita.
Tumutukoy rin sa lakas, bilis, bagal ng pananalita.
Halimbawa:
 Pagsutsot
 Buntong hininga
 Hingal

OBJECTICS (Bagay)
 Ito ay pag-aaral ng paggamit ng tao ng bagay tungo sa mas mabisang paglalahad ng
mensahe.
Halimbawa:
 Mabilis na pagdampot ng tsinelas ng isang galit na ama upang paluin ang kinagagalitan
niyang anak.

MODELO NG KOMUNIKASYON
ARISTOTLE
 Iskolar
 Kauna-unahang nagpaliwanag sa proseso ng komunikasyon
 Retorika
 Klasikong modelo ng komunikasyon
 Inilahad ang proseso ng komunikasyon na tulad sa sitwasyong pangretorika
 Orador o tagapagsalita - ispiker
 Argumento - mensahe
 Talumpati - mensahe
 tagapakinig – awdyens
MODELO NI ARISTOTLE
 Nagpapakita ng linear (linyar) na katangian ng komunikasyon
 Ang tagapagsalita ang lilikha ng mensahe at nito sa kongkreto at malinaw na paraan upang
maunawaan ng tagapakinig ang nilalahad o nais iparating.
 Ang layunin ng komunikasyon ay ang tanging maimpluwensiyahan ng tagapagsalita at
mabago nito ang damdamin ng kanyang mga tagapakinig.

MODELO NI DAVID BERLO

SMRC MODELO NI BERLO


 Nakabatay sa apat na payak na elemento ng pakikipagtalastasan: SMCR (Sources - Message
-Channel - Receiver)
 Tumukoy sa kabisahan ng komunikasyon na tinawag niyang 'fidelity' ng proseso. Tinukoy din
ang mga salik na nakakaapekto sa kalalabasan ng komunikasyon
 Ang pinagmumulan ng mensahe
 Mensahe - salita, tunog, ekspresyon ng mukha, kumpas, galaw ng katawan
 Pinagdaranan ng senyas - daluyan ng mensahe. Hal. Light waves, telepono, telegrama, radyo,
email, text, cellphone
 Tumatanggap ng mensahe

MODELO NI WILBUR SCHRAMM


WILBUR SCHRAMM
 "Father of Communication Study"
 Nagbigay ng kahalagan sa human behavior sa proseso ng komunikasyon.
 Siya rin ang nagpakilala sa proseso ng encoding at decoding-isang proseso ng two-way
communication sa pagitan ng tagapagpadala at tagatanggap.
 Isinama niya ang feedback at lawak ng karanasan upang tukuyin ang modelo.

PROSESO NG ENCODING AT DECODING


 Isa sa mga modelong unangnagpakita ng siklong katangian ng komunikasyon - pareho ang
elementong taglay ng tagaunawa at tagasagisag.
 Binigyang diin ang kahalagahan ng reaksyon sa magkabilang panig.

KULTURA AT KARANASAN SA KOMUNIKASYON

 Dito niya inilahad ang kahalagahan ng karanasan upang lubos na maunawaan ng naglalahad
at tumatanggap ang senyas at reaksyong binibigay. Higit na malaki ang nalilikhang ugnayan
ng senyas kung may malaking ugnayan sa karanasan ang dalawang nag-uusap. Hal.

MODELO NI DANCE
FRANK DANCE (1967)
 Naniniwala siya na ang linyar na modelo ay nakapagpapakita lamang ng isang tipo ng
komunikasyon. Sa kabilang banda, ang sirkular na modelo, bagama't tumatanggap ng fidbak,
ay muling bumabalik sa pinagmumulan nito.
 Ayon sa kanya, taliwas ito sa tunay na nangyayari sa buhay.
 Ang komunikasyon ay dinamiko
 Patuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon - Nagbabago ang modelo dahil sa
komunikatibong sitwasyon
 Pinagsama ni Dance ang dalawang figyurs (linyar at sirkular o paikot).

ELEMENTO NG KOMUNIKASYON
TAGAHATID/ENKODER
 Nagpapadala o ang pinagmumulan ng mensahe
 Bumubuo sa mensahe
 Nagpapasya sa layunin

MENSAHE
 Ang ipinadadalang salita

TSANEL
 Daluyan ng mensahe
 Verbal o di verbal

TAGATANGGAP/DEKODER
 Tumatanggap ng mensahe
 Nag-iinterpret o nagbibigay kahulugan sa mensah

GANTING MENSAHE O FEEDBACK


 Proseso sa pagbabalikan ng mensahe.
 Ang patuloy na paghahatid ng mensahe sa bawat panig ng kasangkop sa komunikasyon

MGA HADLANG O BARRIERS


 Tagahatid
 Mensahe
 Tsanel
 Katayuan
 Lugar
 Edad

SITWASYON O KONTEKSTO
 Pinakamahalagang elemento

SISTEMA
 Nangangahulugan sa relasyon o ugnayan na nalikha sa pamamagitan ng proseso ng
komunikasyon

KAKAYAHANG PRAGMATIK
 Ito ay nakapokus sa tagatanggap o tagapakinig.
 Ito ang kakayahang matukoy ang kahulugan ng mensaheng sinasabi at 'di sinasabi, batay sa
ikinikilos ng taong kausap.

KAKAYAHANG ISTRATEDYIK
 Ito ay nakapokus naman sa kumakausap o nagsasalita.
 Ito ang kakayahang magamit nang wasto ang berbal at 'di berbal na uri ng komunikasyon.

TANDAAN:
 "Ang epektibong komunikasyon ay hindi lang pasalita o berbal, mahalaga rin ang mga signal o
kilos na 'di berbal."

You might also like