RUBRIK

You might also like

You are on page 1of 17

S MP G T

N H W
M NGG
M NNYP CQ
L P NG H N R NG
K L B W
Estratehiya: Tama o Mali with a twist in Filipino

Panuto: Tukuyin kung TAMA O MALI ang mga pahayag na may kaugnayan sa nakaraan aralin. Matapos
ito ay tukuyin ang pang- uri na ginamit sa pahayag.

1. Isinasaad sa kaisipang “Social Darwinism” na mabigat ang tungkulin ng mga Europeo na gawing
sibilisado ang mga taga- Silangan kaya itinuring nila ang kanilang sarili nilang superior na lahi kaysa
sa mga Aprikano at Asyano.

2. Pina- agawan ang kontinente ng Africa dahil sa pakinabang na dulot ng kalakalan ng alipin na naging
bunga ng pagsiklab ng maliliit na digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europe.

3. Itinuring na Protektorado ang isang bansa kapag ito ay walang sariling pamamahala at tuwirang
pinamamahalaan ng malupit na dayuhang mananakop.

4. Sa 2nd Opium War, natalo ng France at Britain ang China kaya napilitan sila na magbukas ng 11
malalaking daungang pangkalakalan sa mga dayuhan noong 1860 dahil dito ay naging legal ang pag-
aangkat ng Opyo.

5. Ang Siam (Thailand ngayon) at Korea ay dalawa lamang sa mga bansa sa Asia na nasakop ng mga
bansang Kanluranin dahil payapa na isinuko nila ang ilan nilang teritoryo kapalit ng kalayaan nila.
NASYONALISMONG FRENCH
Matapos bumagsak ang imperyong itinatag ni Napoleon Bonaparte noong 1814, naganap ang tinaguriang
BOURBON RESTORATION, kung saan ibinalik sa angkan ni Louis XVI ang kapanagyarihan ng hari. Sa mga panahong
ito, ang pamahalaang French ay isang Constitutional Monarchy.

Nang nanungkulang hari si Charles X, ipinatupad niya ang July Ordinances, mga patakarang tumaliwas sa mga
karapatang ipinaglaban noong French Revolution. Kabilang sa mga patakarang ito ang pagbuwag sa Chamber of Deputies
at pagsuspinde ng Karapatan sa pamamahayag.

Bunsod nito ay sumiklab ang tinaguriang July Revolution. Sa loob ng tatlong araw ay nag- alsa ang mga Bourgeoisie
at manggagawang French laban sa monarkiya. Matapos mapatalsik ang haring Bourbon, iniluklok sa pagiging Citizen
King ang Duke Orleans na si Louis Philippe I. Ito ang nagwakas sa Bourbon Restoration at nagpasimula sa July Monarchy.

Malaking pagbabagong pampolitika ang naganap sa ilalim ng July Monarchy. Hindi lamang nito nilimitahan ang
kapangyarihang taglay ng hari, inilipat rin nito ang kapangyarihan ng monarkiya mula sa mga Maharlika tungo sa mga
Bourgeoisie

Nabalot ng korapsyon ang 18 taong pamumuno ni Haring Louis Philippe I kung kayabumagsak ang July
Monarchy. Itinatag ang ikalawang republika ng France sa pamumuno ni Louis Napoleon III at nanumbalik ang niya ang
imperyo. Iprinoklama niya ang kanyang sarili bilang Emperador.
NASYONALISMONG ITALIAN
Umunlad ang nasyonalismo sa pagnanais na pagbuklurin ang bansa. Ang kilusan para sa pagbubuklod ay
tinaguriang Risorgimento o “muling pagkabuhay” Pinangunahan nina Mazzini, Garibaldi at Cavour ang kilusang ito.

Matapos ang KOngreso sa Vienna, nahati ang Italy sa mga estado. Ang kaharian ng dalawang Sicily ay napasailalim
sa France; ang Lombardy at Venetia sa Austria; at ang Papal States sa ilalim ng kapangyarihan ng Papa sa Rome.

Naging panandalian lamang ang naitatag na republika at nabigo si Mazzini na palayain ang Italy mula sa mga
Austrian dahil sa kawalan ng suporta mula sa mga kaalyadong bansa.

Nakipagtulungan si Cavour kay Emperador Napoleon III ng France upang magapi ang mga Austrian. Subalit
nakipagkasunduan ang France sa Austria dahil ayaw nil ana mabuo at maging makapangyarihang bansa ang Italy.
Matapos ang digmaan ng Sardinia, nag- aklas ang Tuscany, Parma, Modena at Romagna laban sa pamahalaan ng France
dahil nais nilang mapasama sa kaharian ng Sardinia na pinayagan naman ng France kapalit ng pag- angkin nito sa Savoy
at Nice.

Pinamunuan ni Garibaldi ang rebolusyon ng Red Shirts Army laban sa dalawang kaharian ng Sicily at matagumpay
na napatalsik ang mga French. Napagbuklod ang Italy maliban sa Rome at Venetia sa ilalim ng Constitutional Monarch
sa Sardinia.
NASYONALISMONG GERMAN

Sa pagbagsak ng Holy Roman Empire sa kamay ng mga French noong 1806, napagbuklod ni Bonaparte ang 300
nagkawatak watak na estado ng Germany. Naging makapangyarihan ang Prussia sa Hilagang Germany at ang Austria sa
Timog. Nang lumaon ay nagdigmaan ang Prussia at Austria sa pag- aagawan sa kapangyarihan sa Germany.
Gamit ang diplomasya at pakikipagdigma nilayon ni Otto Von Bismarck na pahinain ang puwersa ng Austria upang
makapangyari ang Germany gamit ang hukbo ng Prussia. Isinakatuparan niya ito sa pamamagitan ng pagtangga; sa
Austria ng pagkakataong makipag- alyansa sa France, Italy at Russia.
Dahil malaking balakid si Emperador Napoleon III ng France, sumiklab ang Franco – Prussian War. Subalit nanalo
sila sa Franco- Prussian War. Sa tulong ng mga mamamayan, pinasinayaan na ang Ikalawang Reich ng Germany sa
palasyo ng Versailles at hinirang ng Papa na Ikalawang Reich ng Germany sa palasyo ng Versailles kung saan hinirang
siyang “Kaiser”
Sinubok ni Czar Alexander II na payapain ang nasyonalismong Russian sa pamamagitan ng pagpapalaya sa mga
magsasaka mula sa kanilang katapatan sa panginoong maylupa. Nilikha rin niya ang isang Asembleya.
NASYONALISMONG RUSSIAN
Itinaguyod ni Alexander III ang Russification kung saan sa ilalim ng patakarang ito ay inusig ang mga hindi Russian,
partikular na ang mga Hudyo; mga taong gumagamit ng wikang hindi Russian at mga taong may relihiyon pero hindi
Eastern Orthodox.
Pinatatag ang kapangyarihan ng Autocracy at pinanumbalik ang lumang kaayusan sa pamamagitan ng pagbawas sa
kapangyarihan ng mga Zemstvo at pagtanggal sa pagsensura sa pamamahayag.
Noong 1900, dumami ang mga Russian na nadismaya sa pamamahala ng autocracy. Nakadagdag pa sa
pagkadismaya nila ang pagkatalo ng hukbong Russian sa Japan nang tinangka nilang sakupin ang Manchuria.
Sa Bloody Sunday (1905) ay pinaulanan ng mga sundalong Russian ang mga manggagawang payapang nagwewelga
sa St. Petersburg. Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng matinding galit sa mga mamamayan ng Russia.
Gawain 1
Bumuo ng isang RAP SONG na ipipresenta sa klase sa loob ng hindi hihigit sa 2 minuto.
Pagkatapos ng ibinigay na oras sa pag- groupings ay ipapakita ito sa harap ng klase.
Bilisan ninyo ang paggawa dahil may nakalaan lang na oras para dito.
Gawain 2
Bumuo ng isang Spoken Work Poetry na ipipresenta sa klase sa loob ng hindi hihigit sa 2 minuto.
Pagkatapos ng ibinigay na oras sa pag- groupings ay ipapakita ito sa harap ng klase.
Bilisan ninyo ang paggawa dahil may nakalaan lang na oras para dito.
Gawain 3
Bumuo ng 5 Eksena ng Tableau na nagpapakita ng pangyayari sa Nasyonalismong Pranses
na ipipresenta sa klase sa loob ng hindi hihigit sa 2 minuto.
Pagkatapos ng ibinigay na oras sa pag- groupings ay ipapakita ito sa harap ng klase.
Bilisan ninyo ang paggawa dahil may nakalaan lang na oras para dito.
Gawain 4
Bumuo ng Napakaikling Dula particular ang Bloody Sunday
na nagpapakita ng pangyayari sa Nasyonalismong Russia
na ipipresenta sa klase sa loob ng hindi hihigit sa 2 minuto.
Pagkatapos ng ibinigay na oras sa pag- groupings ay ipapakita ito sa harap ng klase.
Bilisan ninyo ang paggawa dahil may nakalaan lang na oras para dito.
RUBRIC SA PAGMAMARKA NG GAWAIN

MARKA MARKA MARKA MARKA


PAMANTAYAN DESKRIPSYON
GRP 1 GRP 2 GRP 3 GRP 4

Nakatuon sa tema ang nilalaman ng gawain. Malalim at


NILALAMAN
malawak ang naging pagtalakay.

Organisado ang paglalahad ng kaisipan Wasto ang


KAUGNAYAN
transisyon ng mga pangungusap at talata.

PAGSUSURI Akma ang mga ginamit na salita, baybay at bantas.

You might also like