You are on page 1of 27

Ang Tekstong Impormatibo

Ang Tekstong Impormatibo ay isang uri ng


babasahing di piksyon. Ito ay naglalayong
magbigay ng impormasyon o magpapaliwanag
nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa
iba’t ibang paksa tulad ng sa hayop, isports,
agham o siyensiya, kasaysayan, gawain,
paglalakbay, heograpiya, kalawakan,
panahon, at iba pa.
Tekstong Impormatibo/ Ekspositori

■ isang anyong pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at


magbigay ng impormasyon.

■ Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong ano,


kailan,saan, sino at paano.

■Pangunahing layunin nito ang magpaliwanag sa


mga mambabasang anomang paksa na matatagpuan sa tunay
na daigdig.

■napauunlad nito ang iba pang kasanayang pang wika gaya ng


pagbabasa,pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye
at pagpapakahulugan ng impormasyon.
■Ito ay nagbibigay at nagtataglay ng tiyak na
impormasyon

■ Masasabing ang tekstong ito ay hindi


nagbibigay ng opinion pabor man o salungat sa
posisyon o paksang pinag-uusapan

■ Kadalasang tono ng tekstong ito ay


obhetibo
Mga Sangguniang Babasahin
Almanac-
isang uring libro na taon-taong inilalathala na naglalaman ng
iba’t ibang impormasyon gaya ng taya ng panahon, pagsikat o
paglubog ng araw, pagtaas o pagbaba ng tubig (tide), at iba pa
■Atlas-naglalaman ang sangguniang ito ng
kalipunan ng mga mapa

■Diksyunaryo-naglalaman ang sangguniang


ito ng mga salitang isang wika.
Ang mga salitang ito ay may
kasamang kahulugan, paraan ng
tamang pagbigkas, at iba pang impormasyon
■ Ensiklopedya
-Karaniwan itong binubuo ng tono o
volume ng mga libro hinggil sa mahahalagang
impormasyon patungkol sa sari-saring paksa-
Karaniwan itong nakaayos ng paalpabeto

■ Thesaurus
-naglalaman itong mga salita at ang kasing
kahulugan nito
❖ Mga Uri ng Tekstong Impormatibo

-Ang pangunahing layunin ng tekstong


impormatibo ay makapagpahatid ng
impormasyong hindi nababahiran ng personal na
pananaw o opinion ng may-akda. Makikita ang
layuning ito sa ilang uri ng tekstong impormatibo
tulad ng sumusunod:
1. Paglalahad ng totoong pangyayari/Kasaysayan
-Sa uring ito ng teksto inilahad ang mga totoong
pangyayaring naganap sa isang panahon o
pagkakataon.
2. Pag-uulat Pang-impormasyon
-Sa uring ito nakalahad ang
mahahalagang kaalaman o impormasyon
patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay
na nabubuhay at di nabubuhay,
gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
3. Pagpapaliwanag
-Ito ang uri ng tekstong impormatibong
nagbibigay paliwanag kung paano o bakit
naganap ang isang bagay o pangyayari.
PALAWAKIN PA NATIN:

Nakasusulat ng halimbawa ng uri ng


tekstong tinalakay

Nakakukuha ng angkop na datos upang


mapaunlad ang sariling tekstong isinulat
GAWAIN:
Ngayon ay ikaw naman ang sumulat ng sarili
mong halimbawa ng tekstong impormatibo.
Dahil katotohanan at hindi sarili mo lang
opinion ang pagbabatayan sa iyong isusulat,
mangangalilangan ito ng pagkuha o
pangangalap ng datos upang mapaunlad ang
tekstong iyong isusulat. Maari kang mag-isip
ng sariling paksang susulatin o maaari kang
pumili ng alinman sa mga paksang nakalahad
sa ibaba:
Mga Paksa:

1. Mga paraan ng pagpapanatiling malusog


ang katawan

2. Paglalakbay sa iba’t ibang lugar sa bansa


kahit limitado ang badyet

3. Pagsisimula ng isang negosyong puwedeng


pagkakitaan kahit nag-aaral pa lamang.
4. Epekto sa katawan ng mga pagkaing na-
proseso tulad ng de-lata, instant
noodles, at iba pa

5. Mga puwedeng gawin upang mas


madaling maunawaan ang mga paksang
pinag-aaralan at makakuha ng mas
magagandang marka sa paaralan
6. Isang balitang local na personal mong
nasaksihan

7. Sariling piling paksa _______________


Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong
susulating tekstong impormatibo
Puntos Pamantayan

4 Ang tekstong impormatibo ay siksik sa mga bagong kaalamang


nakabatay sa mga angkop na datos mula sa pananaliksik
3 Ang tekstong impormatibo ay siksik sa mga bagong kaalamang
nakabatay sa mga angkop na datos mula sa pananaliksik

2 Ang tekstong impormatibo ay siksik sa mga bagong kaalamang


nakabatay sa mga angkop na datos mula sa pananaliksik

1 Ang teksto ay hindi maituturing na impormatibo dahil wala itong


mga bagong kaalamang taglay at wala ring mga datos na
pinagbatayan kundi pawang opinion lamang.

You might also like