You are on page 1of 8

De Guzman, Sebastian Ahlem T.

BSEDFL 1-1

1. Lumikha ng isang dayagram na nagpapakita ng labintatlong klasipikasyon ng mga


wika sa daigdig sang-ayon kay Henry Gleason.

Bilog ang mundo at maraming mga bagay na dapat nating malaman, maraming
mga kaalaman ang nararapat nating matutuhan at higit sa lahat ay maraming konsepto
at ideya partikular sa wika ang dapat nating maunawaan. Sa dayagram sa ibaba,
mapapansin natin ang labintatlong klasipikasyon ng wika ayon kay Henry Gleason at
ating tuklasin ang kamangha-manghang mga klasipikasyon na ito. Atin ding matutuklasan
ang pinagmulan ng wika sa Pilipinas batay sa mga klasipikasyon na naitala sa dayagram.
2. Ipaliwanag kung saan nagmula ang mga wika sa Pilipinas batay sa klasipikasyon
ni Henry Gleason.

Ang mga wika sa Pilipinas ay isang bantayog ng pagkakaroon ng isang matiwasay


na komunikasyon upang makabuo ng makabuluhang pagkakaintindihan ang bawat
pangkat ng tao sa Pilipinas. Marahil alam na natin na buhay at mayabong ang iba’t ibang
wika sa pilipinas, bibigyan nating linaw kung saan ito nagmula. Ang iba’t ibang wika sa
Pilipinas ay nagmula sa Malayo-Polynesian at ito ay ang sumunod sa Indo-European sa
pinakamalaking angkan ng pinagmulan ng wika, partikular na nagmula ang mga wika sa
Pilipinas sa hanay ng Indonesian. Ang mga wika tulad ng Tagalog, Bisaya, Ilocano,
Pampango, Bicol at iba pa nagmula a hanay ng Indonesian na kabilang sa Malayo-
Polynesian.

Sa kabilang dako, may pagkakaroon ng relasyon ang mga wika sa Pilipinas


sapagkat ito at nagmua sa iisang hanay ng pangkat at ’yun ang Malayo-Polynesian. Ang
mga wikang kabilang sa Malayo-Polynesian ay mga wika na nagmula sa mga pulo ng
Timog-silangan ng Asya hanggang sa mga pulo sa kontinente ng Australia.

Nang simulan ng Malay at Indonesian ang proseso ng kanilang kalakalan sa iba’t


ibang mga pulo, nadala rin nila ang kanilang mga bagong salita sa Pilipinas – pati yaong
mga salitang natutuhan nila sa iba pang mas malalayong bansa na siyang nagbigay
impluwensya sa kanila tulad na lamang ng bansang India.

Mula noon hanggang ngayon, ang mga Pilipino, tulad ng lahat ng lahi sa daigdig,
ay nanghihiram ng mga salita mula sa maraming dayuhang lahi. Masasabi nating patuloy
na nagbabago ang mga wika sa mundo dahil lahat tayo ay patuloy sa panghihiram at
paggamit ng mga bagong salita sa ating pangungusap, tayo ay nakikibagay ayon sa
panahong ating kinabibilangan dahil ang wika ay nagbabago sa paglipas ng panahon at
pinagtitibay ng pagkakataon ayon sa paraan ng pagtangkilik at paggamit ng mga tao.
Bagama’t may mga wikang dayuhan na nagkakaroon ng impluwensya sa paglago
ng mga wikang Filipino, ang Pilipinas ay may sariling mga bantayog na wika bago pa man
ito napuntahan ng mga dayuhan. Muli, ang pinagmulan ng iba’t ibang wika sa Pilipinas
ayon sa klasipikasyon ni Henry Gleason ay ang angkan ng Malayo-Polynesian at ito ay
isang mayabong at maunlad na angkan na kung saan pinagtitibay ito sa bawat paglipas
ng panahon.

3. Gumawa ng malinaw na dayagram sa pagpapangkat-pangkat ng mga wika sa


Pilipinas ayon kina David, Thomas, at Alan Healey.

Sa kabila ng pagkakaroon ng kakulangan sa pagkakaroon ng kaalaman sa kung


paano ang pagpapangkat-pangkat ng mga wika sa Pilipinas, makikita sa ibaba ang
kamangha-manghang dayagram na makatutulong sa pagkakaroon ng makabuluhang
kaalaman at pagkatuto patungkol sa pagpapangkat-pangkat ng wika sa Pilipinas at
binibigyang linaw ng dayagram sa ibaba ang iba’t ibang pangkat na pinagmulan ng mga
wika sa Pilipinas na ayon kina David, Thomas at Healey.

You might also like