Ang akademikong pagsulat ay palaging isang anyo ng
pagsusuri na humihiling sa iyo na magpakita ng kaalaman at magpakita ng kahusayan sa ilang mga kasanayan sa pagdidisiplina sa pag-iisip, pagbibigay-kahulugan, at pagtatanghal. Ang pagsulat ng papel ay hindi “lamang” ang bahagi ng pagsulat nito. ang lahat ng ito ay ayon kay (Irvine L,.2010). Ito ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang.Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal (Arrogante et al,.2007) Ang akademikong pagsulat ay kinabibilangan ng pagpapahayag ng iyong mga ideya, ngunit ang mga ideyang iyon ay kailangang iharap bilang tugon sa ibang tao o grupo; at kailangan din nilang ipaliwanag nang mabuti, suportado nang mabuti, lohikal na pagkakasunud-sunod, mahigpit na pangangatwiran, at mahigpit na pinagsasama-sama. (Zhihui Fang) Sa kabuuan ang akademikong sulatin ay isang uri ng pagsulat na kung saan ito ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon, ito ay ginagamit upang maibahagi nila ang kanilang mga nalalaman sa ibang tao. Ito ay nakabatay sa personal na buhay o di kaya pang – akademiks at intelektwal ng pangunahing tauhan. Sa pamamagitan ng akademikong sulatin malalaman natin ang kwento ng bawat tao.