You are on page 1of 1

Isa sa mga suliraning kinakaharap ng agrikultura ng Pilipinas ay ang maliit na pondo para

sa mga makabagong teknolohiya na makakatulong na mapadali ang mga trabaho ng mga


magsasaka. Malaking problema ito ng mga magsasaka dahil kung wala silang pondo para
makabili ng mga makabagong teknolohiya ay mas lalo silang mahihirapan sa kanilang
trabaho dahil sa kakulangan ng kanilang mga kagamitan. Dahil sa siyensya, halos lahat ng
bagay ay “high-tech” na kaya kailangan makipagsabayan dito ang mga magsasaka. Isa rin
sa mga problema ay ang problema sa kapital. Dahil sa kakulangan ng mga magsasaka sa
kapital ay napipilitan silang umutang at mas lalong naghihirap. Ang gobyerno ay hindi
masyadong pinagtutuunan ng pansin ang pondo para sa mga magsasaka kaya mas
napiplitan silang mang-utang. Dapat ang gobyerno ay magbigay ng sapat na pondo para
sa mga magsasaka. Mataas ang gastusin ng mga magsasaka sa pagtatanim kaya mas lalo
silang nagkukulang sa kapital at mas kumukulang sa kagamitan na nagpapahirap ng
kanilang trabaho.

Ang solusyon na dapat inaatupag ng gobyerno kaysa sa pangungurap ay kailangan


magkaroon ng makabagong kagamitan at teknolohiya mabilis na magagawa at makakapag
prodyus ng produkto ang ating agrikultura at mapapabilis din ang serbisyong ibabahagi ng
mga magsasaka. Para sa problema sa kapital, dapat ang gobyerno ay maglaan ng pondo o
badyet para sa mga magsasaka katulad ng kanilang mga kagamitan at mga hilaw na
materyales. Para malutas ang mga problemang ito ay dapat isa rin sa prayoridad ng
gobyerno ang mga magsasaka dahil sila ay isa sa dahilan kung bakit umuunlad ang
ekonomiya ng Pilipinas kaya dapat din silang tulungan at pagtuunan ng pansin. Dapat din
ang gobyerno ay magtakda ng sapat at tamang presyo sa mga produktong agrikultura
para matulungan ang mga magsasaka at mas ganahan sila na magtrabaho dahil may sapat
at tamang kita na silang makukuha.

Dahil isa sa mga binibili ng mga magsasaka ay ang mga pesticides at ang naiisip kong
solusyon ay dapat gumawa ng teknolohiya na may pesticides at ito ay ibibigay ng
gobyerno nang walang bayad. Hindi na kailangang bumili ng mga magsasaka ng mga
pestcides dahil gobyerno na mismo ang magbibigay nito sa mga magsasaka. Isa ang
pesticides kaya mas lalong naghihirap ang mga magsasaka dahil ito ay mahal at kailangan
nilang bumili ng maraming pesticides para sa kanilang pananim. Ang pondo na ibibigay ng
gobyerno para magawa ang makabagong teknolohiya na ito ay 12 milyong piso para sa
pangkalahatang pondo para sa mga magsasaka. Ang paggawa ng teknolohiyang ito ay
dapat tumagal ng isa hanggang dalawang taon. Ang teknolohiya na ito ay makakatulong
upang mas mapadali ang trabaho ng mga magsasaka at makakatulong din para mas lalong
mapaunlad ang ekonomiya ng Pilipinas.

You might also like