You are on page 1of 5

PAGBASA AT PAGSUSURI

Pagbasa –proseso ng pag-aayos, pagkuha at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o ideya na
kinakatawan ng mga salita o simbolo na kailangang tingnan at suriin upang maunawaan.
Maituturing na 90 porsiyento ng ating kaalaman ay mula sa ating binasa.

Kahalagahan ng Pagbasa
1. Nagbabasa para sa kaligtasan
2. Pagbasa para makakuha ng impormasyon
3. Para sa mga partikular na pangangailangan
4. Pagbasa para malibang

Teorya ng Pagbasa
1. Bottom-up (tradisyonal na pananaw na mula sa teoryang behaviorism)
-nagsisimula ang karunungan sa tekstong binasa(bottom) patungo sa taong nagbabasa (up)
-tinatawag ding “data-driven/ outside-in”
2. Top-down (hango sa teoryang kognitib/ kognitibo)
-ang tagabasa ay isang aktibong partisipant na dati nang may taglay na kaalaman
-tinatawag ding inside-out
- nagsisimula sa taglay nang karunungan na nailalapat sa tekstong binasa.
3. Schema o Iskima
Ayon kina Pearson at Spiro(1982), ang tao ay may kaniya-kaniyang karanasan at paraan ng
pag-iisip.
5. Interaktibo- kombinasyon ng top

Pisyolohikal na Aspekto ng Pagbabasa


1. Fixation- pagtitig n gating mga mata upang kilalanin at intindihin ang teksto
2. Interfixation- paggalaw ng ating mga mata mula kaliwa pakanan o mula itaas pababa na karaniwang
nangyayari habang tayo’y nagbabasa.
3. Return Sweeps- paggalaw ng mga mata mula hanggang sa dulo ng teksto
4. Regression- paggalaw ng mata kapag kailangang balik-balikan at suriin ang ating binabasa.

Kognitibong Aspekto ng Pagbabasa


Ayon sa Organisasyong SEDL, dating kilala bilang The Southwest Educational development Laboratory, may
dalawang pangunahing hakbang sa kognisyon:
1. Pagkilala (decoding)- Kinikilala muna at binibigyang-anyo ang mga simbolong tinututukan ng ating
mga mata.
2. Pag-unawa (comprehension)-habang kinikilala ang mga titik o simbolo ay inuunawa natin ang ating
binabasa.

Mga Hakbang sa Pagbasa


William S. Gray-ama ng Pagbasa
- naglahad ng apat na hakbang sa pagbabasa
1. Pagkilala- Ito ang proseso ng pagtukoy sa mga nakalimbag na salita o simbolo at kakayahang
mabigkas ang tunog ng mga titik na bumubuo sa bawat salita.
2. Pag-unawa- kakayahang bigyang kahulugan at interpretasiyon ang kaisipang ipinapahayag ng mga
simbolo o ng mga salitang nakalimbag.
3. Reaksiyon- Proseso ng pagpapasiya o paghatol sa kawastuhan at kahusayan ng teksto at pagdama sa
kahulugan nito.
4. Pag-uugnay- ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa kaniyang
dati at mga bagong karanasa sa tunay na buhay.

Mga Uri ng Tektsto


1. IMPORMATIBO – ang pangunahing uri ng teksto na kapupulutan ng kaalaman.
- uri ng babasahin na di-piksiyon
Layunin ng ganitong uri ng teksto na maghatid ng kaalaman, magpaliwanang ng mga ideya, magbigay
kahulugan sa mga ideya at maglatag ng mga panuto o direksiyon
Halimbawa:
- mga sangguniang aklat tulad ng mga ensayklopediya, almanak, batayang aklat at dyornal
- ulat
- pananaliksik
- artikulo
- polyeto/brochure
- sanaysay
- mungkahing proyekto
- balita
- komentaryo
Uri ng Tekstong Impormatibo batay sa istruktura ng paglalahad nito:
1. Sanhi at Bunga- nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari. Ipinaliliwanag ng
manunulat ang malinaw na relasyon sa dalawang bagay at nagbibigay pokus sa kung bakit nangyari
ang mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito( bunga)
2. Paghahambing- kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anumang
bagay, konsepto o pangyayari
3. Pagbibigay-depenisyon- ipinaliliwanagang ganitong uri ang kahulugan ng isang salita, termino o
konsepto
4. Paglilista ng Klasipikasiyon- nagsisimula ang manunulat sa pangkalahatang kategorya at bibigyang
depenisyon at halimbawa ang iba’t ibang klasipikasiyon o grupo sa ilalim nito.

2. TEKSTONG DESKRIPTIBO – ito ay nagtataglay ng impormasiyong may kinalaman sa pisikal


katangian ng isang tao, lugar o bagay
- ginagamit ang tekstong deskriptibo bilang pandagdag o suporta sa mga impormasyong inilalahad
ng tekstong impormatibo at sa mga pangyayari o kaganapang isinasalaysay sa tekstong naratibo.
- madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano.
Ito ay may layuning ilarawan an gang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao, ideya, paniniwala
at iba pa.
Halimbawa:
- mga akdang pampanitikan
- talaarawan
- talambuhay
- sanaysay
- polyetong panturismo
- pelikula o palabas

Mga Elemento ng Tekstong Deskriptibo


1. Karaniwang Paglalarawan (Obhetibo) – tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng
pagbanggit sa mga katangian nito gamit ng mga pang-uri
- direktang pagpapakita ng ng katangiang makatotohanan at di mapasusubalian
2. Masining na Paglalarawan (Subhetibo)- malikhain ang paggamit ng wika upang makabuo ng
kongkretong imahe tungkol sa inilalarawan.
- maaaring kapapalooban ng matatalinhagang pahayag (mga idyoma at tayutay) at naglalaman ng
personal na persepsiyon kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan.

Katangian ng Tekstong Deskriptibo


1. Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresiyon na nililikha sa mga
mambabasa.
2. ang tekstong deskriptibo ay maaaring maging obhetibo at subhetibo at maaari ding magbigay ng
pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba’t ibang tono at paraan sa paglalarawan.
3. Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espesipiko at maglaman ng mga konkretong detalye.

Mga Tayutay
1. Simili o Pagtutulad- paghahambing sa dalawang magkaibang bagay, tao o pangyayari sa
pamamagitan ng mga salitang tulad ng, tila, kawangis, mala, parang, kagaya, kasing, kapara at
katulad.
Hal:Kasingpula ng rosas ang kanyang labi.

2. Metapora- tumutukoy sa tuwirang paghahambing kaya’t hindi na kailangang gamitan ng mga salitang
naghahayag ng pagkakatulad.
Hal: Ang lungkot na iyong nadarama ay bato sa aking dibdib.

3. Personipikasyon o Pagsasatao- paglalapat ng mga katangiang pantao sa mga bagay na abstrakto o


walang buhay.
Hal: Ngumingiti ang araw nang ako’y naglalakad mag-isa.

4. Hayperboli o Pagmamalabis- sobrang paglalarawan o eksaherado kung kaya hindi literal ang
pagpapakahulugan.
Hal: Pasan ko ang daigdig sa dami ng problemang aking kinakaharap.

5. Onomatopeya o Paghihimig- paggamit ng salitang may pagkakatulad sa tunog ng bagay na


inilalarawan nito.
Hal: Ngumingiyaw ang pusa sa loob ng banyo.

3.TEKSTONG PERSWEYSIB- ito ay naglalayong manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng


pagkuha ng damdamin o simpatya ng mambabasa. Mas matimbang ang pag-apela sa emosyon at ang
karakter ng nagsasalita kaysa sa katotohanan ng ebidensiya at katwiran.
Layunin nitong umapela o mapukaw ang damdamin ng mambabasa upang makuha ang simpatya nito at
mahikayat na umayon sa ideyang inilalahad.
Halimbawa:
- talumpati
- patalastas

Elemento ng Tekstong persweysib


Aristotle- pilosopong naniniwala sa kahalagahan ng panghihikayat.
1. Ethos- ang karakter, imahe o reputasyon ng manunulat/ tagapagsalita
- ito ay salitang griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit na itong angkop ngayon sa
salitang “imahe”
- ang magpapasiya kung kapani-paniwala o dapat pagkatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita,
o ng mambabasa ang manunulat.
2. Logos- ang opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/tagapagsalita
-tumutukoy sa pangangatuwiran o sa pagiging lohikal ng nilalaman o kung may katuturan ba ang
sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig na ito ay totoo.
3. Pathos- emosyon ng mambabasa/ tagapakinig
- tumatalakay sa damdamin o emosyon ng mambabasa o tagapakinig.
EMOSYON ang pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang tao.

4. TEKSTONG NARATIBO- nagkukwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyo o di-piksiyon.


Piksiyon at di-piksiyon- kapwa gumagamit ng wikang puno ng imahinasyon.
Layunin ng tekstong naratibo na magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na pangyayari o
maggkwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.
Halimbawa:
- maikling kwento, nobela, mito, kwentong bayan at alamat
- anekdota
- talambuhay
- balita
- pelikula, aklat o palabas

Elemento ng Tekstong Naratibo


1. Banghay- tumutukoy sa paraan ng pagkakalahad at pagkakaayos ng mga pangyayari.
Karaniwang sinusunod na banghay ang pagkakaayos ng mga pangyayari ayon sa Freytag’s Pyramid na
nagsisimula sa eksposisyon, patungong komplikasyon, kasukdulan, pababa sa kakalasan at tungong
wakas.
2. Tagpuan- lugar na pinangyarihan ng kwento at panahon kung kailan naganap
3. Tauhan- nagdadala at nagpapaikot ng mga pangyayari sa isang salaysay.
-kumikilos sa mga pangyayari at karaniwang nagpapausad nito.
4. Suliranin/ Tunggalian- pinakadramang tagpo ng kwento at inaasahang may maidudulot na
mahalagang pagbabago patungo sa pagtatapos. Mula rito ay maaaring makakuha ng kaisipan o
mensahe na magsisilbing layunin ng tekstong naratibo.

Pamamaraan ng Narasyon- maaaring gamitin ng manunulat upang maging kapana-panabik ang


pagsasalaysay.
1. Diyalogo- sa halip na pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay
ang pangyayari.
-ginagamit para pukawin ang kabagutan ng mga mambabasa.
2. Foreshadowing- nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o
mangyayri sa kwento.
3. Plot twist- tahasang pagbabago sa direksiyon o inaasahang kalalabasan ng isang kwento.
4. Ellipsis- omisyon o pag-alis ng ilang yugto ng kwento kung saan hinahayaan ang mambabasa na
magpuno sa naratibong antala. Ito ay mula sa Iceberg Theory o Theory of Omission ni Ernest
Hemingway
5. Comic Book Death- isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay
biglang lilitaw upang mabigay linaw sa kwento.
6. Reverse Chronology- nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula.
7. In medias res- nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kwento. Kadalasang ipinakikilala ang mga
karakter, lunan at tensyon sa pamamagitan ng mga flashback.

5. TEKSTONG ARGUMENTATIBO- uri ng teksto na nangangailang ipagtanggol ng manunulat ang


posisyon sa isang tiyak na paksa gamit ang mga ebidensiya mula sa kaniyang sariling karanasan,
nabasa mula sa ibang teksto o akda, mga halimbawa buhat sa kasaysayan at pananaliksik na
susuporta sa kaniyang mga argumento.
Halimbawa:
- tesis
- papel na pananaliksik
- editoryal
2 Elemento ng Tekstong Argumentatibo

1. Proposisyon- pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ay isang bagay na


pinagkakasunduan bago ilahad ang katwiran ng dalawang panig.
2. Argumento- paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang makatwiran ang isang panig.

Narito ang listahan ng mga karaniwang uri ng Lihis na Pangangatwiran o Fallacy


1. Argumentum ad Hominem (argumento laban sa karakter) – ang pinagtutuunan ay hindi ang isyu
kundi ang kredibilidad/ imahe ng taong kausap.
Halimbawa:
Hindi dapat pinaniniwalaan ang sinasabi ng taong iyan dahil iba ang kaniyang relihiyon at mukha siyang
terorista.

2. Argumentum ad Baculum ( Paggamit ng puwersa o pananakot)


Halimbawa:
Sumanib ka sa aming relihiyon kung hindi ay hindi ka maliligtas at masusunog sa dagat-dagatang apoy.

3. Argumentum ad Misericordiam ( Paghingi ng awa o simpatya) –ang pangangatwiran ay hindi


nakasalig sa katatagan ng argumento kundi sa awa at simpatya ng kausap.
Halimbawa:
Ako ang inyong iboto dahil tulad ninyo ay isa lamang akong anak-mahirap. Inaalipusta at minamaliit ako ng
aking kalaban. Ang gusto ko lamang ay maglingkod. Ako lamang ang nakauunawa sa kalagayan niniyo
ngunit patuloy ang paninira nila sa akin ng mga bagay na walang katotohanan.

4. Argumentum ad Numeram (batay sa dami ng naniniwala sa argumento)- ang paninindigan sa


katotohanan ng isang argumento ay batay sa dami ng naniniwala rito.
Halimbawa:
Marami akong kakilalang malakas uminom ng Coke pero wala silang diabetes kaya naman hindi ako
naniniwalang masama ito sa kalusugan.

5. Argumentum ad Ignorantiam (batay sa kawalan ng sapat na ebidensiya)- ang pahayag ay


pinaninindigan dahil hindi pa napatutunayan ang kamalian nito at walang sapat na patunay kung mali o
tama ang pahayag.
Halimbawa:
Kung wala nang tanong ang buong klase, ibig sabihin ay alam na alam na nila ang aralin at handa na
sila sa mahabang pagsusulit.

6. Cum Hoc Ergo Propter Hoc (batay sa pagkakaugnay ng dalawang pangyayari)- may ugnayang sanhi
at bunga ang dalawang pangyayari
Halimbawa:
Maswerte sa akin ang kulay pula. Sa tuwing nakapula ako ay laging mataas ang benta ko.

7. Post Hoc Ergo Propter Hoc (batay sa pagkakasunod ng mga pangyayari)


Halimbawa:
Tumilaok na ang manok. Ibig sabihin ay umaga na.

8. Non Sequitur (Walang kaugnayan)- ang kongklusyon ay walang lohikal na kaugnayan sa naunang
pahayag.
Halimbawa:
Hindi nagagalingan si Ronald sa musika ng bandang iyan dahil baduy raw manamit ang bokalista.

9. Paikot-ikot na pangangatwiran (circular reasoning)- paulit-ulit ang pahayag at walang malinaw na


punto.
Halimbawa:
Ang Bibliya ay mga salita ng Diyos dahil ang mga salita ng Diyos ay nasa bibliya.

10. Padalos-dalos na Paglalahat (hasty generalization) –paggawa ng panlahatang pahayag o konklusyon


batay lamang sa iilang patunay
Halimbawa:
Masarap magluto ang kusinera naming Bisaya. Magagaling talagang magluto ang mga Bisaya.
6. TEKSTONG PROSIDYURAL- nagbibigay ng panuto o direksiyon kung paano gawin ang isang bagay.
-may tiyak na pagkakasunod-sunod ang mga hakbang na dapat sundin upang matagumpay na
magawa ang anumang gawain.
Halimbawa:
- manwal sa paggamit ng isang kasangkapan o mekanismo
- resipi
- gabay sa paggawa ng mga proyekto
- mga eksperimentong siyentipiko
- mekaniks ng laro

Elemento ng Tekstong Prosidyural


1. Layunin- kadalasang tumutukoy sa kalalabasan o bunga na dapat matamo pagkatapos magawa nang
wasto ang lahat ng hakbang.

2. Kagamitan-nakalista sa pinakaunang bahagi ang kagamitan na gagamitin sa bawat gagawing


hakbang.

3. Mga Hakbang-pinakamahalagang bahagi ng tekstong prosidyural. Sa bahaging ito nakalahad ang mga
panuto kung paano gagawin ang buong proseso upang makamit ang layunin.

4. Tulong na Larawan- nagsisilbing gabay sa mambabasa upang maging mas mabilis at masigurong
wasto ang pagsunod sa isang hakbang.

You might also like