You are on page 1of 2

XV.

MGA KAISIPAN O ARAL NG PELIKULA

"Peace is only way to love"

Batay sa pelikula, ipinaglalaban ni Padre Diego ang mapayapang pakikipagkasundo sa mga katutubong
Chamorros ngunit ang Kapitang Suldado ay nagdiklara na magaresto o manluping ng mga katutubo
dahil sila ay pumapatay ng mga misyonaryo. Nagdulot lamang ito ng mas lalong paginit ng dalawang
panig, kaya't walang magandang maidudulot ang pagiging marahas ng mga tao at mas maiging piliin ang
mapayapang pakikipagsundo.

"Blessed are ye, when men shall revile you, and persecute you, and shall say all manner of evil against
you falsely, for my sake. Rejoice, and be exceeding glad: for great is your reward in heaven: for so
persecuted they the prophets which were before you." -Matthew 5:11-12

Ito ang unang mensahe na ipinakita sa pelikula at ang pinaka pusong mensahe na nais ipabatid ng
pelikula. Hinihikayat at hinahamon tayo maging mas malapit sa Diyos araw-araw kaya naman ganun na
lamang ang ibinibigay nyang hamon sa ating buhay. Dibale nang mamatay nang may pananampalataya
sa Diyos Ama dahil sa langit ay may naghihintay na buhay na walang hanggan sa piling nya. Sa pelikula ay
ipinakita na di takot mamatay si Pedro Calungsod at si Padre Diego dahil ganun na lamang ang kanilang
tiwala at pananampalatay sa Diyos Ama na sinasamba.

"Ang kamatayan ay pagsuko lamang ng katawang lupa, ang higit na mas mahirap ay isuko ang iyong
buhay bawat araw para sa Diyos"

Binukas ng pelikula ang kaisipan ng manonood sa linyang ito ni Padre Diego. Totoo ngang masakit at
mahirap ang mamatay pero mas mahirap ang mamuhay sa mundo nang sumunod sa utos at kalooban
ng Diyos sa araw-araw. Sa dahilang di napagtagumpayan ng mga tao ang misyon nila sa lupa kaya't
ganon nalang ang takot ng tao mamatay.

"Ipalaganap ang salita ng Diyos at mahalin ang kapwa"

Ito ang ilan sa mga misyon natin bilang isang tao habang nabubuhay sa mundo, ang gumawa ng
kabutihan sa kapwa at ang kalooban ng Diyos. Si Padre Diego at Pedro Calungsod ay ilan sa mga alagad
ng Diyos upang maisakatuparan ang kalooban ng Diyos sa lupa at sangkatauhan bilang mga Kristyano.

"Lagi nating kasama ang Diyos"

Sinabi sa pelikula na ang Diyos ay kasama natin sa bawat ng oras, binabantayan nya tayo at di tayo
pababayaan lalo na ang mga taong naniniwala at nanampalataya sakanya. Sa bawat oras at araw na
paghihirap ng mga tao, marapat natin syang pagtiwalaan sa kaniyang mga hangarin at sa bawat
pagsubok na ibinibigay nya sa atin. Huwag tayo magduda sa kakayahan ng Diyos katulad ng ginawa ni
Esteban. Lahat ng ibinibigay na pagsubok ng Diyos ay may dahilan.

XVI.KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Ang Pedro Calungsod, Batang Martir" ay isang makasaysayang epikong pakikipagsapalaran na
pelikula tungkol sa buhay at pagkamartir ng Pilipinong santo na nagpabago sa mga Mariana
magpakailanman. Si Pedro Calungsod, isang kabataang Pilipino, ay umalis sa kanyang katutubong
pinagmulang Bisaya upang sumama sa paring Heswita ng Espanya na si Fr. Diego de San Vitores sa
kanyang misyon sa Marianas Islands (Guam) noong 1668. Dumating ang San Diego Mission sa Marianas
kung saan nagsimulang magtrabaho ang batang Pedro, isang sinanay na katekista at mission assistant,
para kay Fr. Diego de San Vitores sa pagbibinyag sa mga katutubo ng Chamorro, pangangaral ng banal na
ebanghelyo at pagpapalaganap ng mabuting balita ng kaligtasan sa pamamagitan ng
pananampalatayang Kristiyano sa gitna ng paganismo, pagdududa at hindi paniniwala. Sa kabila ng
pananabik sa kanyang ama at ng mga banta sa kanilang buhay, kahit sa panganib ng kamatayan, sina
Pedro at Fr. Ipinagpatuloy ni Diego ang kanilang gawaing misyonero. Naglibot sila sa mga mapanganib
na isla at nagpabinyag ng marami pang katutubo at patuloy na nililiwanagan sila tungkol sa
Kristiyanismo. Ang Guam ay isa nang debotong Katolikong estado at ito ang kuwento kung paano
ginampanan ng batang Pilipinong santo, sa pagitan ng mga digmaan at pag-uusig, ang kanyang bahagi sa
banal na misyon na ito. Ang adventure movie na ito ay para sa lahat. Ang batang lalaki na gumabay sa
kanyang bulag na tagapagturo ay isang bagay na masasaksihan at matutunan. Ang buhay ng debosyon ni
Pedro Calungsod ay makaka relate sa lahat.

Ang pelikulang "Pedro Calungsod" ay hindi lamang pumatungkol sakanya, pati na rin sa mga ninuno,
kasaysayan, pamumuhay at kaugalian dati. Naging maganda ang daloy ng pelikula ngunit sa pang wakas
ay nakakabitin ang mga pangyayari. Naipakita sa huling parte ng pelikula na tila nanalo ang pagiging
mapangahas at kasamaan kaysa ang pagpapalaganap ng mabuti ng nga Kristyano. Mas mapapaganda pa
ang pelikula kung hindi nalang nilagay sa texts ang mga pangyayari pagkatapos ang pagkamatay ni Pedro
Calungsod, nagdulot lang ito nakakabitin na tagpo at pagkasiphayo ng manonood.

-ako lang to, si Aliana

You might also like