You are on page 1of 4

Kidlat Tahimik: “Kayamanan ng Lungsod ng Baguio”

ni Maria Magdalena C. Balao

Sino nga ba si Kidlat Tahimik? Ang kaniyang tunay na pangalan ay Eric


Oteyza de Guia. Siya ay ipinanganak noong Oktubre 3, 1942 sa Lungsod ng
Baguio. 4 Ang kaniyang ina na si Virginia de Guia ay dating mayor ng Lungsod
ng Baguio pagkatapos ng digmaan. Si Katrina de Guia naman ang kaniyang
asawa at sila ay nabiyayaan ng tatlong anak na lalaki na sina Kidlat de Guia,
Kabunyan de Guia at Kawayan de Guia. Lahat sila ay nahihilig sa sining. Si Kidlat
Tahimik o Eric de Guia ay nag-aral ng elementarya sa Maryknoll Convent
School noong 1947-1954, sekondarya sa St. Louis University Boy’s High School
noong 1954-1958 at kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman noong 1958-
1963, masteral degree sa University of Pennsylvania’s Wharton School of
Business.
Bakit siya kinikilala sa larangan ng sining? Isa siyang film director,
manunulat at aktor. Isa siya sa mga pundasyon ng “Philippine Independent
Cinema”, at dahil dito ay kinilala siya bilang “National artist of the Philippines”
noong 2018. Tinagurian din siya ng kaniyang kapwa filmmakers at pangkat ng
mga kritiko na “Father of Independent Cinema” dahil na rin sa kahusayan nito
sa paglikha ng mga Indi Film na hindi lamang kinikilala dito sa Pilipinas kundi
maging sa ibang bansa. Ang kadalasang naging tema ng kaniyang mga likha ay
tungkol sa neokolonialismo dahil na rin sa mga naging karanasan at natuklasan.

Ano-ano ang kaniyang naiambag sa larangan ng sining? Ilan sa kaniyang


naiambag ay ang paglikha niya ng pinakauna niyang pelikula na “Perfumed
Nightmare (1977) na nagkamit ng tatlong karangalan sa Berlin Film Festival,”
“Memories of Overdevelopment (1980),” “Who Invented the Yoyo? (1981),”
“Turumba (1983),” “Why is Yellow the Middle of the Rainbow? (1983-1994),”
at marami pang iba. Ang pinakahuli niyang likha ay ang “Balikbayan #1 (2015)”
na nanalo ng Caligari Prize sa Berlin Film Festival.

Ang pinakapambihirang naging desisyon ni Kidlat ay ang pag-uwi at


manirahan sa kaniyang pinagmulang bayan, sa Lungsod ng Baguio, kasama ng
buo niyang pamilya sa kabila ng mga tinatamasang tagumpay sa Europa at
Amerika. At dito rin niya ipinagpatuloy ang pagpapayabong ng kaniyang
talento sa larangan ng sining, kultura at sa iba pang mga larangan. Sa ngayon,
maaari natin siyang makita sa kaniyang galerya sa La Azotea Building, Session
Road kapag wala siyang ibang pinagkakaabalahan. Tunay ngang maituturing na
kayamanan at karangalan ng Lungsod ng Baguio si Ginoong Kidlat Tahimik.

Isulat sa patlang ang kasagutan sa bawat tanong.

1. Ano ang tunay na pangalan ni Kidlat Tahimik?


______________________________________________________________

2. Kailan siya ipinanganak?


______________________________________________________________

3. Ano ang iginawad sa kanya noong 2018?


______________________________________________________________

4. Bakit siya kinikilala dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa?


______________________________________________________________

5. Ano ang pinakauna niyang Palikula?


___________________________________________________________

Ang TALATA ay lipon ng mga pangungusap na paunlad na bumuo at magpahayag ng isang kaisipan.
Ang TALATANG NAGSASALAYSAY ay isang uri nito na nagpapahayag ng mga magkakaugnay na
pangyayaring maaring totoo o bungang isip lamang. Ito ay naglalayong magkwento ng naranasan,
nabasa, nasaksihan, narinig o napanood. Ang bawat pangungusap ay kailangang magkakaugnay
tungkol sa pangunahing kaisipan o paksa ng talata.

• Ang bawat pangungusap ay kailangang magkakaugnay tungkol sa pangunahing kaisipan o paksa ng


talata

• Malimit ang nasa unahan o hulihan ang paksang pangungusap ng diwa ng talata
• Dapat na may pasok o indensyon sa pasimula ng talata. Ang pasok o indensyon ay isang pulgada
mula sa palugit (margin) kung sulat kamay. 6

• Dapat ring alalahanin ang nilalaman ng mga bahagi ng talata. Ang panimulang pangungusap ay
nagpapahiwatig ng nilalaman ng talata, ang gitnang pangungusap ay magkakaugnay na sumusunod
sa panimulang pangungusap at ang pangwakas na pangungusap ay nagbibigay ng huling detalye,
buod ng talata o maaring nagbibigay ng palagay o opinyon sa paksa ng talata.

Republic of the Philippines


Department of Education
Cordillera Administrative Region
Schools Division of Baguio City
DISTRICT I
RIZAL ELEMENTARY SCHOOL

SPG OFFICERS SY 2022-2023 OFFICIAL RESULT

POSITION NAME
PRESIDENT CHELLYANA JANIELLE L. CALOS
VICE PRESIDENT LARA KEITH T. CAMHIT
SECRETARY KESHA JANELLE C. GASPAR
TREASURE ETHAN JAMES S. SORIANO
AUDITOR XYNRICH JULIAN C. BAYAWA
PIO NATHALY C. CAWI
BUSINESS MANAGER SOPHIE AGBUNAG
XYLER I. DULAY
CHLOES VOZEAH GALLARDO
PEACE OFFICER CASSANDRA NICOLE M.
MORADOS
GRADE 3 REPRESENTATIVE PERSEUES ADDA
GRADE 4 REPRESENTATIVE CHARLES BALLECER
GRADE 5 REPRESENTATIVE ASHLEY D. MALAG
GRADE 6 REPRESENTATIVE MHYKAEL AGNESZKA
TOMANAN

Prepared:
BIMBO Q. CUYANGOAN
SPG COMELEC Chairman

Checked:
JOCELYN B. RABORAR
SPG Coordinator

Noted:
JOSEPH A. ESTIGOY
Principal III

You might also like