You are on page 1of 5

Pamagat ng Interbensyon: “Interbensyon sa Pagbabasa sa Tulong ng Magulang at

Kapwa Mag-aaral”
Tagapagtaguyod: Maevelyn D. Vasquez
Ursula F. Fusin
Clarice C. Federizo

School/Office: Concepcion Castro Garcia National High School

I. Introduksyon

Mahigit dalawang taon na ang nakaraan nang nag-umpisang baguhin ng COVID-19


Pandemic ang mundo, mula sa kalusugan, ekonomiya at higit sa lahat sa larangan ng
edukasyon. Karamihan sa mga paaralan ay napilitang ihinto ang klase, ang ilan ay piniling
ipagpatuloy ito sa pamamagitan ng online class at ang iba naman ay modular distance learning.

Dahil sa mahirap na sitwasyon ng pag-aaral at pamumuhay dulot ng Pandemic, marami


ang naapektuhan sa larangan ng pagkatuto dahil na rin sa hindi masyadong natutukan ang
pangangailangan ng mga kabataang mag-aaral sa hayskol dulot na rin ng walang normal na
interaksyong nagaganap tulad ng ginagawa kapag nasa silid-aralan.

Ang pag-unawa sa pagbabasa ay nagpapahiwatig ng ganap na pag-unawa sa


impormasyong binasa upang lubusang magamit ang kahulugan at maging kapaki-pakinabang
ito sa personal, akademiko at propesyonal na pag-unlad ng isang indibidwal. Ang interbensyong
ito ay naglalayong madebelop ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbabasa at mapataas
ang kasayan sa komprehensyon o pag-unawa.

Ang Interbensyon sa Pagbabasa sa Tulong ng Magulang at Kapwa Mag-aaral na


interbensyon ay ang pakikisangkot ng mga magulang, kamag-aral sa pagkatutuo at lalong
paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbabasa lalong-lalo na sa komprehesenyon o
pag-unawa ng kanilang binabasa.
Ang proyektong ito ay para sa Junior High School na mga mag-aaral ng Concepcion
Castro Garcia National High School. Para madebelop at mapataas ang kakayahan at lebel ng
komprehensyon o pag-unawa ng mga mag-aaral. Bubuo ang guro ng isang kagamitan sa
pagkatuto na naglalaman ng mga babasahin (Hal. Sanaysay, Maikling Kwento, Dula at iba pa)
na may mga kasunod na katanungan na sasagutan at siyang susukat sa pag-unawa ng mga
mag-aaral. Ito ay maaaring gawin ng mag-aaral sa kanilang bahay na may gabay ng kanilang
magulang, sa paaralan kasama ang kanilang mga kaklase maging ng kanilang guro.

Ayon sa pagtatayang ginawa ng mga Guro sa Concepcion Castro Garcia National High
School, sa larangan ng pagbasa at pag-unawa, napag-alamang may mga mag-aaral sa Grade 7,
Grade 8, Grade 9 at hanggang Grade 10 na may kahinaan sa pagbasa at mababa ang
kasanayan sa pag-unawa sa mga babasahing may kaugnayan sa araling pagkatuto sa bawat
lebel na kinalalagyan.

II. Layunin

Ang inobasyon o proyektong ito ay naglalayong madebelop ang kakayahan ng mga


mag-aaral sa pagbabasa at mapataas ang kasayan sa komprehensyon o pag-unawa at;

1. Para madebelop ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbabasa


2. Para mahasa ang kasanayan ng mga mag-aaral sa komprehensibong pag-unawa
sa mga binabasa
3. Para mas mataas ang matamo na pagkatuto ng mga mag-aaral.
III. Estratehiya

Pre- Implementation
 Pagbibigay ng diagnostic na pagsusulit upang masukat ang kaalaman ng mga mag-
aaral.
 Pagkilala sa mga mag-aaral na mahina sa pagbabasa at pag-unawa.
 Pagkilala sa mga mag-aaral na pwedeng makatulong sa pagtuturo sa kanilang mga
kaklaseng nahihirapan magbasa.
 Pagsabi o ipaalam sa mga magulang ng mga mag-aaral na ang kanilang mga anak ay
kailangang gabayan at tulungan na makabasa at mapataas ang kanilang kasanayan sa
pag-unawa.

During Implementation

 Bawat linggo ang Guro sa Filpino ay maghahanda ng mga babasahin na may kaakibat
na katanungan na siyang susukat sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa kanilang binasa.
 Kailangang mabasa at masagutan ito ng mag-aaral na may gabay ng Guro o kanilang
magulang sa bahay o ng kapwa mag-aaral kung bakante ang kanilang klase.
 Para sa lubos at mapanaligang implementasyon ng proyektong ito, kailangang bigyan ng
Guro, Magulang o kapwa mag-aaral ng rating ang kakayahan ng mag-aaral na kanilang
tinuruang magbasa para na rin ma monitor ang pag-unlad ng kasanyan ng mag-aaral.
Ito ang magsisilbing record ng mag-aaral sa kanyang remedial na ginagawa.

Post Implementation

 Magkakaroon ng assessment na magsisilbing basehan na susukat sa debelopment ng


kasanayan ng mag-aaral sa pagbabasa at komprehensibong pag-unawa.
IV. Mga Kabilang sa Interbensyon

a. Mag-aaral. Malaki ang maitutulong ng interbensyong ito para sa mabilis at


makabuluhang pagkatuto ng kanilang mga aralin sa Filipino lalo na sa kasanayan sa
pagsulat pagbasa at komprehensibong pag-unawa. Sa pamamagitan ng paggabay
ng Guro, Magulang at kapwa Mag-aaral ay malilinang ang kanilang tiwala sa sarili na
makabasa at umunawa na siyang makatutulong sa pagproseso ng mga lohikal na
ideya na makatutulong sa isang mag-aaral.

b. Guro. Malaking tulong ito sa pagtuturo ng mga guro lalo na sa pagpapabuti ng


kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbabasa at pag-unawa at magiging daan para sa
ikagagaan ng proseso ng pagtuturo sa asignaturang Filipino lalo na sa kasanayang
pagbasa at pagsulat ng mga mag-aaral. Hindi na mahihirapan at mauubos ang oras
ng mga guro sa pagtuturo sa mga mag-aaral na nahuhuli sa akademikong aralin ng
mga mag-aaral dahil may katuwang na sila na magulang at mag-aaral sa pagtuturo.

c. Magulang. Isang katiyakan sa mga magulang ng mga mag-aaral na natuturuan


at nagagabayan nila ang kanilang mga anak sa kanilang pag-aaral. Upang matamo
ang kalidad na edukasyon at may sapat na kakayahan at malinang ang mga
kasanayan upang maging handa sa buhay.

V. Itinakdang Panahon
October – December 2022

VI. Badyet
Pag-imprinta sa mga babasahing gagamitin.
Bondpapers – 400
Ink - 550

VII. Inaasahang Resulta


1. Matiyak na ang bawat mag-aaral ay mabigyan ng diagnostic na pagsusulit upang
masukat ang kanilang kasanayan sa pagbasa at pag-unawa.
2. Makapagtatag ng klaseng panlunas at interbensyon sa mga mag-aaral na may kahinaan
sa pagbasa at pag-unawa.
3. Matiyak na nakakabasa nang may pag-unawa ang mga mag-aaral.
4. Makabuo ng kagamitang pampagkatuto kagaya ng worksheets na magagamit ng mga
mag-aaral bilang gabay sa kanilang pagkatuto.

You might also like