You are on page 1of 8

Filipino Values Month 2022

MARY: Inaaanyayahan ang lahat sa pagtayo at pag-awit ng Pambansang Awit


ng Pilipinas.
CHYLLMAR: Manatili lamang pong nakatayo para sa isang panalangin.

MARY: Maaari nang maupo ang lahat. (Mataas na boses) Isang mapagpalang
umaga sa ating lahat! Bago natin simulan ang programang ito ay nais muna
naming magpakilala/ako si Mary Nicole Sibugan.

CHYLLMAR: At ako naman si Chyllmar Chiva

MARY&CHYLLMAR: At kami ang inyong magiging tagapagdaloy ng mga


programa sa araw na ito.

CHYLLMAR: Alam mo ba binibining Mary Nicole, na iniisip ko pa lamang


kagabi kung ano ang maaaring mangyari kinabukasan ay kinakabahan na
ako? Ngunit, nakatitiyak akong ang ating mga kalahok at mga opisyal ng
programang ito ay naghandang mabuti para sa sandaling ito.

MARY: Siyang tunay ginoong Chyllmar. Ang Filipino Values Month ay


ipinagdiriwang tuwing buwan ng Nobyembre. Mahalagang ipagdiwang natin
ang Filipino Values Month sapagkat sumasalamin ito kung gaano natin
pinapahalagahan ang ating lahi at pagkakilanlan.

CHYLLMAR: Tama, ang pagdiriwang ito ay para sa ating lahat/walang pinipili o


iniiwang lahi basta Pilipino sa dugo man o sa puso. Ibig-sabihin maging ang
mga dayuhan ay malayang makipagdiwang sa atin kung ang layunin nila
ay/pahalagahan ang ating kultura, tradisyon, at lahi. Sa makabagong
henerasyon, marami nang turong banyaga ang natutuhan ng ating mga
kabataan, kaya't mahalagang kahit isang beses lamang sa isang taon ay
mapaalala sa kanila kung ano ang TAYO! Ang ating lahing pinanggalingan at
ang nararapat na pagpupugay sa mga Pilipino nang sa gayon ay mabigyang
halaga rin/ang kanilang pagkakakilanlan bilang isang Pilipino.

MARY: Kaya ngayong hapon, sama-sama natin ipagdiwang ang Filipino Values
Month na may temang:

MARY&CHYLLMAR: “Magagandang Kaugaliang Pilipino: Isabuhay At


Pagyamanin Tungo Sa Matisaway At Maunlad Na Kinabukasan.”

CHYLLMAR: Sa muli, magandang hapon sa lahat. Ngayon ay pakinggan natin


ang ating Punong-Guro/si Ginoong Dkr. Wilson F. Tosino para sa kanyang
pambungad na talumpati.

CHYLLMAR: Maraming salamat Ginoong Dkr. Wilson F. Tosino sa


napakagandang mensahe na iyong ibinigay. Sa pagkakataong ito, ating
pakinggan ang Pangulo ng Samahan ng KPSEP si Bb. Mary Nicole Sibugan
upang ipakilala ang mga kasapi ng lupon ng inampalan.

MARY: Maraming salamat Ginoong Chyllmar. Ngayon ay ating kilalanin ang


mga kasapi ng lupon ng inampalan para sa paligsahan sa Tawag ng
Tanghalan, Dula-Dulaan, at para sa Sayaw-Awit.
Ang unang lupon ng inampalan ay si Gng. Caryl G. Palomo/ Ulong-Guro Tatlo
ng Departamento ng ESP at TLE.
Sunod naman ay si Gng. Cypress P. Medina/Ulong-Guro Tatlo ng
Departamento ng Matematika at Siyensya.
Ikatlo ay si Gng. Doktor Ma. Armi S. Santacera/Ulong-Guro Tatlo ng
Departamentong Araling Panlipunan at MAPEH.
Si Gng. Mary Grace T. Golez/Ulong-Guro Tatlo ng Departamento ng Ingles at
Filipino.
Panghuli ay ang ating pinakamamahal na Punong-Guro Ginoong Doktor
Wilson S. Tosino-DMPM, PhD, Punong-Guro Tatlo/OIC.

CHYLLMAR: Salamat Bb. Mary Nicole. Upang basahin ang mga pamantayan sa
paghuhusga para sa iba’t ibang patimpalak, ating tawagin si Binibining Febe
Rose Napagao Pangulo ng BKD.

MARY: Sa puntong ito, ay atin nang simulan ang mga gaganaping patimpalak.
Upang ipamalas ang kanilang aking-galing sa pag-awit, pag-arte, at pagsayaw.

CHYLLMAR: (Malakas na Boses) Handa na ba ang lahat? Kung handa


na/nasaan ang konseho-pito?

MARY: (Hiyaw) Papatalo ba ang konseho-walo?

CHYLLMAR: Tiyak akong palaban ang konseho-siyam, maghiyawan!

MARY: Konseho-sampu papatalo nalang ba kayo?!

CHYLLMAR: Konseho-labingisa itaas ang inyong bandera!

MARY: Mga ate’t kuya ng Konseho-labingdalawa mangingay!

CHYLLMAR: Kay gandang pakinggan mukhang handang-handa na ang mga


manonood.
MARY: Kaya, ating tawagin ang unang kalahok para sa Tawag ng Tanghalan.
_________________

MARY: Napakagaling!!! Ngayon naman ay ating pakinggan ang sunod na


kalahok…__________________

CHYLLMAR: Kay husay! Hindi naman patatalo ang ikatlong kalahok para sa
Tawag ng Tanghalan. _____________

CHYLLMAR: Kagilalas ang pagkanta, ngayon ay ating tawagin ang ikaapat na


kalahok._____________

MARY: Sadyang kay husay ng mga taga-Don, ngunit hindi pahuhuli ang
panghuling kalahok.____________

CHYLLMAR: Hindi maikakaila ang galing ng mga mag-aaral ng Don Felix,


nakamamangha

MARY: Sang-ayon ako riyan. Sa puntong ito, tayo muna ay magbigay muna ng
munting handog bago magpatuloty ang dula-dulaan. Inaaanyahan ang mga
kasapi ng KPSEP sa pagpunta sa entablado sa paghahandog mg regalo.

CHYLLMAR: Sa puntong ito ay ating saksihan ang mga magagandang dula ng


mga sumaling konseho. Maaari nang pumagitna ang unang maglalahok para
sa Dula-Dulaan. ________________

MARY: Hindi talaga tayo binibigo ng mga taga-Don pag dating sa pag-arte.
Ngayon naman ay ating tawagin ang ikalawang konseho para sa sa kanilang
dula-dulaan. _______________
MARY: Kay gandang pag masdan at pagnilayan ang kanilang pag-arte.
Dumako naman tayo sa pangatlong kalahok. _______________

CHYLLMAR: Hindi naman talaga maikakaila ang galing ng mga kalahok


ngayon/sa dakong ito ay maghahandog muna tayo ng mga regalo bago
simulan ang Sayaw-Awit. Inaaanyayahan ang mga kasapi ng BKD sa
entablado upang magbigay-handog.

MARY: Sa pagkakataong ito ay dadako tayo sa paligsahan ng Sayaw-Awit.


Handa na ba ang lahat? Kung gayon, mangyari lamang na maghanda na ang
unang mga lalahok sa sayaw-awit. ___________

MARY: Kamangha-mangha, hindi ba? Patikim pa lang iyon, tinatawag naman


ang sunod na mga kalahok para sa kanilang palabas. __________

CHYLLMAR: Natatangi talaga ang talento ng Pinoy, hindi baga? Dadako


naman tayo sa ikatlong lalahok para sa paligsahang ito. _________

CHYLLMAR: Maraming salamat sa kay gandang palabas. Atin namang


tawagin ang ika-apat na mga kalahok. ____________

MARY: Kung ang pasensya ng karamihan ay paubos, ang talento ng mga ating
kamag-aral ay hindi. Maaari nang pumagitna ang ikalimang kalahok. _______

MARY: Ginugulat talaga tayo ng kagalingan sa sining ng mga taga-Don. Ang


ikalima’t huling mga lalahok ay maari nang magsimula.

CHYLLMAR: Sadyang marami sa atin ang may likas na talento sa iba’t ibang
mga larangan. Inaaanyayahan ang mga Pangulo, Pangalawang Pangulo, at
Kalihim ng BKD at KPSEP.
CHYLLMAR: Nakahahalina ang pag-iisang bisig natin, tunay ngang tayo ay
mga Pilipino. Bago nating alamin at igawad ang mga parangal ay ating
saksihan ang panunumpa ng mga kasapi ng samahan ng Barkada Kontra
Droga at samahan ng Kabataang Sektor ng Pambansang Samahan sa
Edukasyon sa Pagpapahalaga. Mangyari lamang na kapag tinawag ang inyong
pangalan ay pumagitna.

CHYLLMAR: Salamat sa mga bagong kasapi ng samahan ng BKD at KPSEP.


Ngayon ay dadako tayo sa pagbibigay ng Katibayan ng Pagpapahalag para sa
mga Inampalan.

MARY: Maraming salamat, sa mga kagalang-galang na lupon ng inampalan.


Ngayon ay tawagin natin ang lahat ng kalahok para sa Pagbibigay ng
Katibayan para sa mga Kalahok.

MARY: Maraming salamat sa inyong pakikilahok sa ating mga taimpalak.


Dadako tayo ngayon sa Pagkilala at Pag-aanunsiyo ng Resulta sa Patimpalak.
Unahin muna natin resulta ng ginanap na Tagis-Talino.
Ikalimang pwesto ay nakuha ni:________________________
Ikaapat pwesto ay nakuha ni:______________________
Ikatlong pwesto ay nakuha ni:______________________
Pangalawang na pwesto ay nakuha ni: ________________________
Ang unang pwesto ay nakuha ni:___________________________

CHYLLMAR: Sapalagay ko ay marami ng kumakabog ang dibdib sa kaba. Atin


nang basahin ang Resulta ng Paggawa ng Tula.
Ikalimang pwesto ay nakuha ni:________________________
Ikaapat pwesto ay nakuha ni:______________________
Ikatlong pwesto ay nakuha ni:______________________
Pangalawang na pwesto ay nakuha ni: ________________________
Ang unang pwesto ay nakuha ni:___________________________

MARY: Sadyang kay ganda naman talaga ng kanilang piyesa/kaya, dadako


naman tayo sa Resulta ng Paggawa ng Larawang Kolahe.
Ikalimang pwesto ay nakuha ni:________________________
Ikaapat pwesto ay nakuha ni:______________________
Ikatlong pwesto ay nakuha ni:______________________
Pangalawang na pwesto ay nakuha ni: ________________________
Ang unang pwesto ay nakuha ni:___________________________

CHYLLMAR: Hindi naman maikakaila na ang kanilang obra ay kagila-gilalas.


Kaya naman ating alamin kung kaninong tinig ang nanaig sa Tawag ng
Tanghalan.
Ikalimang pwesto ay nakuha ni:________________________
Ikaapat pwesto ay nakuha ni:______________________
Ikatlong pwesto ay nakuha ni:______________________
Pangalawang na pwesto ay nakuha ni: ________________________
Ang unang pwesto ay nakuha ni:___________________________

MARY: Sa puntong ito ay ating alamin kung kaninong mga pagganap ang
nakapabigay kiliti sa mga lupon ng inampalan.
Ikalimang pwesto ay nakuha ni:________________________
Ikaapat pwesto ay nakuha ni:______________________
Ikatlong pwesto ay nakuha ni:______________________
Pangalawang na pwesto ay nakuha ni: ________________________
Ang unang pwesto ay nakuha ni:___________________________
CHYLLMAR: Ating aalamin kung kaninong boses at indak ang nagbigay
halakhak at galak sa mga inampalan.
Ikalimang pwesto ay nakuha ni:________________________
Ikaapat pwesto ay nakuha ni:______________________
Ikatlong pwesto ay nakuha ni:______________________
Pangalawang na pwesto ay nakuha ni: ________________________
Ang unang pwesto ay nakuha ni:___________________________

MARY: Binabati namin ang mga masining na mag-aaral na nagtamo ng


panalo sa mga patimpalak. Para naman sa pampinid na talumpati ay ating
pakinggan ang mensahe ni Ginang Girlie S. Babay, Guro Isa/Tagapayo ng
KPSEP.

MARY: Salamat Ginang Babay sa magandang mensaheng iyong ibinigay.

CHYLLMAR: Dito magtatapos ang programa natin sa araw na ito hinggil sa


Filipino Values Month, na may temang:

MARY&CHYLLMAR: “Magagandang Kaugaliang Pilipino: Isabuhay At


Pagyamanin Tungo Sa Matisaway At Maunlad Na Kinabukasan.”

MARY: Muli, maraming salamat sa lahat sa mga lupon ng inampalan, mga


guro, mag-aaral at mga kalahok. Ako si Bb. Mary Nicole Sibugan Pangulo ng
KPSEP.

CHYLLMAR: At sa muli ako si Chyllmar S. Chiva, Kalihim ng BKD

MARY&CHYLLMAR: At kami ang inyong tagapagdaloy ng programang ito,


salamat at pagpalain nawa tayo.

You might also like