You are on page 1of 5

PAGBUO NG CRITIQUE: WALANG SUGAT NI SEVERINO REYES

I.UNANG BAHAGI
SIMULA:
Dumating si Tenyong sa bahay ng kasintahan niyang si Julia. Inabutan niyang nagbuburda si
Julia ng isang panyo.
Ayaw ni Julia ipakita kay Tenyong ang kanyang gawa.
Nakita ni Tenyong na ang panyo ay may mga letra ng kanyang pangalan (Antonio Narcisso
Flores) ngunit sabi ni Julia ay para raw ito sa Prayle (Among Na Frayle).
Nagalit tuloy si Tenyong at gustong sunigin ang panyo. Sinabi ni Julia na para nga kay Tenyong
ang panyo at sila’y nagsumpaan na ikakasal sa altar.
Biglang dumating si Lucas/Lukas, isang alalay ni Tenyong, na nagsabing inaresto ang ama ni
Tenyong at ilan pang kalalakihan ng mga Guardia Civil
sa pag-aakalang sila ay mga rebelde.

SAGLIT NA KASIGLAHAN:
Ang mga pamilya at kaibigan ng mga inaresto ay naghandang bumisita at magbigay ng pagkain
sa kulungan.
Sumakay sila sa tren papunta ng kapitolyo. Inutusan ng mga Kastilang frayle si Kapitan Luis
Marcelo
na paluin at saktan pa ang mga nakakulong kahit na mayroon ng namatay at nag aagaw-buhay na
si Kapitan Inggo, ang tatay ni Tenyong.
Sinabi ng punong-frayle na papakawalan na si Kapitan Inggo sa kanyang asawa.
Sinabi rin niyang pupunta siya sa Maynila upang sabihin sa Gobernador-Heneral na pakawalan
na ang iba pang mga inaresto.
Ngunit iba ang plano sabihin ng prayle pagdating duon. Ipapapatay niya ang mga mayayaman at
edukadong Pilipino.
Nakapiling ni Kapitan Inggo ang kanyang pamilya at mga kaibigan bago siya mamatay.
Pagkamatay nito, sinumpa ni Tenyong na maghiganti!

SULIRANIN:
Pinili ni Tenyong na sumali sa mga rebelde kahit anong-pilit ni Julia na tigilan ito.
Sa huli, pumayag si Julia at ibinigay kay Tenyong ang kanyang medalyon/agimat.
Nagsumpaan muli sila na mamahalin ang isa’t-isa habang-buhay.
Sinabi ng ina ni Julia na ikakasal ito kay Miguel, isang mayamang illustrado. Inayawan ito ni
Julia.
Hindi alam ng kanyang ina na hinihintay niya ang pagbabalik ni Tenyong.
Sumunod na linggo, dumating sina Miguel, ang kanyang ama, at isang pari sa bahay nina Julia
upang ayusin ang pag-iisang-dibdib nina Miguel at Julia.
Kabado si Miguel at hindi masabi ng tama ang kanyang panliligaw kay Julia.
Naiba ang usapin ng kasalan nang naging pagrereklamo ito ng pari sa lumalaking problema
tungkol sa mga Pilipinong hindi na nagsisimba.

TUNGGALIAN:
Sa kuta ng mga katipunero, biglang dumating si Lucas/Lukas na may bitbit na sulat para kay
Tenyong na galing kay Julia.
Nalaman ni Tenyong na namatay na ang kanyang ina at ikakasal na si Julia kay Miguel.
Balisa at malungkot sa nabasa, humingi siya ng tulong sa kaniyang heneral. Umatake ang mga
Kastila at nagsimula ang labanan.
Bumalik si Lukas kay Julia na walang nakuhang sagot mula kay Tenyong.
Bumisita muli si Miguel kay Julia at nagsabing magiging engrande ang kanilang kasalan.
Nagkunwari si Julia na masakit ang ulo upang iwasan si Miguel.

KASUKDULAN:
Dumating na ang nakatakdang araw ng kasal at napilitan na rin si Julia na pumayag, sa pag-
akalang patay na si Tenyong at sa kagustuhang hindi mapahiya ang kanyang ina.
Engrandeng selebrasyon ang magaganap at nakatipon ang buong bayan.
Pero bago mairaos ang seremonya, dumating si Lucas na may balitang nakita na si Tenyong pero
agaw-buhay itong nakaratay sa karte.
Dinala si Tenyong sa pinagdausan ng kasal ni Julia.
Sa muling pagtatagpo ng magkasintahang sawi, hiniling ni Tenyong sa pari na, yaman din
lamang na mamamatay na siya, ikasal na sila ni Julia.
Sa pagkamatay daw ni Tenyong, maaari nang pakasalan ni Julia si Miguel.
Dahil mukhang matutuluyan na nga si Tenyong, pumayag na rin si Miguel sa kakaibang huling
hiling ni Tenyong.
Kinasal si Tenyong at Julia ng paring Kastila. Matapos ang seremonya ng kasal, biglang tumayo
si Tenyong, at lahat ay napamanghang sumigaw;
“Walang sugat! Walang sugat!”

II.IKALAWANG BAHAGI
PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA PAMAGAT NA GINAMIT NG MAY-AKDA:
Ang kahulugan ng paksang naiatas sa amin na "Walang Sugat" ay patungkol sa pag-iibigan,
pagtataksil at pagiging makabayan.
Pagmamahal na hindi kailanman matatapatan ng kahit at isusugal ang lahat para sa kaligayahan
ng bawat isa at pagkakaisa ng mga tao.
Umaasa sila na magiging maayos at magiging matiwasay ang lahat ngunit tila ito'y naging
kabaliktaran, sila ay pinagtaksilan at nalinlang.
Ito rin ay patungkol sa pagpukaw sa damdaming makabayan ng mga Pilipino dahil sa kanilang
pagkakaisa at pagdadamayan sa bawat isa lalong lalo na sa oras ng
kagipitan at paghihirap. Sa kasawiang palad, may namatay sa pangyayaring iyon sa pag-aakalang
totohanan na ang lahat ng pinapakita ng mga dayuhan at sa paniniwalang
magiging mapayapa at maayos na ang kanilang pamumuhay.Dahil sa pangyayaring iyon, sila ay
nag-alsa at naghiganti sa mga dayuhang nagpapahirap,
nananakit at nang-aalipin sa kanila. Ito rin ang naging dahilan kung bakit nasaktan ang mga
damdamin ng mga Pilipino
ito ay dahil sa hindi pantay na trato sa mga tao at ang pagtataksil ng kanilang ibang kaalyado.
Hindi ito literal na nangangahulugang "Walang Sugat" ngunit ito ay nagpapahiwatig ng
kapangyarihan o diwa ng tunay na pag-ibig sa isa't-isa at sa mga kasapi,
pagdadamayan at ang pagiging isang taong makabayan.

KAISIPANG NAPAKALOOB SA AKDA:


Ang kaisipang nakapaloob sa akda ay huwag na huwag magpapadala sa mga bagay bagay dahil
minsan, ang sinasabi ay kasalungat sa kinikilos.
Huwag na huwag kang mananakit ng tao, pisikal man o emosyonal dahil ang lahat ay
magbubunga ng negatibong pangyayari. Natutunan rin na namin minsan, kailangan din
nating masaktan para magising tayo sa katotohanan na ang lahat ay isang malaking
pagkukunwari lang. Katulad sa pangyayari sa akda na namatay si Kapitan Inggo
sa pag-aakalang nirerespeto ng mga bilanggo ang karapatang pantao na nakapaloob.Dahil sa
pangyayaring iyon, napukaw ang damdaming makabayan ng mga Pilipino na
inaalipin at pinapahirapan ng mga dayuhan. Sa totoong buhay, karapatan din natin na
ipagtanggol ang tama, ang ating sarili at ang mga inaapi katulad ng mga Pilipinong
nagtatrabaho sa ibang bansa na inaabuso at masyadong inaalipin ng kanilang mga amo.
Natutunan din namin na sa pagmamahal, pantay pantay ang lahat, mahirap man o
mayaman ay may karapatang magmahal. Ngunit noong unang panahon ay hindi pantay ang trato
ng mga mayayaman sa mahihirap at sa mga dayuhan at Pilipino. Sa kabila ng
maraming hadlang sa pagmamahal nila Tenyong at Juana ay nagkatuluyan pa rin sila dahil
waring tunay talaga nilang mahal ang isa't isa. Subalit sa panahon ngayon,
masasabi naming pantay pantay na ang lahat ngunit konti nalang ang mga taong ganoon dahil
kadalasan ngayon ay may mga habol na tulad ng pagkakaroon ng isang bagay
na meron ang isang tao na wala yung isa. Sa pangkalahatan, dapat gawin mo kung ano ang tama.
Dapat maging tapat ka sa iyong mga mahal sa buhay at sa iyong mga
kababayan at huwag magpapadala sa mga temptasyon dahil ang mga iyon ay mga pagsubok
lamang ng buhay. At ang panghuli ay ipaglaban mo kung ano ang tama at huwag
matatakot kung ito ang ikakabuti ang lahat at maging handa at matatag ka anuman ang hamon ng
buhay dahil sa huli, ikaw rin ang magiging masaya at mabuti na rin iyon
upang wala kang pagsisisihan sa bandang huli.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~PAGSUSURI SA MGA ELEMENTO~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
TAUHAN:
· Tenyong - isang mapagmahal na lalaki na lumaban sa mga prayle
· Julia - ang iniibig ni tenyong
· Lukas - kanag kamay ni tenyong o matalik na kaibigan
· Kura/Prayle - mga sakim at mapagmalabis
· Putin - ina ni Tenyong
· Kapitan Inggo - ama ni Tenyong
· Juana – ina ni Julia

BANGHAY:
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang pag-ibig ni Julia kay Tenyong, taal na kulturang Pinay na
kung tawagin ay hele hele bago quiere.
Pinapahirapan ng mga Frayle ang mga bilanggong Pilipino, na inakusahang mga filibusterismo o
kaya ay myembro ng Mason. Lalo ang ama ni Tenyong na si Kapitan Inggo.
Nilinlang ng mga Frayle ang mga dalaw ng mga bilanggo, sa pagkukunwaring nirerespeto nila
ang karapatang pantao. Ngunit kabaliktaran ang nangyayari.
Namatay si Kapitan Inggo at di nakayanan ni (Ina) Putin ang nangyari at hinimatay.
Nag-alsa ang mga kalalakihan. Sigaw ng patriotismo. Dahil ang inang bayang ay inaapi na nang
tatlong daang taon.
Sinugod ng mga Katipunero ang estacion ang Guiguinto.
Ipinagkakayari ng ina ni Julia ang anak niyang si Julia kay Miguel na anak ni Tadeo.
Inutusan ni Julia si Lucas na ipagsabi kay Tenyong na ipinagkakayari na ng ina ni Juana si Juana
kay Miguel at naitakda na ang petsa ng kasal.
Hindi lamang taumbayan ang may sentimyento sa mga kolonisador, kundi mga Paring Pilipino
tulad ni Pari Teban.
Inestorya ni Lucas kay Tenyong ang dalawang uri ng Pilipinong bumugbog sa kanya: ang taksil
ng bayan, ang Makabebe (Macabebe Scouts) at ng mga Katipunero.
Nalungkot si Tenyong nang nalaman ikakasal na si Julia. Kasama ang mga Katipunero, bumaba
sila sa bayan. Nagkunwaring sugatan si Tenyong upang makasal kay Julia.
Iyon nga ang nangyari, ikinasal sila. Sila rin sa huli. At hindi sugatan ang kanilang pag-iibigan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~MGA PUNA~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
POSITIBO:
· Maganda at malinaw ang ipinapahiwatig.
· Masasalamin mo ang mga bagay'2 na nangyayari noon.
· Malaman ang mga detalye.
· Makikita mo ang pagkakaiba sa mga bagay noon at ang ngayon.
· Malalaman mo ang mga dinaranas na paghihirap ng mga Pilipino noong unan
NEGATIBO:
· Walang gaanong detalye ang ibang mga tauhan.
· Hindi gaanong denidetalye ang ibang mga bagay.
· Medyo may pagka OA ang mga babae doon.
· Walang gaanong emosyon.
· Masyadong malalim ang ibang mga salita.
TEMA:
Ang tema ng kwento ay pagmamahalan sa gitna ng digmaan, pagtataksil, sakripisyo,
pagkawalay, at kontradiksyon ng indibidwal sa pamilya.

III. IKATLONG BAHAGI

KONKLUSYON:
Batay sa kwentong naatasan sa amin ay napagtunayan namin na ang buhay noon ay hindi ganoon
ka dali. Maraming itong kaakibat na mahihirap na karanasan sa buhay. Maraming sakim na
nagpapahirap sa buhay ng isang tao dahil sa kasamaang itinatago sa sarili. Marami din ang
nagkukunwari sa likod sa kabutihang pinapakita na hindi nakikita ng tao.Ang pagmamahal ay
hindi gaano ka dali, merong mga nararanasang problema. Naranasan nating masaktan na parang
ikamamatay natin pero gumagawa tayo ng paraan dahil may gusto. Sabi nga nila “pag may
gusto, may paraan.” Pero sa kadamidami ng dinaanan , sa huli , sa simbahan ang
kahahantungan.Ang pag-ibig ay hindi isang malaking bagay, kung hindi milyon-milyong malilit
na bagay. Ang ating buhay ay isang napakahabang daanan, merong mga bako-bako at liko-liko
na dadaanan.

You might also like