You are on page 1of 10

1

ARALING PANLIPUNAN 8-IKATLONG KWARTER


Pangalan ______________________________________________________________
Pangkat ___________ Guro_______________________________________________

Aralin
ANG PAGIGING POPULAR NI NAPOLEON AT
7 ANG NAPOLEONIC WARS

MELC/Kasanayan
Naipapaliwanag ang Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong
Amerikano at Pranses. Code: AP8PMD-IIIi-9

Ang modyul na ito ay ginawa upang makilala si Napoleon Bonaparte at ang


kanyang naging bahagi sa rebolusyong Pranses. Inilalahad din dito ang iba’t ibang
labanan na kanyang pinangunahan at pinagwagian upang maisulong ang kaisipang
kanyang ipinaglalaban, Ito ay ang pagtatatag ng pamahalaang Republikano.
Mauunawaan din natin sa modyul na ito ang naging bunga ng rebolusyon na kanyang
pinangunahan at ang epekto nito sa kasaysayan.
Hangad ko ang iyong pakikiisa at kasiglahan sa pag-aaral ng ating aralin.
Pagkatapos basahin ang modyul na ito, inaasahang:
1. Nailalahad ang kontribusyon ni Napoleon Bonaparte sa kasaysayan
ng France;at
2. Nasusuri ang iba’t ibang labanan na pinangunahan ni Napoleon Bonaparte
at ang naging bahagi nito sa pagkakaisa ng mga bansa sa Europa.

Handa ka na ba? Maari na tayong magpokus sa ating unang gawain. Subukan


mong basahin at unawain nang mabuti ang mga tanong upang masagutan mo ito nang
maayos at tama. Sa gawaing ito, nais kong malaman kung mayroon ka nang paunang
ideya o nalalaman sa ilang mga konsepto tungkol sa ating aralin.

1. Serye ng mga labanang ipinangalan kay Napoleon Bonaparte dahil sa


pangunguna niya rito.
2. Digmaang naganap sa Iberian Peninsula na kinasasangkutan ng Spain at
Portugal.
3. Pinakamagiting na laban ni Bonaparte dahil natalo nya ang Russia at Austria.
4. Labanan kung saan nagsanib pwersa ang Austrians at Russians.

Ms. AP8-QTR3-Wk7
Bondoc
2
ARALING PANLIPUNAN 8-IKATLONG KWARTER
5. Pinakamadugong labanan sa Napoleonic wars na kumitil sa maraming buhay
ng mga sundalo ni Napoleon dahil hindi nila kinaya ang lamig ng klima at
pagkagutom.

Tukuyin Mo
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap.
1. Kinilalang bayani ng digmaan sa paghahangad ng Kalayaan sa Amerika.
2. Kasunduan na nagtapos sa digmaan ng 13 kolonya.
3. Isang insidente sa Pransya kung saan maraming “royals” ang pinugutan ng ulo sa
pamamagitan ng guillotine dahil sa paghahangad ng tao na patalsikin ang hari at
magtatag ng republika.
4. Konsehong ehekutibo na binubuo ng limang director.
5. Hari ng France na naging maluho at magarbo sa kanyang pamumuno sa kabila ng
paghihirap ng kanyang nasasakupan.

Paksa: ANG PAGIGING POPULAR NI NAPOLEON

Si Napoleon Bonaparte na nabuhay


noong 1769 hanggang 1821 ay kilala rin sa
pangalan na Napoleon I. Siya ay isang
Pranses na lider ng militar at isa ring
emperador na sumakop sa Europe noong
ikalabing-siyam na siglo.

Si Napoleon I ay isinilang
sa Corsica at nagsanay bilang hukbo ng
sandatahang lakas ng Pransiya sa ilalim
ng Unang Republikang Pranses at isa sa
mga matagumpay na pinuno ng hukbo na
tumalo sa Una at Ikalawang mga Koalisyon
laban sa pamahalaan ng Pransiya. Noong
1799, pinamunuan niya ang isang kudeta at
iniluklok ang sarili bilang unang Konsul ng
Pransiya; pagkalipas ng limang taon, bilang
Emperador ng mga Pranses. Sa pagpasok
ng mga unang dekada ng ikalabingsiyam na
siglo, matagumpay niyang nilabanan ang
mga makapangyarihang bansa sa Europa
kasabay ng pagtatatag ng Imperyong
Pranses.

NAPOLEON

Ms. AP8-QTR3-Wk7
Bondoc
3
ARALING PANLIPUNAN 8-IKATLONG KWARTER

ANG NAPOLEONIC WARS


Ang Napoleonic Wars ay isinunod sa pangalan ni Napoleon Bonaparte na naging
pinuno ng France noong 1799 at nagtangkang ipakilala ang kanyang ideya ng
pamahalaan sa buong Europa. Ang Napoleonic Wars ay hindi tuloy-tuloy na
pakikipaglaban sa dahilang nagkaroon pa ng mga panahon ng kapayapaan sa pagitan
ng mga labanan. Ang digmaan ay nagwakas ng si Napoleon ay natalo sa digmaan sa
Waterloo noong 1815.

Dahilan ng Digmaang NAPOLEONIC


Ang digmaang Napoleonic ay nag-umpisa sa panahon ng Rebolusyong Pranses.
Nagtagumpay ang mga rebolusyunaryo na mapaalis at mapahina ang kapangyarihan ng
hari sa Pransiya at maitatag ang isang Republika. Dahil sa pangyayaring ito ay nagkaroon
ng takot ang iba pang mga monarko sa napipintong paglaganap ng rebolusyon na
posibleng magpabagsak sa kanilang pamumuno.
Noong 1792, nagpadala ang mga pinuno ng Austria at Prussia ng hukbong
sandatahan upang lusubin ang France. Natalo sila ng mga rebolusyunaryong Pranses
kaya sa pananaw nila, ang mabuting paraan upang madepensa ang rebolusyon ay
ipalaganap ito sa mga bansa. Noong 1793 ay nagpasimulang lusubin ng mga
rebolusyunaryong Pranses ang Netherlands. Upang mapigil ang paglakas ng France ay
minabuti ng Britanya, Espanya, Portugal at Rusya na sumali sa digmaan.

Pagkilala sa Kakayahan ni Napoleon


Sa mga ilang taon ng digmaan sa Europe ay nanatili ang lakas ng France sa
pakikihamok sa kalupaan at ang mga British naman sa katubigan. Nagbago lang ang
sitwasyon ng naging kilala ang kakayahan bilang pinunong heneral ni Napoleon
Bonaparte.

Ms. AP8-QTR3-Wk7
Bondoc
4
ARALING PANLIPUNAN 8-IKATLONG KWARTER
Mapapansin sa mapa na lubhang napalawak ni Napoleon Bonaparte ang teritoryo
ng France. Dahil ito sa kanyang mga pagkapanalo sa mga serye ng pakikidigma laban
sa ibat ibang bansa sa Europa. Ito ay upang isulong ang kaisipan na magwawakas sa
pagiging absolute ng kapangyarihan ng monarkiya at palitan ang uri ng pamamahala sa
pagiging republika.
Ang Napoleonic Wars ay naganap noong (1799-1815). Ito ay ang sigalot sa
pagitan ng France sa pamumuno ni Napoleon Bonaparte at mga Allied Countries. Ito ay
ang British, Unang Imperyo ng France, Spain, Imperyong Ottoman, Prussia, Russia,
Poland, Rhine, Austria, Italy, Bavaria, Naples, Denmark-Norway, Saxony, Württemberg,
Holland, Sicillies, Sardinia, Portugal, Wallachia, Nassau, Netherlands, Tuscany,
Brunswick-Lüneburg, Moldavia, Etrunia, Sweden-Finland, Bourboun Spain, at Hungary.
Ang tagumpay ng mga digmaang inilunsad ni Napoleon sa Europa ay dahil sa
naipapanalo nito ang kanyang mga laban sa katubigan. Noong 1805 ay nasakop nya ang
Hilagang Italya, Switzerland at Timog Germany.

NAPOLEONIC WARS
LABANAN PETSA PANGYAYARI
Labanan sa Dec. 2, 1805 Ito ay pinakamagiting na laban ni Bonaparte dahil
Austerlitz natalo niya ang pinagsanib na pwersa ng Russia
at Austria. Dahil dito kusa silang humingi ng
kapayapaan sa pagitan nila at ni Napoleon.
Labanan sa Ulm Sept. 25-Oct. Ang pagkapanalo ni Napoleon laban sa Austrian
20, 1805 Army. Pinamunuan ni Baron Karl Mack von
Leiberich ang Austria.
Labanan sa Jena October 14, Labanan sa Pagitan ni Napoleon at Mga Prussia
1806 at Saxons sa Saxony (Germany sa kasalukuyan).
Dinurog ng pwersa ni Napoleon ang hukbo ng
mga Prussians sa labanang ito at sa kabuuan ay
nasakop nya ang Gitnang Germany na nakilala
bilang Rhine Confederation.
Labanan sa Eylau Feb. 7-8, Ang labanan in Napoleon sa pagitan ng East
1807 Prussia.
Labanan sa June 14, Ang labanan sa pagitan ni Napoleon Bonaparte
FriedLand 1807 at si Alexander I ng Russia na nagbunga ng
Treaty of Tilsit.
Tinalo nya ang pwersa ng mga Ruso at nang
lumaon ay nakontrol din nya Poland. Napilitan
ang mga Ruso na makipagkasundo sa France.
Sinunod naman nya ang pagsakop sa Spain at
Portugal.

Ms. AP8-QTR3-Wk7
Bondoc
5
ARALING PANLIPUNAN 8-IKATLONG KWARTER
Labanan sa Sept. 7, 1812 Ito ay madugong labanan sa pagsugod ni
Borodino Napoleon sa Russia.
Nilusob ni Napoleon ang Russia sa dahilang
kapag ito ay kanyang masakop ay madali niyang
mapapasok ang Britain.
Nagpadala si Napoleon ng 600,000 mga sundalo
na binubuo ng Polish, German, Italyano at mga
Pranses upang lumaban ngunit 20,000
sundalong Pranses na lamang ang nakabalik ng
maluwalhati. Marami ang namatay dahil hindi
kinaya ang lamig at gutom.
Labanan sa 1813 Ang labanan sa pagitan ni Bonaparte at Austria,
Leipzig Prussia, Russia at Sweden pati na rin Ang
Germany at Poland ang umubos sa pwersang
hukbo ni Napoleon.

PENINSULAR WAR (1808)


Taong 1808 ay nagkaroon ng mga pag-aalsa laban sa pamamahala ng mga
Pranses sa Espanya at Portugal. Nagpadala ng tulong na mga sundalo ang Britanya sa
mga rebelde ngunit tinalo sila ng mga Pranses sa Espanya kaya minabuti ng mga British
na magkonsentreyt na lang sa Portugal. Ang bahaging ito ng Napoleonic Wars ay naging
kilala bilang Peninsular War sa dahilang ang Espanya at Portugal ay nasa bahagi ng
Europa na Iberian Peninsula.

Gawain 1
MAPA -NURI KA BA?
Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa aralin. Suriin ang mapa at
sagutan ang mga sumusunod na tanong.

Ms. AP8-QTR3-Wk7
Bondoc
6
ARALING PANLIPUNAN 8-IKATLONG KWARTER

1. Batay sa mapa, magbigay ng tatlong teritoryong nasakop ni Napoleon


Bonaparte.
Sagot: ___________________________________________________
2. Batay sa mapa, magbigay ng tatlong estadong kaalyado ni Napoleon
Bonaparte.
Sagot: ___________________________________________________
3. Batay sa mapa, magbigay ng mga estadong kalaban ni Napoleon
Bonaparte
Sagot: ___________________________________________________

Ang Pagkatalo ng France


Habang abala sa pakikipaglaban si Napoleon sa Russia ay sinamantala naman ng
mga British ang Espanya at nanalo sila ng maraming beses sa pakikipaglaban.
Noong 1813 ay nasakop ng mga British ang Timog France at ang pinagsanib na
pwersa ng mga Ruso at Austrian ang sumakop naman sa Hilagang France. Napulbos
ang hukbo ng mga Pranses sa digmaan sa Liepzig at unti-unting bumagsak ang
imperyong itinayo ni Napoleon.

Ang Pagtatapos ng mga Labanan


Taong 1813 nang talunin ng pinagsamang pwersa ng Britanya, Austria Prussia at
Russia ang emperador na Pranses na si Napoleon Bonaparte. Ang imperyong binuo at
itinatag ni Napoleon ay biglang bumagsak at siya ay sumuko sa kanyang nagbubunying
kalaban. Si Louis XVIII, ang kapatid ni Louis XVI (ang haring pinapatay nang panahon ng
Rebolusyong Pranses) ang nagging hari ng France noong 1814 at si Napoleon ay
ipinatapos sa isla ng Elba, malapit sa kanlurang baybayin ng Italya.

Pagkamatay ni Napoleon Bonaparte


Nakatakas noong Pebrero 1815 si Napoleon sa Elba at nakabalik sa France. Nang
ipahayag ang kanyang pagbabalik ay dali-dali siyang sinalubong ng dati niyang mga
sundalo. Bumuo na muli siya ng isang hukbo at nagmartsa patungong Paris upang
agawin ang trono sa haring si Louis XVIII.

Muling nagkaisa ang alyansang unang tumalo kay Bonaparte at naglunsad ng


digmaan laban sa kaniya. Nangyari ang labanan sa Waterloo na matatagpuan sa
Netherlands. ng natalo si Bonaparte. Hunyo 22 nang sumuko si Napoleon sa mga British.
Natapos na rin ang kanyang ‘Isang Daang Araw’. Siya ay ipinatapon sa isla ng St. Helena.
Ito ang lugar na kaniyang kinamatayan noong 1821 na batay sa mga bagong pagsusuri
sa arsenic poisoning.

Ms. AP8-QTR3-Wk7
Bondoc
7
ARALING PANLIPUNAN 8-IKATLONG KWARTER
Si Haring Louis XVIII ang naluklok na emperador ng Pransiya pagkatapos na
maipatapon si Napoleon sa St. Helena.

Pamprosesong Tanong:
1. Ilahad ang pagsisimula ng Napoleonic Wars.
2. Paano kaya napalawak ni Napoleon ang kanyang teritoryo?
3. Paano nagsimula at nagwakas ang Napoleonic wars?

Gawain 2
Ayusin Mo!
Pagsunud-sunurin ang mga kaganapan sa buhay ni Napoleon Bonaparte.
________ 1. Labanan sa Waterloo na ikinamatay ni Napoleon Bonaparte.
________ 2. Labanan sa Leipzig kung saan natalo ang hukbo ng mga Pranses dahil sa
pagiging abala ni Napoleon sa pakikipaglaban para makuha ang Russia.
________ 3. Labanan sa Austerlitz kung saan nagbunyi ang tropa ng mga Pranses na
pinangungunahan ni Napoleon Bonaparte.
________ 4. Pagpapatapon kay Napoleon Bonaparte sa isang isla sa Elba.
________ 5. Pagiging pinuno ni Napoleon Bonaparte sa France at pagkilala sa kanya
bilang isang magiting na heneral.

 Si Napoleon Bonaparte ay magiting na heneral na nagpalawak ng imperyo ng


France upang maipalaganap ang pagtatatag ng pamahalaang Republikano.

 Ang Napoleonic War ay serye ng mga labanan na pinangunahan ni Napoleon


Bonaparte na naglalayong palawakin ang pagtatatag ng pamahalaang
republika sa ibat ibang bansa sa Europe.

 Ang rebolusyon ay tulad ng kahon ni Pandora na nang mabuksan ay


nagpakawala ng mga kaisipang nakagigimbal at nakaiimpluwensya sa halos
lahat ng sulok ng daigdig ayon kay John B. Harrison.

Ms. AP8-QTR3-Wk7
Bondoc
8
ARALING PANLIPUNAN 8-IKATLONG KWARTER

Punan ang timeline ng pakikidigma ni Napoleon Bonaparte. Ilagay sa kahon


ang petsa at kaganapan na nakapaloob dito.

I. Suriin ang bawat kahulugan sa katanungan at bilugan mo ang titik ng tamang sagot.

1. Serye ng mga labanan na pinangunahan ni Napoleon Bonaparte.


a. War of Jena b. Napoleonic War c. Peninsular War d. Austerlitz War

2. Labanan kung saan namatay si Napoleon Bonaparte.


a. labanan sa Liepzig b. labanan sa Eylau
c. labanan sa Waterloo d. labanan sa Austerlitz

3. Ang labanan sa pagitan ni Bonaparte at Austria, Prussia, Russia at Sweden pati na


rin Ang Germany at Poland ang umubos sa pwersang hukbo ni Napoleon.
a. labanan sa Liepzig b. labanan sa Eulau
c. labanan sa Waterloo d. labanan sa Austerlitz

4. Labanan kung saan dinurog ng pwersa ni Napoleon ang hukbo ng mga Prussians at
sa kabuuan ay nasakop nya ang Gitnang Germany na nakilala bilang Rhine
Confederation.
a. labanan sa Jena b. labanan sa Eylau
c. labanan sa Borodino d. labanan sa Austerlitz

5. Naluklok na emperador ng Pransiya pagkatapos na maipatapon si Napoleon sa St.


Helena.
a. Louis XVI b. Louis XIV c. Louis XVII d. Lois XVIII

6. Labanang naganap sa Iberianpeninsula na kinasasangkutan ng Spain at Portugal.


a. War of Jena b. Napoleonic War c. Peninsular War d. Austerlitz War

7. Marami ang namatay dahil hindi kinaya ang lamig at gutom sa labanang ito.
a. labanan sa Jena b. labanan sa Eylau
c. labanan sa Borodino d. labanan sa Austerlitz

8. Maituturing na pinakamagiting na laban ni Bonaparte dahil natalo niya ang


pinagsanib na pwersa ng Russia at Austria.
a. labanan sa Jena b. labanan sa Eylau
c. labanan sa Borodino d. labanan sa Austerlitz

Ms. AP8-QTR3-Wk7
Bondoc
9
ARALING PANLIPUNAN 8-IKATLONG KWARTER
9. Mga bansang nakalaban ni Napoleon maliban sa _________.
a. Spain b. Italy c. Porugal d. Greece

10. Labanan sa pagitan ni Napoleon Bonaparte at ni Alexander I ng Russia na nagbunga


ng Treaty of Tilsit.
a. labanan sa Austerlitz b. labanan sa Eylau
c. labanan sa Borodino d. labanan sa Friedland

Binabati kita! Sa matagumpay na paggampan sa ating mga Gawain. Ngayon


naman ay bigyan mo ang sarili ng pagkakataon na makapag-isip at makapagsulat ng
isang OPEN LETTER para kay Napoleon Bonaparte.

RUBRICS SA PAGBUO NG OPEN LETTER

PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS NAKUHANG

PUNTOS

Paglalahad ng Maliwanag na nailalahad ang 5


sariling saloobin sa saloobin ukol sa paksa.
paksa

Pagpapahalagang Nailalahad ang pagpapahalaga ukol 5


natalakay sa aralin sa paksang tinalakay.

Organisasyon ng Lohikal at mahusay ang pagkakaayos 5


ideya ng ideya ukol sa paksa.

KABUUANG PUNTOS: 15 ________

Ms. AP8-QTR3-Wk7
Bondoc
10
ARALING PANLIPUNAN 8-IKATLONG KWARTER
SAGUTANG PAPEL- QUARTER 3- WEEK 4
PANGALAN: _________________________________________________________________

PANGKAT: ______________ GURO: _____________________________________________

PAUNANG PAGSUSULIT:
1.
2.
3.
4.
5.
BALIK-TANAW:
1.
2.
3.
4.
5.

GAWAIN:
Gawain A: MAPA-NURI KA BA?
1.

2.
3.
Gawain B: AYUSIN MO?
1.
2.
3.
4.
5.
PAG-ALAM SA NATUTUHAN

Punan ang timeline ng pakikidigma ni Napoleon Bonaparte. Ilagay sa kahon


ang petsa at kaganapan na nakapaloob dito.
PANGHULING PAGSUSULIT:

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

PAGNINILAY

Ngayon naman ay bigyan mo ang sarili ng pagkakataon na makapag-isip at


makapagsulat ng isang OPEN LETTER para kay Napoleon Bonaparte.

Ms. AP8-QTR3-Wk7
Bondoc

You might also like