You are on page 1of 9

“Ang Guryon”

ni Ildefonso Santos

Pagtukoy sa Kaisipan ng Tula


Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.

MGA TANONG: Sagutin ang mga tanong.


1. Sino ang nagsasalita sa tula? _______
2. Sino ang kanyang kinakausap? ________
3. Ano ang kanyang ibinibigay sa anak?
4. Bakit ito kaya ang ibinigay niya sa kanyang anak?
____________________________________________
Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo’t paulo’y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.

5-6. Ano ang hinihiling ng ama sa kanyang anak?


Bakit kaya? _______________________________

7. Kung ikukumpara sa buhay, ano ang nais sabihin ng


ama sa anak? _________________________________
Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas
at sa papawiri’y bayaang lumipad;
datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.
8-9. Ano na ang bilin ng ama sa kanyang anak?
Bakit kaya? ______________________________

10. Sa buhay ng tao, kailan natin sinasabing kailangan


habaan ang pisi, baka malagot, hanging malakas?
_________________________________________
Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali’t tandaan
na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

11. Bakit kaya dinadagit ng malaking guryon ang


maliit na guryon? _____________________
12. Anong klase ng guryon ang karaniwang
nagwawagi sa labanan? __________________
13-14. Sa buhay, ano raw klase ang tao ang
nagwawagi? Sumasang-ayon ka ba rito? Bakit?
_____________________________________________
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,
matangay ng iba o kaya’y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!
15-16. Anong damdamin kaya ng ama ang nangingibabaw
sa bahaging ito ng ama? Bakit kaya?
_______________________________________________________
17. Ano ang tanging hiling ng ama kung ganoon man ang
mangyari sa kanyang anak?
__________________________________________________________
18. Sino o ano kaya ang tinutukoy nitong maawaing
kamay? _____________________________________
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti’t dumagit, saanman sumuot…
O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!
19. Paano ikinumpara ang guryon sa buhay ng isang
tao? _________________________________________________

20. Bakit kaya sinabing tulad ng guryon, ang buhay ng


tao ay marupok, malikot? ____________________

21. Ano ang ibig sabihin ng ama sa dalawang huling


saknong? ____________________________________________
Ikalawang Sesyon

Ano ang kaisipan o mensahe ng tulang “Ang Guryon”?


Talakayin sa pangkat at maghanda sa presentasyon bilang
sagot ng pangkat.

Pagpapahalaga:
Kung sinasabing ang buhay ay tulad ng
guryon na marupok, malikot, anu-anong
magagandang katangian ang dapat taglayin
ng isang tao? Magbigay ng 5 at ipaliwanag.
PAGLALAGOM:
Sa kabuuan, ano ang kaisipang sinasabi ng tula?

Buuin ang pahayag: “Tulad ng guryon ang tao ay


_______________ kaya ________________.

You might also like