You are on page 1of 3

Financial Literacy (The Santos Family)

Characters:
Nanay: Margie Casco
Tatay: Christopher A. Santos
Anak: Janna Mae Buhay
Lea Amurao
Kaibigan: Angel Ellaine Cuntapay
Tindera: Mary Joy Pante
Tindero: Mark L. De Guzman
Scenes: Bahay, School, Tindahan

Narrator: Ang ating matutunghayan ngayon ay ang storya sa kung papaano pagkakasyahin ng pamilyang santos
ang pera nila. Umpisahan natin sa kanilang bahay. Habang ang padre de pamilya ay nag tratrabaho samantalang
ang ina ay naghahanda ng pananghalian ng buong pamilya.

Setting: Bahay (Tanghali)


*Nagtratrabaho ang tatay at Pag Katapos magtrabaho*
Christopher: Haist! Ang hirap naman magtrabaho. *Magpupunas ng pawis*
*Uuwi na ng bahay*
(Meanwhile) *Naghahanda ng pananghalian si Margie at dadating si Christopher galing sa trabaho*
*Bubuksan ang Pinto*
Margie: Ohh! Mahal, Nakauwi ka na pala!
Christopher: Oo Mahal! (masaya), Asan nga pala ang mga bata parang hindi ko sila napansin pagpasok ko ng
bahay.
Margie: ahh! Nasa kapitbahay nakikipaglaro! Nga pala halika na at tayo’y kakain na.
*tatawagin ang mga bata*
Margie: mga anak halika na kayo at tayo ay kakain na.
(Pumasok sina janna at Leyah sa bahay at nagmano kay Christopher).

Narrator: kinagabihan ay ito ang sumunod na pangyayari


Setting: Bahay (Gabi)
Christopher: Mahal, Ito nga pala yung sahod ko ngayong buwan (inabot ang pera). Pasensya na kung medyo
kulang.
Margie: Ayos lang yan Mahal, Ano ka ba! Ako na ang bahala pagkakasyahin ko na lang para sa allowance ng
anak natin at pang bili ng mga kulang sa bahay.
Christopher: Siya at tayo’y matulog na at may pasok pa ako at ang mga bata bukas.

Narrator: habang nag iisip sa kung paano pagkakasyahi ni Margie ang sweldo ni Christopher ay ito ang
sumunod na nangyari.

*kinabukasan*
Margie: ohh mga anak! Gising na, maaga pa ang pasok niyong dalawa.
Janna at Leyah: Opo Nay!
*natapos na gumayak at papasok na ng school*
Janna: Nay! Yung Baon po pala namin ni leyah.
Margie: Ohh ito yung baon niyo ngayon! Pagpasenyahan niyo na at medyo kulang, Na short kasi ang tatay niyo
ngayon.
Janna at Leyah: Ahh sige po Nay! Mauna na po kami. Maraming Salamat po!
Margie: Sige mga anak at ako din ay pupunta pa ng palengke para mamiling kulang sa bahay.

Narrator: Pagkapos ibigay ang baon ng mga anak ni Margie ay siya naming pagpunta nito sa palengke.

Setting: Palengke
Margie: ano ba naman yan mukhang kulang na kulang ang dala kong pera ngayon. Ay! Siya.
Nagtitinda (Mary Joy or Mark): Bili na po kayo, Mura lang po! (Nakita si Margie). Ahh ma’am, bili ka na po ng
mga tinda kong gulay mura lang po.
Margie: Magkano naman po ang isa nito ale! (sabay turo sa mga paninda)
Nagtitinda: Ahh ito po (turo sa paninda) (sabhihin yung presyo).
Margie: Ang mahal nga naman ng mga gulay ngayon parang ginto ang presyo.
Nagtitinda: opo ma’am ehh! Dahil po sa pagtaas ng dollar kontra sa piso at dahil na rin po sa mga nagdaang
kalamidad.
Margie: ahh sige ale! Ito pagbilhan mo ako nito, at ito tig kalahating kilo lang po, kulang kasi ang pera ko
ngayon (sabay turo sa mga bibilhin)
Nagtitinda: Ahh sige po, ayos lang yan lahat naman tayo ay nag titipid ngayon.

Narrator: Samantala sa paaralan naman nina janna at lea ay ito ang mga sumunod na pangyayari.
Setting: School (classroom)
*nagtuturo muna*
*Nagsusulat si janna at lea*

Settings: School (Lunch Break)


Angel: mga bes, tara kumain! Tanghalian na
Leyah: ahh sige susunod na kami.
Angel: ohh sige, doon muna ako sa labas at may kakausapin lang ako.
Janna: Tara na lea, kain na tayo gutom na din ako
*pumunta na sina janna at lea sa labas*
Lea: Angel, Tara na! gutom na din kami ni kambal ko.
*naglakad na sila papunta sa canteen or karinderya*

Setting: School (karinderya)


Nagtitinda: ohh mga anak! Anong bibilhin niyo meron tayong ganito, ganyan at iba pa. pili lang kayo!
Magkakaibigan: (magtatanong kung magkano ang ulam)
Nagtitinda: ito tig (sasabihin yung presyo)
Angel: ito po sa akin! Isang ganito (turo sa ulam) at isang kanin
Janna: ito po sa akin (sabay turo sa ulam) kalahati lang po. Huwag na po sa kanin may baon na po kasi ako.
Lea: ako din po ate ulam na lang din po (sabay turo sa gulay).
Nagtitinda: Ohh sige! Mga bata nga naman sobra sa pagtitipid. Sige maupo na kayo riyan, pakihintay na lang
itong pagkain niyo

Next scene: Mag uusap sina janna, lea, at angel


Angel: (Magtatanong) Ilan ba ang baon niyo ngayong araw? (tingin sa dalawa)
Janna at Lea: ahh ano (sasabihin kung ilan ang baon)
Angel: ahh kaya naman pala kulang na kulang ang baon niyo. Ni hindi na kayo nag meryenda kanina.
Janna: ahh oo, maliit lang kasi ang sweldo ni tatay ngyong buwan sabi ni nanay

Narrator: at dito nag tatapos ang kwento ng pamilyang santos sa kung paano nila pinagkasya ang kanilang pera.
Nawa’y inyong nawari na ang pera ay mahalaga sa pang-araw-arawmating pamumuhay at ating pakakatandaan
na ang bawat sentimong ating mahahawakan ay may kaukolang importansiya. Muli kami ang pangatlong
pangkat.
End of the story.

You might also like