You are on page 1of 1

Pres. Carlos P.

Garcia Technical-Vocational School of Fisheries and Arts


Puerto San Pedro, Bien Unido, Bohol

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
UNANG MARKAHAN
Quarter 1 Week 3 Day 1 Activity No. 3
Competency : Natutukoy ang kanyang mga talento at kakayahan
Objective : Natutukoy ang mga aspekto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa sarili at
nakikilala ang mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito
Topic : Talento at Kakayahan
Materials : Laptop, book, internet
Reference : Edukasyon sa Pagpapakatao 8 (2013 Ed)

Concept Notes
Tuklasin mo ang iyong mga talento at kakayahan gamit ang Multiple Intelligences (MI)
Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr. Howard Gardner noong 1983, ang teorya ng Multiple
Intelligences. Ayon sa teoryang ito, ang mas angkop na tanong ay “Ano ang iyong talino?” at hindi, “Gaano
ka katalino?” Ayon kay Gardner, bagama’t lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang
talino o talento. Ang mga ito ay:
1. Visual/Spatial. Ang taong may talinong visual/spatial ay mabilis matututo sa pamamagitan ng paningin
at pag-aayos ng mga ideya. Nakagagawa siya nang mahusay na paglalarawan ng mga ideya na kailangan
din niyang makita ang paglalarawan upang maunawaan ito.
2. Verbal/Linguistic. Ito ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan ang mga taong may taglay
na talinong ito ay mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukuwento, at pagmememorya ng mga salita at
mahahalagang petsa
3. Mathematical/Logical. Taglay ng taong may talino nito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng
pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong kaugnay ng lohika, paghahalaw
at numero.
4. Bodily/Kinesthetic. Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong
karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang
katawan, tulad halimbawa sa pagsasayaw o paglalaro.
5. Musical/Rhythmic. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit,
ritmo, o musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang
karanasan.
6. Intrapersonal. Sa talinong ito, natututo ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at
pananaw. Ito ay talino na kaugnay ng kakayahan na magnilay at masalamin ang kalooban.
Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
7. Interpersonal. Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na
makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat. Mahusay siya sa pakikipagugnayan nang may pagdama at
pag-unawa sa damdamin ng kapwa.
8. Naturalist. Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang
mumunti mang kaibahan sa kahulugan (definition). Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan
kundi sa lahat ng larangan.
9. Existential. Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. “Bakit ako nilikha?” Ang
talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa
mundong ating ginagalawan.

Pagsasanay: Sagutin ang mga katanungan ayon sa hinihiling.


Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang mga magulang na magaling sa pag-awit. Sa
edad na tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa kanyang kahusayan sa kabila
ng murang edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay naging mahiyain si Joanna at hindi na sumasali sa mga
patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang mga kamag-aral ang
kanyang talento dahil hindi naman siya nagpapakita nito kahit sa mga gawain sa klase o sa paaralan. Palagi
pa ring umaawit si Joanna ngunit ito ay sa kanilang lamang bahay kasabay ang kanyang nakatatandang
kapatid.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa likod.
1. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna?
2. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?

Sir Nath: 0949-373-2219

You might also like