You are on page 1of 4

EDUC 412 – (FS 2) PARTICIPATION AND TEACHING ASSISTANTSHIP

EXPERIENTIAL LEARNING ACTIVITY 1:

Name: Shenna Mae C. Cervantes Date: 08/17/2022


Score: __________

An Interview with Mr. Charles Tresmanio, PE Teacher

1
EDUC 412 – (FS 2) PARTICIPATION AND TEACHING ASSISTANTSHIP

What makes an affective teacher?

So for me, everyday we have a chance to be an effective teacher, I, myself with my four
year in service in Physical Education, we have different approach since we have different
ano naman diba? Programs? and in Physical Education, Hindi na ako aalis sa College of
Education which is we need to transform lives. If you as a teacher can transform the lives
of the students, then it makes you an effective teacher. Ano pa? you have touched their
souls their hearts and their minds noh? That those are the things that you need to impart
with your students and yan.

As a physical education teacher, I am using what do you call this? Realistic examples
from the students kasi sa Physical Education agad-agad na may practicality sa amin na
agad-agad nilang ma u-use yung learning nila and kapag ako naibahagi ko yun sa kanila,
and they extend yung learning nila hindi lang yun naka steady sa classroom and nailabas
nila yun in practical ways and that is what we called meaningful learnings and kapag
naibigay ko yun sa kanila yun, yun ang masasabi ko sa sarili ko na effective. Hindi mo
masasabi na effective ka, ang makakasabi lang niyan ay yung mga students. Yun dun mo
yun maano kung effective kaba or hindi.

Sa Philosphy of Education ano mostly yung ginagamit mo?

Okay, Progressivism ako kasi everyday there are lot of changes na nangyayare sa… you
need to elevate them yung learning mo kaysa sa akin hindi ako nag stick sa kung ano
lang nalalaman ko kasi nga as time goes by, there are some changes din na kailangan
mong imeet kasi sa estudyante mo andun na sila sa level na yun, kung andito ka pa sa
level na to, walang mangyayare hindi mag m-meet yung ano niyo so parang ganun din sa
akin.

Bukod po duman sir ano pa yung ginagamit niyo po?

Anupa? Existentialism from the word exist yung nag existence yung isang tao so parang
ganon, So yun kapag naipa relate yung mga pinagsasabi mo dapat meron talaga yun use
may pag-gagamitan talaga yun kasi yun nga parang ang iisipin ng mga estudyante anu
pa? what for? para saan kung hindi nila alam kung para saan ito gagamitin. And I am ano
I am teaching with examples kasi isa rin yun sa ginagawa ko as physical education
teacher.

2
EDUC 412 – (FS 2) PARTICIPATION AND TEACHING ASSISTANTSHIP

Pag sinabing effective teacher, ga-attend ka po ng seminar kaiyan?

Okay Oo kasi ano yun, “Once a teacher always a student” kasi Lifelong learner dapat tayo
hindi natatapos, kunyari graduate kana, hindi rin magtatapos yun we are a lifelong learner
as long as nabubuhay tayo as long as we have the chance to improve ourselves then
better grab those chances and opportunities because in that way yun mas madami kang
maibibigay, andami mong masi-share sa mga students mo.

So, there are four career stages po na nasa lesson naming, so ang first stage is the
beginning teacher, second stage the proficient teacher, third stage is the highly-
proficient teacher, and the fourth stage is the distinguished teacher. Sa apat na po
na yun, sa tingin niyo po san ka po doon nababagay sa pagiging isang effective
teacher?

So for me, siguro naman nalagpasan ko na yung beginning teacher noh, kasi in my 4
years nga doon nga as a beginning teacher nung time na yon, talagang nag si-seek pa
ako ng assistance sa mga colleagues ko, mga co-workers ko, co-teachers ko na nasa
department kasi 2018 nagraduate ako and in that year din same year doon din ako
nakapasok or nahire as teacher sa Physical Education department and in that time, I am
seeking ano talaga help from my colleagues and now that I am already, okay malapit na,
malapit ko na makamtan ang MA ko sa Bicol University, and in that case I already gained
knowledge from my experiences there and I can teach independently the way yan sa pag
handle ko ng mga klase niyo and in that case I could say that I am in a proficient stage of
an effective teacher.

So, last question ko sir, ano yung mapapayo mo sa mga future educators na katulad ko
po?

My advice, my inspirational message to you and to other educators, I want you to know
your roles, your target na you want to be a teacher then go for it. Try other things, improve
yourselves, focus on everything you do, kasi lahat ng yan, meron din ng balik saiyo. Ako,
yun nga yung my journey of becoming a teacher hindi naging madali pero nagging Madali
yung pag pasok ko oh diba? So yun na feel ko na worth it lahat ng pagod, lahat ng
pagpupuyat ko, lahat ng mga sacrifices ko yon. And see andito na ako sa field pinangarap
ko. So yun yung gusto kong i-ano niyo.

Thank you po!

3
EDUC 412 – (FS 2) PARTICIPATION AND TEACHING ASSISTANTSHIP

“Gusto Kong Maging Magaling na Guro”

Ano ang papel ng isang Guro? Ayon sa website na Eferitt at inupload ng isang
manunulat na si https://tl.eferrit.com/ano-ang-papel-ng-isang-guro/

Gusto kong maging magaling na guro dahil kailangan kong tulungan ang mga
mag-aaral na hubugin ang kanilang kaalaman, kaisipan, pag-uugali at kakayahan na
maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay. Gusto kong turuan ang aking mga
estudyante na maging isang responsableng mamamayan at may respeto sa sarili pati na
rin sa kanyang kapwa. Ngunit paano nga ba maging isang magaling na Guro? Ano-ano
ang kailangang gawin para maging isang magaling na guro?

Isa sa pinakaiginagalang at marangal na propesyon ang pagtuturo. Bilang isang


guro, maraming responsibilidad ang tatahakin hindi lamang sa pag-unlad ng kaalaman sa
sarili kundi pati na rin sa paghubog ng pagkatao at pag-uugali kabilang na ang mga mag-
aaral. Dapat ay mahusay at mapagkakatiwalaan ng kanyang mga kapwa guro at mga
tagapangasiwa tungo sa mga mabubuting gawain. Ang isang guro ay dapat magkaroon
ng positibong pananaw, sensiridad, katapatan, at pagmamahal sa kanyang trabaho dahil
ito ay makakatulong bilang isang epektibong guro. Layunin ng isang guro na pangalagaan
ang kapakanan ng bawat estudyante na kanyang tuturuan. Hindi nakapalibot sa apat na
sulok ng silid-aralan ang kanyang tungkulin bagkos, kailangan niyang maging prodoktibo
sa pagtuturo ng iba’t-ibang gawain katulad ng pagpapanatiling malinis at maayos sa loob
at labas nito. Bilang isang guro dapat na pangasiwaan ang silid-aralan sa pamamagitan
ng pag-ambag sa pagpapabuti ng pagtuturo’t pag-aaral ng mga patakaran sa silid. Dito
nakasalalay ang nararamdaman ng bawat mag-aaral, sistematikong pagtuturo, mabuting
asal at ati na rin ang pisikal na kondisyon ng mga mag-aaral dahil ang pisikal na itsura ng
mga silid-aralan ay parte ng proses ng pagtuturo at pag-aaral.

Sa bandang huli, ang pagiging isang magaling na guro ay palaging bukas sa mga
bagong kaalaman at kaisipan para siya ay maging isang epektibong guro. Ika nga sabi
nila, “A teacher is Always a student” walang katapusan ang pag-aaral at pag diskubre ng
mga bagong kaalaman na kanyang ibabahagi bilang isang magaling na guro na gustong
maging ilaw ng buong mundo kung saan magbibigay ng liwanag sa mga estudyante nang
makakita ng mabuting gawain, at magagandang aspeto sa nakanilang tatahakin sa
hinaharap.

You might also like