You are on page 1of 2

ALAMAT NG ARAW AT BUWAN

Si Bathala na siyang lumikha ng mundo ay may dalawang anak, isang lalaki at isang Babae.

Apolaki ang pangalan ng lalaki at Mayari ang pangalan ng babae. Ang mundo ay tinatanglawan

ng mga mata ng magkapatid kaya sila ay mahal na mahal ng mga tao.

Nguni't walang makakatumbas ang pagmamahal na iniukol ng ama sa magkapatid na Apolaki at

Mayari. Si Bathala'y lubhang mapagmahal at lagi niyang sinusubaybayan ng tingin ang kanyang

dalawang anak. Subali't dumating ang araw na si Bathala ay tumanda na at nanghina at

pinanawan na ng lakas. Hindi na niya masubaybayan ang paglalakbay ng kanyang mga anak.

Hindi rin niya hinintay na tumbasan ang iniukol niyang pagmamahal at pagtingin sa mga anak.

Napakabait at mapagbigay si Bathala. Hindi siya pinansin ng magkapatid sa kabila ng kanyang

pagkakasakit. Hindi nagtagal at namatay si Bathala dahil sa kalungkutan at sama ng loob.

Katulad din ng pangkaraniwang tao ang kanyang mga anak. Nagkaroon ng inggitan ang

magkapatid. Isa't isa'y nagmimithing siya lamang ang pag-ukulan ng pagmamahal ng daigdig.

Nag-away sila at nagpaluan ng ulo. Si Apolaki ay higit na malakas kaysa kapatid na babae.

Sinuntok niya ang isang mata ni Mayari at ito ay nabulag.

Nagsisi si Apolaki nang makita niya ang nangyari kay Mayari. Inamo niya ang kapatid at upang

ipakilala ang kanyang pagsisisi ay sinabi kay Mayari na silang magkapatid ay hati sa

kapangyarihan. Pinagkasunduan nilang ang pagbibigay sa daigidig ay hatiin nilang dalawa.

Magsasalitan sila sa pagbibigay ng liwanag na lubos nilang ikinatuwa--si Apolaki sa araw at si


Mayari sa gabi. Dahil sa iisa ang mata ni Mayari ang gabi ay nahihigitan ng liwanag ng araw na

ibinibigay ni Apolaki. Naging araw si Apolaki at naging buwan si Mayari.

Gabay na tanong:
1. Ano ang aral na napulot mo sa kwento?
2. Kung ikaw ang may akda, paano mo wawakasan ang kwento?
3. Ano ang katangian ni Apolaki sa kwento?

Reference:

http://wikangtagalog.blogspot.com/2018/05/ALAMAT-NG-ARAW-AT-BUWAN.html#:~:text=Si
%20Apolaki%20ay%20higit%20na,magkapatid%20ay%20hati%20sa%20 kapangyarihan.

You might also like