You are on page 1of 1

Tugmaang Panudyo

*Bata Batuta, Isang perang muta

* Tutubi, tutubi ‘Wag kang pahuli, Sa batang mapanghi

* Putak, putak, Batang duwag, Matapang ka’t nasa pugad

* Si Anna Ay napakaganda pero kong tumayo ay parang nakaupo.

* Tatay mong bulutong puwede nang igatong, Nanay mong maganda pwede mong ibenta

* Si Maria kong dende nagtitinda sa gabi nang hindi nabili umupo sa tabi

*May dumi sa ulo, ikakasal sa lingo inalis, inalis ikakasal sa lunes

* Batang makulit, palaging sumisitsit sa kamay mapitpit

* Ako’y tutula Mahabang mahaba ako’y uupo tapos na

* Pedro Penduko, matakaw sa tuyo nang ayaw maligo, pinukpok ng tabo

*Butot balat hindi makalipad bali bali ang pakpak

* Ang amoy mo ay parang isda kasing amoy ng patay na daga

* Bata, bata pantay-lupa asawa ng palaka

* Putak, putak batang duwag matapang ka't nasa pugad

* Pung,pung kasili, ipinanganak sa kabibe

*Bata batuta nagsuot sa lungga hinabol ng palaka


*Ako ay isang lalaking matapang huni ng tuko ay kinakatakutan
*Ibong tiritit pambansang walis tingting tawas na durog para sa taong may putok

You might also like