You are on page 1of 6

PRE-PROGRAM (15 minutes before the program)

Narito po ang mga ilang paalala bago po tayo magsimula sa ating mga kaganapan
ngayong gabi.
1. Mayroon po tayong registration area para sa ilang mga importanteng
impormasyon na kinakailangan para sa ating programa. Kung hindi pa po
kayo nakakapagtala, maari na lamang po tayong magtungo sa ating
registration area.
2. Ang bawat lamesa at upuan ay may mga tiyak na pangalan para sa bawat
mag-asawa.
3. May nakalaan pong tamang tapunan ng mga basura para sa ating
segregation system.
4. Magkakaroon po tayo maya-maya ng Opening Parade of Couples bilang
opisyal na panimula sa ating gabi.
5. Sulitin po natin ang ating pagtitipon at selebrasyon ngayong gabi ng may
galak sa ating mga puso.
Both: Mapagpalang gabi po sa ating lahat!
Daisy: Tayo po ay nagagalak na magkatipon-tipon ngayong araw na ginawa ng ating
Panginoon upang ipagdiwang ang patuloy niyang kabutihan at katapatan sa ating
mga buhay.
Both: Sa mga hindi pa po nakakakilala sa akin, ako po si Daisy Jane Valenzuela, a
servant of our good Lord.

PROGRAM
(6:00-6:08- Call to Worship and Opening Hymn, Pas Robert)
Chan: Upang ganap na po nating simulan ang ating pagdiriwang sa gabing ito,
tinatawagan po namin ang ating mahal na Pastor, Pas Robert Ogalino para sa ating
paunang pag-aawitan.

(6:08-6:10- Opening Prayer by Pas Ronald)


Daisy: Amen! Salamat sa dakilang pag-ibig ng ating dakilang Diyos sa langit sa
ating lahat. Pag-ibig na hindi mapapantayan at matatawaran ninuman. Ngayon ay
patuloy nating hingin ang paggabay ng ating Ama sa pangunguna ni Pas Ronald
Reyes para sa ating panalangin.

(6:10-6:15- Opening Remarks)


Chan: Maraming Salamat, Pas Ronald! Ngayong gabi ay ipinagdiriwang natin ang
Couple’s Night 3.0: Masquerade Party ng ating simbahan Hope Christian Church of
Mariveles na may tema mula sa ikalimang kabanata ng Efeso berso tatlumpu’t tatlo
33 
Subalit ito'y para din sa inyo: kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong
asawa gaya ng inyong sarili; mga babae, igalang ninyo ang inyong asawa. New
International version translation says in Ephesians 5:33 33 However, each one of
you also must love his wife as he loves himself, and the wife must respect her
husband.

Daisy: or Colossians 3:14 14 And above all these put on love, which binds everything
together in perfect harmony.”  Paul called us to love the "more excellent way" (1
Corinthians 12:31), and here he echoes the same teaching. Pero ano nga ba ang
pag-ibig, Teacher Christian?

Chan: Tignan natin ang ilang mga passages sa Bibliya na nagpapahayag ng


kahulugan ng pag-ibig. Sa 1 John 4:8 it reads, “Ang hindi umiibig ay hindi
kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.”

Daisy: In John 13:34-35 ““Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon,
mag-ibigan kayo! Kung paano ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo.
Kung kayo'y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko.”

Chan: Mula sa 1 Mga Taga-Corinto 13:4-7 RTPV05 sinabi ni Pablo na “Ang pag-
ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni
mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi
magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing
masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagpatawad,
mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.” Tama ba, Teacher
Daisy?

Daisy: Yes! In the same way, ipinakita sa atin ng Diyos ang tunay at pinakadalisay
na salamin ng pag-ibig ng kanyang ibigay ang kanyang bugtong na anak para sa
ating katubusan mula sa ating mga kasalanan. Juan 3:16 MBB05 Sapagkat gayon
na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang
kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi
mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Chan: At dahil rin sa lubusang pagmamahal ng ating Panginoon kaya tayo
nagmamahal sa ating pamilya at kapwa. We love because he first loved us.

Both: Salamat sa dakilang pagmamahal ng Panginoon kaya’t tayo rin ay patuloy na


nagmamahalan! Salamat sa Diyos!

(6:15-6:17- Introduction to the Speaker, Pas Andy)


Daisy: Ngayon ay dumako naman po tayo sa mensahe ng Panginoon para sa ating
lahat ngayong gabi. Tinatawagan po namin ang ating mahal na Pastor, Pastor Andy
Yambao upang ipakilala sa atin ang ating kagalang-galang na resource/guest
speaker ngayong gabi ng ating pagtitipon.

(Take it away, Pastor Andy!)

(6:17-7:05- Message by Reverent Ariel Punzalan)

Chan: Maraming Salamat po, Reverent Ariel Punzalan para sa isang napakaganda
at makabuluhang mensahe para sa ating lahat ngayong gabi. (short commentary
about the message)

Daisy: (short commentary about the message)

(7:10-8:10- DINNER)
Chan: At this juncture of our program, dadako na po tayo isa sa mga
pinakainaabangan na parte ng ating selebrasyon. Gutom na po ba kayo?

Daisy: As we promised to serve you dinner tonight while gazing at your husband or
wife, just chill and relax and feel that this is your first date once again.

Chan: While the youths are serving our dinner, narito po muli and ilang mga
paalala.
Daisy: Inaanyayahan po namin ang bawat isa na patuloy na sundin ang ating mga
panuntunan para sa ating kaligtasan o ang ating IATF protocols.

Chan: Mayroon pong mga nakalaan na lamesa at upuan sa bawat isa. Maaari na
lamang pong magpa-assist sa ating mga kabataan.

Daisy: May nakalaan pong tamang tapunan ng mga basura para sa ating
segregation system.

Both: Enjoy the night and enjoy your meal!

(8:10-8:14- Special Number of Youths)


Chan: Salamat sa Panginoon sa napakasarap na dinner ngayong gabi. Hindi lang
tayo nabusog sa pagkain, nabusog rin tayo sa pagmamal!

Daisy: Right! At para dagdagan pa ang ating kasiyahan, sana’y matuwa tayo sa
isang special number mula sa ating mga Young People. Let’s welcome them with a
round of applause!

(8:15-8:30- Awarding Ceremony)


Chan: Iba talaga ang ating mga talented na Young People ng HCCM!

Daisy: Yun na nga, Teacher Christian! Salamat sa ating mga talented at willing to
serve the mga young people sa kanilang nakakakilabot na performance.

(8:15-8:30 Awarding Ceremony)

Chan: Alam naman po nating lahat na nag-prepare ang bawat isa upang
makapunta at makadalo tayo sa ating selebrasyon ngayong gabi. Let’s acknowledge
of everyone who joined us today. From our young people, the couples, and pastors.
Daisy: Let’s clap our hands for each one’s effort! Aside from that, we have prepared
special awards to those who take it to the extra mile.

(Awarding Ceremony)

(8:30-8:50pm Special Song Number from ?)

Chan: Para naman haranahin tayo sa saliw ng mga makalumang musika, let’s hear
a special song number from…

(8:55-9:00 Thanksgiving and Acknowledgement, Pas Andy)

Daisy: Thank you for serenading us! Mas lalo tuloy na-encourage ang bawat isa na
magmahal dahil sa mga kantahang inawit natin.

Chan: Indeed! Kaya’t muli tayong hinihikayat sa sa ikatatlong kabanata ng Colosas


bersikulo 14

Both: “14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang


nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa.”

Daisy: Bago tayo magwakas sa ating kasiyahan ngayong gabi, muli nating
tinatawagan ang ating mahal na Pastor, Pastor Andy Yambo for Thanksgiving and
Acknowledgement.

(9:00-9:10- Closing Prayer, Pas Jingo)


Chan: Maraming salamat, Pas Andy sa inyong mensahe! Ngayon naman ay
tinatawagan natin ang isa pa nating kagalang-galang na Pastor, Pastor Jingo
Punzalan para sa ating pang-wakas na panalangin.

Both: Muli, maraming salamat po sa lahat ng dumalo at nakiisa sa gabing ito.


Nawa’y ang pagpapala at pag-ibig ng Panginoon sa atin ay patuloy nating taglayin
sa araw-araw. Soli Deo Gloria!

You might also like