You are on page 1of 2

Tristan Allan T.

Ong Stem 11- Pascal

Ang Larawan sa Pitaka


Ni Victor P. Barcibal

Isang araw may isang lalaki nagngangalan Mang Pedring tanghaling tapat nang siya ay nasa loob
ng bus papuntang San Jose, Nueva Ecija dahil magtatapos na ang kanyang anak na nagngangalan
Jonell. Nang siya ay nakababa ng bus nakaramdam siya ng gutom at nakita nya ang isang
karinderia na ang pangalan ay Cristy Eatery. Siya ay kumain ng pansit kanin na binahugan ng
dinuguan, nang mayare siya kumain siya ay nag sindi ng sigarilyo habang nagpapababa ng
kinain. Nang siya ay naglalakad Nawala sa isip niya na hanggang ikaapat ng hapon lang ang
huling byahe. Naisipan niya na mag arkila nalang ng traysikel. Siya ay nagpunta sa toda at nag
tanong kung magkano ang pamasahe papuntang Rizal, “Isandaan at walumpung piso” mabilisan
sagot ng drayber siya ay sumakay upang makauwi na siya. Sila ay dumaan sa masikip na daan.
Nang siya ay nakauwi nag abot agad ito ng bayad sa drayber at agad naman umalis ang drayber
at Nakita ni Pedring na huminto ang drayber sa tapat ng street light at inilagay ang pera sa itim
na pitaka. Kumatok ito at mabilisan lumabas ang kanyang anak na si Jonell at siya ay sinalubong
at nagmano. Masayang masaya si Jonell dahil dumating na ang kanyang ama. Lumabas ang
kanyang asawa na nagngangalan Amy at pinapasok na silang dalawa upang kumain. Nang sila ay
kumakain pinaalam ni Jonell na pupunta ang kanyang matalik na kaibigan bukas upang doon
matulog at mabilisan pumayag ang kanyang ama. Nang matapos sila kumain nag ayos si Pedring
ng kanyang mga damit at hinawakan niya ang kanyang pantalon at hinahanap at kanyang pitaka,
naalala niya ang traysikel drayber na nasakyan niya na may tinago itong pitaka kaya naman
mabilisan ito bumalik sa San Jose dahil nandon ang pera panghahanda nila sa pagtatapos ng
kanyang anak. Hinanap niya ang traysikel drayber na nasakyan. Nang makarating siya sa lugar
kung saan siya sumakay Nakita nya ang traysikel drayber na tumatawa at biglang napaisip si I
Pedring na ang drayber na yon ang kumuha ng pitaka niya kaya naman siya ay lumapit at
sumakay. Papunta na sila rizal ng tinanong ni pedring kung ano pangalan ng drayber “Andoy po
sir” sagot ng drayber. Sa mukha ni Andoy siya ay masaya dahil pag naihatid nya si pedring ay
magkakaroon na siya ng apat na daang piso. Nagulat siya sa biglaang pagpara ni Pedring dahil
dapat sa Rizal niya ito ihahatid kaso sila ay nasa San Juan palang. Biglang naramdaman ni andoy
na may nakatutok sa tagiliran niya na matigas na tila isang bagal na bilog ang dulo ng dahilan ng
kanyang pagkakaba. Biglang pinatay ni Pedring ang traysikel at kinuha ang kanyang susi sabay
Tristan Allan T. Ong Stem 11- Pascal

labas habang nakatutok ang iskwalang naka balot ng panyo. Madaling hinanap ni Pedring ang
kanyang pitaka kay Andoy, tinatanggi ni andoy nawala siya kinukuha pitaka. Biglang lumapit si
Pedring atdinukot ang itim na pitaka sa bulsa ni Andoy ay sinasabi ni Andoy na sakanya ito at
biglang hinataw ni Pedring sa batok si Antoy dahil hindi nya mapigilan ang galit na
nararamdaman nya sa pagkuha ng pitaka nito. Nang makauwi ni Pedring agad itong nagpalit ng
damit at natulog. Kinabukasan maaga bumangon si amy upang mag handa ng ipagdiriwang nila.
Nang sila ay nakarating sa paaralan marami pulis ang nakabantay ng nagsimula ang programa
lahat ng magaaral ay natawag na at pinang huli si Brandelito Gaston biglang umiyak ang mga
mag aaral at guro at tumulo na rin ang luha ni Jonell. Nang matapos ang programa agad pumunta
sila Jonell sa bahay ng matalik nya kaibigan. Namumuo ito ng mga putting ilaw at may mga
upuan at lamesa sa labas biglang umiyak si Jonell ng makita niya na ang matalik niyang kaibigan
ay patay na. Nang nasa labas si Pedring nakita ang traysikel na nasakyan niya bigla iong napaisip
na baka ang napatay niya ay ang matalik na kaibigan ng kanyang anak. Agad nito binunot ang
pitaka upang mag bigay ng abuloy at nakita niya ang litrato kasama ang kanyang anak, isang
tsapa laruan na may pangalan Brandelito Gastos agad nito nabitawan ang pitaka dahil ang tao
hinataw niya ay ang matalik na kaibigan ng kanyang anak.

You might also like