You are on page 1of 1

Buod (Saknong 206-241)

Sa pagsasalaysaly ni Florante, si Adolfo ay nagmamay-ari ng mahinhing asal, hindi


magagalitlapastanganin man, at nagpapakita ng pagapapakumbaba. Bagaman sa lahat ng ito, ayon kay
Florante, isasiyang napakamalihim na tao. Ang paglalarawang ito ay lubhang taliwas sa mga susunod na
paglalarawansa kanya, at sa buong pagkakakilanlan niya sa awit, isang bagay na higit nagbibigay-linaw sa
mgasusunod na kabanata.Hindi malapit sa isa’t isa sina Adolfo at Florante; ito ay batif nilang dalawa at
ng buong paaralan.Ayon kay Florante, hindi niya malasap ang kabutihang asal na ipinakikita ni Adolfo
nang kagay mula sakanyang mga magulang, at bukal na kabutihan. At dahil doon pilit silang nag-iiwasan
sa isa’t isa.Pagkatapos ng anim na taon ng pag-aaral ni Florante sa Atenas, nalagpasan ni Florante ang
gallingni Adolfo nang matapos niya ang kursong Pilosopiya, Astrolohiya at Matematika. Dito Nakita ng
lahat nahindi bukal ang kabutihan ni Adolfo, at siya ay nagbabalat-kayo lamang upang mapuri.

Nagkaroon ng dula-dulaan sina Florante sa paaralan. Siya ay gumanap na Etyokles, si Adolfo bilang


Polinice at si Menandro naman ay gumanap bilang Yokasta. Nang sila ay nagsasadula na, biglanglumabas
ang totoong ugali ni Menandro; ang kaniyang pagiging mainggitin dahil naagaw ni Florante angkaniyang
katanyagan. Sa dula-dulaan ay nagging totoohanan ang mga bigkas ni Adolfo. Hindi niyasinunod ang
iskrip bagkus ay isinigaw niyang inagaw ni Florante ang kayang katanyagan. Tinotoo niAdolfo ang
pananaga o pagsaksak kay Florante. Mabuti na lamang at nakaiwas ito at natulungan niMenandro. Dahil
sa nangyari ay napauwi si Adolfo sa Albanya.Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay isang taon pang
namalagi sa Atenas si Florante. Naghihintaysiya sa susunod na utas nang kaniyang ama. Tuwang-tuwa si
Florante dahil sa wakas ay nakatanggap siyang sulat mula sa kaniyang ama, subalit ito ay agad napalitan
ng paghihinagpis at luha dahil sinabi saliham na namatay ang kaniyang inang si Prinsesa Floresca. Sa
spbrang sakit ng balita ay nahimatay siFlorante. Nang mahimasmasan ay patuloy parin ang kaniyang
pagluha at tila nawawala sa kanyang sarili.

Maski ang pagdamay sa kanya ng gurong si Antenor ay walang naitulong. Sinasabi ni Florante naang
pagkamatay ng kaniyang ina ay ang pinakauna’y pinakamasakit na nangyari sa kaniyang buhay.

You might also like