You are on page 1of 17

Filipino 7

Filipino – Ikapitong Baitang


Unang Markahan – Modyul 2: Ang Pagbabagong-anyo ni Palunsai
(Kuwentong-bayan ng Mindanao)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Maricel S. Tiangson
Editor: Roselle U. Rosario
Tagasuri: Pedro B. Cenera
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

Filipino 7
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Ang Pagbabagong-anyo ni Palunsai
(Kuwentong-bayan ng Mindanao)
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 ng Modyul 2 para sa
araling Ang Pagbabagong-anyo ni Palunsai (Kuwentong-bayan ng Mindanao)!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 Modyul 2 ukol sa Ang Pagbabagong-


anyo ni Palunsai (Kuwentong-bayan ng Mindanao) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Nasa pangalawang yugto ka na ng pag-aaral ng kuwentong-bayan. Mas
palalawakin at pagyayamanin ng yugtong ito ng aralin ang iyong
kaalaman at kakayahan, hindi lamang sa pagsusuri ng kuwentong-bayan
kundi pati sa pag-uugnay ng kanilang tradisyon at kaugalian sa iba pang
lugar.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Nakahihinuha ng kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapin ng mga
tauhan.

MGA INAASAHANG LAYUNIN


1. Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng salita ayon sa
gamit sa pangungusap.
2. Nasusuri gamit ang grapikong organayser ang ugnayan ng tradisyon at akdang
pampanitikan batay sa nabasang kuwentong-bayan.
3. Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar
ng bansa.

PAUNANG PAGSUBOK

Sa bahaging ito tutuklasin kung gaano kalawak ang iyong kaalaman


at pag-unawa sa araling ito.
Panuto: Piliin ang tamang sagot ng bawat bilang. Titik lamang ang isulat
sa sagutang papel.
____ 1. Ipinagdiwang kaagad ang pag-iisang dibdib nina Palunsai at ng bunsong
prinsesa. Ano ang kasingkahulugan ng salitang pag-iisang dibdib?
A. Pag-aayuno B. Pagbibinyag C. Pagpapakasal D. Pagtitipon
____ 2. Buong araw na nanalangin si Palunsai at umaasang papatnubayan siya ng
Poong Maykapal. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
A. Gagabayan B. Nananaghili C. Pakikitunguhan D. Panunumbalik
____ 3. Ano naman ang salitang kasalungat ng sinalungguhitang salita sa bilang
2?
A. Gagabayan B. Nananaghili C. Pababayaan D. Panunumbalik
____ 4. Walang sawang nagsusumamo si Palunsai kay Allah upang siya’y
magbagong-anyo. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
A. Nagbabago B. Nagmamakaawa C. Naghahanap D. Nagpapatunay
____ 5. Maayos at pantay ang pakikitungo ni Dipatuan sa kanyang nasasakupan.
Ano ang katangiang taglay ni Dipatuan sa sitwasyong ito?
A. Diplomatiko B. Mabait C. Masayahin D. Palakaibigan
____ 6. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa ipinakitang kaugalian sa
pagpapakasal o pag-aasawa ng mga taga-Mindanao sa binasang
kuwentong-
bayan?
A. Pag-aasawa ng mga kalalakihan nang higit sa isa
B. Paghingi ng pahintulot ng binata sa magulang ng dalaga
C. Pagtupad ng binata sa kundisyon ng mga magulang ng dalaga
D. Pamumuno ng datu sa pagdiriwang ng kasal
____ 7. Hindi marunong lumangoy si Palunsai kaya nilimas na lamang niya ang
tubig
sa karagatan gamit ang mga bao. Ano ang ipinakitang katangian ni
Palunsai
sa sitwasyong ito?
A. Malakas B. Masunurin C. Matapang D. Matiisin
____ 8. Anong kultura sa Muslim ang pagpapaalam ng isang lalaki sa magulang ng
dalagang nais pakasalan?
A. Katangian B. Kaugalian C. Paniniwala D. Tradisyon
____ 9. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga pagpapatunay ng totoong
pagmamahal ng bunsong prinsesa kay Palunsai?
A. Ipinagtanggol niya si Palunsai sa kanyang amang si Dipatuan.
B. Minahal niya si Palunsai kahit hindi ito kakisigan.
C. Pinag-aralan niyang mahalin si Palunsai.
D.Tinanggap niya si Palunsai kahit hindi kabilang sa maharlikang pamilya.
____10. Anong sitwasyon sa akda ang magpapatunay sa kaugaliang pagpapagawa
ng mga bagay sa binata kapalit ng pagpapakasal nito sa dalaga?
A. Pagbibigay ng dalawang supot ng perlas
B. Paghiling na maging makisig
C. Pagkausap sa magulang ng dalaga
D. Paglilimas ng karagatan gamit ang mga bao

BALIK-ARAL

Ano-ano ang masasalamin sa kuwentong-bayan? Magbalik-aral ka sa


pamamagitan ng paglalaro ng WikaRambulan. Kailangang maisulat mo sa
sagutang papel ang tinutukoy ng mga pahayag sa ibaba. Ang sagot ay
magiging katunog ng salitang iyong babasahin sa loob ng kahon, paulit-ulit
mo lang bigkasin hanggang sa makuha mo ang katunog na salita nito.
1. Mga impormasyon, doktrina, o kaugalian na nagpasalin-salin mula sa mga
magulang tungo sa mga anak o naging kinagawiang paraan ng pag-iisip o
pagkilos. Ang ilang halimbawa nito ay piyesta, pamamanhikan, at iba pa.

Try this you on


2. Nagpapakita ito ng moralidad, kabutihang-asal, wastong gawi, at
kahalagahang personal. Ang mga halimbawa nito ay pagmamano, paggamit
ng po at opo, pagpapakumbaba at iba pa.
Cao gal lee an
3. Ang karunungan, sining, literatura, paniniwalaa, tradisyon, at
kaugalian ng isang pangkat ng mga taong nanahanan sa isang
pamayanan.
Cool tour a

ARALIN

Basahin, unawain at suriin kung mayroon nga bang magpapatunay


ng kaugnay na kaugalian, paniniwala, tradisyon at katangian ng mga
taga-Mindanao sa babasahing kuwentong-bayan na “Ang Pagbabagong Anyo
ni Palunsai ng Cotabato City.

Ang Pagbabagong-anyo ni Palunsai


mula sa Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino
Cotabato City State Polytechnic College

Mahirap lamang si Palunsai ngunit siya’y madasaling tao. Tulad ng iba,


meron din siyang pangarap. Nasa wastong gulang na siya upang mag-asawa kaya
naghahanap siya ng babaeng mapapangasawa. Alam niyang may naggagandahang
anak na dalaga si Dipatuan, ang pinuno ng kaharian at alam niyang may balak
ang haring papag-asawahin niya ang mga ito mula sa kaniyang mapipiling mga
manliligaw. Gayunpaman, nakapagpasya pa rin si Palunsai na subukan ang
kaniyang kapalaran at pinuntahan niya si Dipatuan sa Palasyo.

“Maaari, kung may kakayahan ka,” sagot ng pinakadiplomatikong taong si


Dipatuan. Nakita niyang mahirap lamang si Palunsai ngunit pinakitunguhan niya
ito tulad sa iba pang panauhin. “Tiyak na alam mong meron akong kondisyon.”

“Ano-ano ang inyong mga kundisyon, kamahalan? Nakahanda po akong


gawin ang lahat ng nanaisin ninyo,” sagot ni Palunsai.

“Kung mabibigyan mo ako ng dalawang supot ng perlas na dikya,


mapapasaiyo ang sinuman sa mga anak kong mapipili mo. Hindi lang iyan, may

pagkakataon ka pang maging raha at tagapagmana dahil wala akong anak na


lalaki.”

Nanlulumong umuwi si Palunsai. “Ano ang gagawin ko?” Hindi ako


mangingisda at hindi rin ako magaling na manlalangoy. Saan at paano ako
makaiipon ng perlas na dikya? Malungkot na ibinulong sa sarili.
Gayonpaman, napagpasyahan niyang ialay sa kamay ni Allah ang kaniyag
kapalaran. Buong araw siyang nanalangin at umaasang papatnubayan ng Poong
Maykapal.
Kinabukasan, ginawa niya ang naaayon sa simbuyo ng kaniyang damdamin,
pinuno niya ang dalawang sako ng bao ng niyog at nagtungo sa dalampasigan.
Habang nagdarasal nililimas niya ang tubig sa karagatan gamit ang mga bao ng
niyog. Nang tuluyang bumigay ang pinakahuling bao. Natagpuan ni Palunsai ang
sarili sa gitna ng malawak na tuyong lupa.

“Ano ito? Bulalas ni Palunsai, napatuyo ko ang tubig sa karagatan...


Maawaing langit, tingnan mo ang mga dikyang iniwan ng umurong na tubig...
Lahat sila’y may perlas. Isang milagro! Pinagmilagruhan ako ni Allah!

Hindi nag-aksaya ng panahon si Palunsai, dali-dali niyag pinuno ng perlas


ang dalawang sako. Nang mapuno, mabilis siyang tumakbo sa dalampasigan,
tumayo siya’t pinagmasdan ang muling panunumbalik ng tubig sa karagatan.
Lumuhod siya at nagpasalamat sa walang-hanggang biyaya ni Allah.

Pagdating sa bahay, hinanap ni Palunsai ang mga bag na buri upang


paglagyan ng dikyang perlas. dahil sa higit na maliit ang mga bag na buri kaysa sa
dalawang sako, marami pa ang natirang perlas sa kaniya.

“Naku po! Mga perlas na dikya,” bulalas ni Dipatuan nang ilapag sa harapan
niya ang kayamanan.

“Palabasin ang mga prinsesa, nang makapili si Palunsai kung sino ang gusto
niyag mapangasawa,” utos ni Dipatuan.

Nang maiharap kay Palunsai ang mga anak nito, minabuting pinili ni
Palunsai ang pinakabunso hindi dahil siya ang pinakamaganda kundi mukha itong
madaling pakitunguhan at may magandang kalooban. Kaya sinabi niya kay
Dipatuan ang napupusuan niya.

“Maaari mong pakasalan ang bunso kong anak kung siya mong minimithi,”
sabi ni Dipatuan” at simulan na natin agad ang pagdiriwang sa inyong pag-iisang
dibdib.

Habang ipinagdiriwang ang pag-iisang dibdib, ipinaayos at binago ang bahay


ni Palunsai upang maging karapat-dapat na tirahan ng isang raha.

“Naku! Bakit ka pumayag na pakasal kay Palunsai? Pangungutyang sabi ng


panganay na kapatid sa bunsong prinsesa. “Pangit siya at hindi pa kabilang sa
dugong maharlika.”

Hindi mahalaga iyon sa akin. Asawa ko na siya ngayon at natitiyak kong


madali siyang mapag-aralang mahalin,” sagot ng bunsong prinsesa.

Sa kabila ng panlalait ng nakatatandang kapatid, ang bunsong prinsesa at


si Palunsai ay tahimik at masayang nagsama bilang mag-asawa. Lalong nagsikap
si Palunsai na maging mabuting asawa. Palagi siyang nananalangin ng patnubay
kay Allah, lalo na nang malaman niya ang napakasamang pang-aapi na tinitiis ng
asawa dahil sa kaniya.
Isang araw sinabi ni Palunsai sa asawa, “Maligo tayo sa ilog at magdala tayo
ng niyog na nakudkod para sa ating buhok.”
Humiwalay si Palunsai sa kaniyang asawa at naligo habang sinasalubong
ang agos. Nasisiyahang naligo rin ang Prinsesa sa malamig na tubig nang biglang
may namataan siyang ilang bagay na lumulutang.

“Ano iyon” pagtataka niya. Habang papalapit ang lumulutang na bagay sa


kinaroroonan niya ay bigla siyang napasigaw, ‘Naku! Mga kasuotan ito ni Palunsai”

Sa pag-aakalang nalunod si Palunsai dali-daling pinuntahan ng prinsesa


ang lugar na doon naliligo ito.

Mabilis niyang hinanap ang asawa. Nang hindi ito matagpuan matamlay
siyang umupo sa pampang at humagulgol ng iyak. Nasa gayon siyang kalagayan,
nang biglang isang napakakisig na lalaking sakay sa isang matikas na kabayo ang
lumapit sa kaniya. Nagtatakang niyaya siyang umuwi.

“Tahan na, mahal kong prinsesa, umuwi na tayo.”

“Lumayo ka, hindi kita kailangan!”

“Bakit ka umiiyak? May masamang nangyari ba sa iyo?”

Lumalangoy sa mabilis na agos ang aking asawa nang makita kong


lumulutang kasabay ng agos ang kaniyang mga kasuotan.” Umiiyak na isinalaysay
ng prinsesa, “Kanina pa ako naghahanap sa kaniya ngunit hindi ko siya
matagpuan kahit saan man. Ang kinatatakutan ko, baka siya’y nalunod.”

“Ha, ha, ha” marahang tawa ng prisipe,” bakit hindi pa tayo umuwi
ngayon?”

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Sinabi ko hindi kita kailangan.


Umalis ka na!”

“Ibigay mo sa akin ang mga kasuotan ni Palunsai,” sabi ng di kilalang lalaki


sa prinsesa habang bumababa sa kabayo.

“Ano ang gagawin mo sa mga ito?”

“Isusuot ko ang mga ito, pagmasdan mo.”

Nang maisuot ng di-kilalang lalaki ang kasuotan ni Palunsai, di-


makapaniwalang napabulalas ang prinsesa “Ikaw nga si Palunsai! Ngunit ang iyong
mukha... Napakakisig mo!”

“Mahal kong asawa, dininig ni Allah ang aking mga panalangin. Walang
sawa akong nagsusumamo sa kaniyang, tulungan akong magbagong-anyo para sa
iyong kapakanan.”

“Ngunit bakit? Minahal naman kita kahit hindi ka makisig.”


“Alam ko ngunit ayaw kong kinukutya ka ng mga kapatid mo,
pagpapaliwanag ni Pulansai. Ipinagkaloob ni Allah ang aking dalangin at pinalitan
pa niya ang aking pangalan na si Sumedsen sa Alungan.”

Buong pagmamahal na nagyakapan ang mag-asawa at sila’y umuwi.


Humanga ang mga taong madaanan nila sa kakisigan ng lalaki ngunit nagtatanong
sila sa inasal ng prinsesa na sa buong pagkakaalam nila’y asawa siya ni Palunsai.

“Sabihan ang prinsesang maki-pagkita sa akin,” utos ni Dipatuan nang


umabot sa kaniya ang balita. Kasama ang asawang si Sumedsen sa Alungan
pumunta sila sa palasyo.

“Nasaan ang iyong asawang si Pulansai?”

“Inyong kamahalan, nagsalita si Sumedsen sa Alungan para sa prinsesa,”


ako po si Palunsai, Dininig ng maawaing Allah ang aking mga panalangin at binago
niya ang aking anyo.

Upang patunayan, isinuot muli ni Palunsai ang lumang kamiseta at agad na


nakilala ng Sultan ang dating si Palunsai. Niyakap ni Dipatuan ang kaniyang
makisig na manugang.

Pinagalitan ang matandang kapatid ng prinsesa dahil sa kaniyang


masamang pag-uugali. Nang makita ang pagbabago ng kaniyang bayaw ay humingi
siya ng kapatawaran sa mag-asawa gayon din kay Allah.

Nang mamatay si Dipatuan, naging tagapagmana ng trono si Sumedsen sa


Alungan. Naging masagana ang kaharian sa kaniyang mabuti at matalinong
pamumuno.

Hango sa: Habijan, Erico M., Ontangco, Rowena S,


Iquin
Melinda P. at Carpio, Lucelma O. (2016).
Panitik: Filipino sa panahon ng pagbabao.
Quezon City: Adriana Publishing Co., Inc.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito ay patutunayan kung naunawaan mo ang iyong
binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa pagsusuri gamit ang mga
grapikong organayser.

Paghawan ng Sagabal:

Ang kasingkahulugan ay tumutukoy sa katumbas na kahulugan ng salita


samantalang ang kasalungat naman ay kabaligtarang kahulugan ng salita.

Panuto: Piliin sa pangungusap ang salitang kasingkahulugan at kasalungat


ng salitang sinalungguhitan at isulat ito sa hanay na
kasingkahulugan o kasalungat kung saan ito napapabilang. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.

Pangungusap Kahulugan Kasalungat


1.Nagsusumamo
“Walang sawa akong nagmamakaawa sa
kaniya na tulungan akong magbagong-
anyo, at tinupad nga ni Allah ang aking
kahilingan,” ang nagmamalaking bulalas
ni Palunsai.
2.Pag-iisang dibdib
Mula nang pinasimulan ni Dipatuan ang
pagpapakasal ni Palunsai at ng bunsong
prinsesa, kahit ni minsan ay hindi sumagi
sa isip nila ang paghihiwalay.
3.Pinakadiplomatiko
Marangal na tao si Dipatuan kaya’t kahit
karaniwang tao man o maharlika ang
manliligaw sa kanyang mga anak ay hindi
niya pinakikitaan ng marahas na
pakikitungo.
4.Nanlulumo
Nanghihinang umuwi si Palunsai ngunit
dahil iniaalay niya sa kamay ni Allah ang
kanyang kapalaran, lumalakas siya upang
makuha ang kanyang nais.
5.Papatnubayan
Hindi sumagi sa isip ni Palunsai na
pababayaan siya ng Panginoon sapagkat
buong araw siyang nananalangin at alam
niyang gagabayan siya ni Allah.

Pagsusuri:

A. Panuto: Piliin sa hanay B ang mga patunay sa mga katangian ni


Palunsai
na nasa hanay A. Isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa
sagutang papel.

Hanay A Hanay B
____ 1. madasalin A. Kahit mahirap si Palunsai nagpasya
siyang hingin ang kamay ng anak ni
Dipatuan.
____ 2. matiisin B. Hindi marunong lumangoy si
Palunsai kaya nilimas niya ang tubig
sa karagatan gamit ang mga bao.
____ 3. determinado C. Iniaalay ni Palunsai ang lahat ng
kanyang ginagawa at magiging
kapalaran sa kamay ni Allah.
____ 4. mapagmahal D. Hiningi ni Palunsai ang magbagong anyo
sa kapakanan ng asawa.
B. Panuto: Sumulat ng tig-isang (1) patunay sa mga nasuring tradisyong
nakapaloob sa binasang kuwentong-bayan na, Ang
Pagbabagong-anyo ni Palunsai sa tulong ng talahanayan.

Mga Nasalamin na Tradisyon Mga Patunay


Tradisyon:

C. Panuto: Isalaysay sa isang pangyayari mula sa dalawang binasang


kuwentong-bayan ng Maranao at Cotabato at pag-ugnayin ang
dalawang ito sa tulong ng Venn Diagram.

A. Nakalbo ang Datu


AB Kaugalian B.Ang Pagbabagong-anyo ni
(Pagkakatulad) Palunsai

Suliranin: Suliranin:

Solusyon: Solusyon:

Wakas: Wakas:

PAGLALAHAT

Panuto: Punan ang hinihingi ng talahanayang 3-2-1. Gawin ito sa


sagutang papel.

Tatlong (3) Dalawang (2) Isang (1) nagustuhang


masasalamin sa tradisyong binigyang- tradisyon o kaugalian
kuwentong-bayan. diin sa mga ng mga Muslim.
kuwentong-bayang
binasa.
1. 1. 1.
2. 2.
3.
PAGPAPAHALAGA
Panuto: Magbibigay ng isang pangungusap kung paano isasabuhay ang
kaisipang nasa ibaba sa kabila ng nararanasan nating pandemya
(covid-
19) sa kasalukuyan.
“Walang imposible sa taong ang puso ay buo ang pagtitiwala at
pananampalataya sa Dakilang Lumikha.”

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Natitiyak kong naunawaan mo na ang mahahalagang konsepto


tungkol sa kuwentong-bayan at ilang paniniwala at tradisyon ng ilang
taga-Mindanao sa kanilang kuwentong-bayan tulad ng mga taga-Maranao
at mga taga-Cotabato. Sa bahaging ito ng modyul masusukat ang iyong
natutuhan o naunawaan sa pamamagitan ng pagsagot sa bawat aytem ng
panapos na pagsusulit. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

I. Panuto: Isulat kung ang pahayag ay tradisyon o kaugalian.


____ 1. Nagpapaalam ang lalaki sa mga magulang ng babae na nais pakasalan.
____ 2. Makatarungan ang pagtrato ng mag-asawa sa isa’t isa kahit
ipinagkasundo lamang sila.
____ 3. Nagbibigay ng dote ang lalaki sa babaeng nais mapangasawa.
____ 4. Ang datu ang namumuno sa pagdiriwang ng kasal.
____ 5. Ang mga Muslim ay may natatanging pamamaraan ng
pananampalataya
kay Allah
II. Panuto: Piliin sa hanay B ang mga patunay ng mga katangian, kaugalian
at
tradisyon na nasa hanay A.
Hanay A Hanay B
____ 6. Pagbibigay ng dote A. Hindi marunong lumangoy si Palunsai
____ 7. Matiisin kaya nilimas na lamang ang tubig sa
____ 8. Marangal sa karagatan gamit ang mga bao.
____ 9. Pagmamahal sa asawa B. Pagbibigay ni Palunsai ng dalawang
____10.Pananampalataya kay Allah supot ng perlas.
C. Buong araw na nanalangin si Palunsai
at umaasang papatnubayan siya ng
Poong Maykapal.
D. Maayos at pantay ang pakikitungo ni
Dipatuan sa kanyang nasasakupan.
E. Walang sawang nagsumamo si Palunsai
kay Allah upang siya’y magbagong-anyo
sa kapakanan ng asawa.

SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsusulit: Balik-aral:


1. C 6. A 1. Tradisyon
2. A 7. D 2. Kaugalian
3. C 8. B 3. Kultura
4. B 9. A
5. A 10. A

Pagsasanay:
Paghawan ng Sagabal Pagsusuri
Kasingkahulugan Kasalungat 1. 1. C
1. Nagmamakaawa Nagmamalaki 2. B
2. Pagpapakasal Paghihiwalay 3. A
3. Marangal Marahas 4. D
4. Nanghihina Lumalakas
5. Gagabayan Pababayaan

Tradisyon Patunay (mula sa akdang binasa)


2.
Tradisyon:
Pagdiriwang ng Kasal “Maaari mong pakasalan ang bunso kong anak
kung siya mong minimithi. Simulan na natin agad
Pagpapagawa ng mga ang pagdiriwang sa inyong pag-iisang dibdib.”
bagay sa binata kapalit ng
pagpapakasal nito sa “Kung mabibigyan mo ako nang dalawang supot
dalagang nais ng perlas na dikya, mapapasaiyo ang sinuman sa
mapangasawa mga anak kong mapipili mo.”

Pagpapaalam sa magulang “Ang inyong kamahalan, may balak po akong


ng napupusuang babae hingin ang kamay ng isa sa mga anak niyong
babae.”
Pananampalataya kay “Mahal kong asawa, dininig ni Allah ang aking mga
Allah panalangin. Walang sawa akong nagsusumamo sa
Kaniyang tulungan akong magbagong-anyo para
sa iyong kapakanan.”

“Maawaing langit, tingnan mo ang mga dikyang


iniwan ng umurong na tubig... Lahat sila’y may
perlas. Isang milagro! Pinagmilagruhan ako ni
Allah!”

Dali-dali niyang pinuno ng perlas ang dalawang


sako. Lumuhod siya at nagpasalamat sa walang-
hanggang biyaya ni Allah.
Ang Pagbabagong-anyo ni
Palunsai
AB Kaugalian Suliranin:
A. Nakalbo ang Datu (Pagkakatulad) Walang anak na lalaki
si Dipatuan kaya kailangan
Suliranin: niya ng isang karapatdapat,
Kailangang mag-asawa ang - Pagmamahal sa di lang sa pagiging
Datu upang magkaroon siya ng asawa manugang kundi pati sa
anak na tagapagmana niya. pagiging pinuno.
Solusyon: Magkaroon ng Solusyon:
Pinakasalan niya ang hindi anak na lalaki Binigyan niya ng
lang magaganda kundi mababait na tagapagmana kundisyon ang manliligaw ng
na dalawang dalaga. ng trono anak upang makita ang
Wakas: kakayahan.
Nakuntento sa pagmamahal Wakas:
ng dalawang asawa ang datu Tanda ng
at siya ay nakalbo tanda ng pag- pagmamahal sa asawa
mamahal ng kanyang dalawang naging makisig na lalaki si
Palunsai, naging
tagapagmana ng trono, at
naging masagana ang
kaharian sa kanyang mabuti
Paglalahat at matalinong pamumuno.

Tatlong (3) Dalawang (2) Isang (1) nagustuhang


masasalamin sa tradisyong binigyang- tradisyon o kaugalian
kuwentong-bayan. diin sa mga ng mga Muslim.
kuwentong-bayang
binasa.
1. Tradisyon 1. Pag-aasawa 1. (Iba-iba ang sagot sa
bahaging ito.)
2. Kaugalian 2. Pananampalataya
3.Katangian
Panapos na Pagsusulit

Sanggunian
I. II.
Habijan, Erico M., Ontangco, Rowena S, Iquin Melinda P. at Carpio, Lucelma O.
1. Kaugalian 6. B
(2016). Panitik: Filipino sa panahon ng pagbabao. Quezon City: Adriana Publishing
Co., Inc. 2. Kaugalian 7. A
3. kahulugan
Cruz, Erwin R. Ang Tradisyonng kultura.8. D
https://www.academia.edu/14891132/Kahulugan_ng_Kultura
4. Tradisyon 9. E
5. Tradisyon C. C
https://www.facebook.com/The-Unexpected-Bride
1338610182910819/photos/pcb.2001889113249586/2001887796583051/

Mga tradisyon o kaugalian ng mga Pilipino. https://m.youtube.com

You might also like