You are on page 1of 1

LEARNING AREA Araling Panlipunan

GRADE LEVEL TV-BASED


3 INSTRUCTION
QUARTER 2
MODULE NUMBER 4
MODULE TITLE Ang Mga Natatanging Simbolo at Sagisag ng Ating Lalawigan
TOPIC/LESSON Ang Mga Natatanging Simbolo at Sagisag ng Ating Lalawigan
MOST ESSENTIAL Natatalakay ang kahulugan ng ilang simbolo at sagisag ng sariling
LEARNING lalawigan at rehiyon.
COMPETENCY/IES (MELC’s) (MELC-AP3KLR-IIe)
FORMAT/LENGTH OF TIME TVBI/ 45 Minutes
DAY AND WEEK
CONTENT-PRESENTER Añoda, Michael S.; Master Teacher I
Libudon Elementary School/ Mabini District
TEACHER-SCRIPT WRITER Intia, Jorely P.; Teacher I
Elizalde Elementary School/ Maco North District
PRESENTATION PROPER
VIDEO AUDIO
OBB Isang napakagandang araw sa ating magigiliw na mga manonood.
Narito na naman tayo upang pag-aralan ang Araling Panlipunan sa
Ikatlong Baitang sa pamamagitan ng telebisyon. Ako si Teacher
Michael Sono Añoda mula sa Libudon Elementary School,
Mabini District at narito ako upang tulungan kayong matutunan
ang inyong mga aralin. Ihanda ang inyong Ikaapat na Modyul sa
Ikalawang Kwarter, kwaderno, at malinis na papel para sa inyong
mga kasagutan sa mga tanong. Halina’t manood at matuto kayo,
gawin ninyo ang ipinapagawa ko at nang inyong maintindihan ang
bagong paksa dito.
Pagkatapos ng ating talakayan ngayon inaasahang:
PowerPoint Objectives 1.Natatalakay ang kahulugan ng ilang simbolo at sagisag ng
sariling lalawigan at rehiyon.
Handa na ba kayo?(Pause)

Bago natin sisimulan ang talakayan ngayong umaga, susukatin


PowerPoint Questions and muna natin ang inyong kaalaman sa ating aralin ngayon. Makinig
highlight the answer mabuti at samahan ninyo akong basahin ang mga katanungan.
Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga ito.
1. Ano ang ipinahihiwatig sa luntiang kulay na sagisag?
A. Katabaan ng lupa
B. Kalinisan ng lupa
C. Kalakasan ng lupa
D. Kamahalan ng lupa
Ang tamang sagot ay Letrang A. Katabaan ng lupa
2. Saang lalawigan makikita ang simbolo na may nakakabit na
solidong ginto?
A. Davao del Norte
B. Davao del Sur
C. Davao de Oro
D. Davao Occidental
Ang tamang sagot ay Letrang C. Davao de Oro.
3. Sa silyo ng Davao Occidental, saan sumisimbolo ang kanilang
daan?
A. Sumisimbolo sa kahirapan
B. Sumisimbolo sa kasamaan
C. Sumisimbolo sa katalinuhan
D. Sumisimbolo sa pagiging progresibo ng lalawigan
Ang tamang sagot ay Letrang D. Sumisimbolo sa pagiging
progresibo ng lalawigan.
4. Ang “tuna” bilang isa sa mga kadalasang makikita natin sa
mga sagisag ay nagpapahiwatig sa pagiging mayaman sa
dagat ng lalawigan.
A. Oo, nagpapatunay na mayaman sa isda ang isang
lalawigan.
B. Hindi, dahil mga guhit lamang ang makikita sa mga
sagisag.
C. Oo, nagpapahiwatig ng maraming yaman ng isang
lalawigan.

You might also like