You are on page 1of 3

Paksa :“Alin ang Lalong Nagpapatino sa mga Anak: Pamalo o Pangaral?

Nina F. Monleon, Emilio Mar Antonio, at Teo S. Baylen

Lakandiwa: _____________

Mambabalagtas: ___________________ para sa panig ng pangaral

Teo S. Baylen: ___________________para sa panig ng Pamalo.

Lakandiwa (Pagbubukas):

Itatanghal naming dito’y isang tanging balagtasan na ang paksa ay nauukol sa usaping

pantahanan; ito’y laging suliranin ng makupkop na magulang na ang nasa’y patinuin bawa’t

supling nilang hirang; sa paghubog sa ugali nitong anak na tangkakal—alin ang dapat

gamitin:PAMALO ba o PANGARAL?

Akin ngayong tatawaga’y mga tanyag na makata na taimtim ang pag-ibig sa sarili nating

wika

At kung sila’y narito na at handa nang manalasa,hinihintay ko na ngayong manawagan

silang kusa; samantala, ako ito bilang lakandiwa ay marangal na labanan ang tangi kong

ninanasa.

Pamalo (Panawagan):

Marangal na Lakandiwa’t mga mahal kong kalahi, ako po’y si __________ nagbibigay-

pasintabi; sa binuksan dito ngayong isang paksang tanging-tangi ,iyang panig ng pamalo ay

siya kong pinipili; mahal ko man anak ko (ito’y walang pasubali) ay hindi ko papayagang

maging liko ang ugali; kaya’t ako’y naririto na ang bao’y hunusdili , sa tanghala’y papanhi-

hikin sakali po’t maaari......

Lakandiwa:

Ang makatang taga-Siena ,yamang ngayo’y nanawagan, bilang unang pagunita dito’y aking

papayuhan.........kung ang baon mong tula at hinaho’y konti lamang, umurong na pagka’t

ito ay labanang-kahiyaan; datapuwa’t kung handa kang makihamok nang lutlutan, pumanhik ka’t

ipagtanggol ang panig mong pinanigan.

Pangaral (Panawagan): Maginoong Lakandiwa’t(Lakandula’t) nalilimping karamihan ang inyong lingkod,


____________ bumabati’t nagpupugay sainyo’t manonood; yamang diya’t may makatang aking
namuhatan, na ang dala ay pamalo sa bunsong may kasalanan, ako sana’y papanhiki’t ang dala koy aklat
lamang upang iayos ang anak sa matapat na pangaral; higit itong makatao’t ito’y handang patunayan
sukdang dito’y magkahalo ang balat sa tinalupan.

Lakandiwa:

Sa sumambot kapagkuwan ng Makatang Bulaklak/Paro-paro. Sasabihin ay gayari at ito ma’y

pagpapayo; sino ka mang nanawagan, buhat ka man sa palasyo,ang tuntuning isadiwa’y

malinisang pagtatalo; di anupa’t magtuloy ka at ilahad ngayon dito ang kahigtan ng pangaral

na tinurang makatao.

Pamalo:

Ngunit ang isip ng bata’y parang itatayong bahay na ang tablang ihihiyas ay marapat na

pakuan; paano maikakabit ang maganda mong pangaral kung hindi mo ihahagkis ang

pamalong iyong tangan?

Pangaral:

Sa panahong ito ngayong malawak ang karunungan, kapag bahay na kongkreto’y

walang pakong kailangan iyang bato at buhangin ng magandang mga aral ay yayari ng gusali

ng matino mang isipan.

Pamalo:

Ang mahubog sa pamalo’y gumigiting na lalaki at sa baya’y magagamit na panulok

na Haligi....

Pangaral:

Di lalo na iyang bunsong sa pangaral kinandili, natatampok na talino’t limilitaw na

bayani.......

Pamalo:

Datapuwat alam mo ba, katoto ko’t kabalagtas, ang lumaki sa pangaral , karaniwa’y

mga tamad....!

Pangaral:

Di lalo na iyang batang pinalaki mo sa hampas, karaniwan ay tulala, torpe, hangal, ubig,

tunggak....
Lakandiwa (Pagtatapos)

Hayo’y ngayo’y magtigil na ang dalawang nagtatagis sa wari ko, kayo kapuwa’y tumpak naman bawa’t
hagkis; ang pamalo at pangaral ayon sa inyo ring banggit, kung

tayahi’y magkatimbang sa dinagling mga matuwid; merong batang sa pangaral ay agad nang

nakikinig , may daliwsil namang bunsong kailangan ay hagupit; kaya’t kayo ngayo’y patas:

walang nanalo’t walang gahis at ang tunay na nanalo’y sintang bayang nakikinig!

Muli, Maraming salamat sainyong pakikinig ako muli’y si ______________ ang sinta niyong
lakandiwa/Lakandula. Kami ay magpupugay sainyong sumubaybay sa tagisan ng talino nang mga
makatang tunay.

You might also like