You are on page 1of 6

PAMANTASANG ATENEO DE MANILA MABABANG

PAARALANG ATENEO
ARALING PANLIPUNAN 6

SIPI NG IMPORMASYON 5

IKAAPAT NA KAPAT, TP 2022-2023

KARAPATANG TINATAMASA NG BANSANG MAY SOBERANYA

Nagbigay ng takdang-aralin si Gng. Reyno sa kanyang klase isang linggo bago


ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan. Basahin sa ibaba ang naging daloy ng usapan sa
loob ng kanilang silid-aralan.

Gng. Reyno: Alam kong handang-handa na kayong lahat upang ibahagi ang mga
nakuha ninyong impormasyon tungkol sa paksang ating pag-uusapan ngayon. Sino ang
gustong
magsimula? Sige, umpisahan mo, Kevin.

Kevin: Ayon po sa aking nabasa, ang ating bansa ay walang karapatang nakamit noong sakop tayo ng
mga dayuhan dahil ang mga batas nila ang nasusunod at sila rin ang may
hawak ng pinakamataas na kapangyarihan sa pamahalaan.

Gng. Reyno: Magaling! Nang ipagkaloob sa atin ang soberanya o ganap na kalayaan, ano ang
naging epekto nito sa ating bansa? Ano naman ang maibabahagi mo, Paulo?

Paulo: Kinilala na po tayo ng ibang bansa bilang isang bansang malaya at nagsimulang

magkaroon ng mga karapatan.

Gng. Reyno: Tama ka! lyan ang ating pag-uusapan ngayon. Sinong
makapagbibigay ng isang karapatan ng ating bansa ayon sa sinasabi ng batas internasyonal?
Sige nga, Bob, ilahad mo nga ang iyong natutuhan tungkol dito.
Bob: Ang isa pong karapatang tinatamasa ang ating bansa ay ang karapatan sa

PAGSAKOP/PAMUMUNO SA NASASAKUPAN. Dito, kitang-kita na ang ating bansa ay


may kakayahang magpasunod ng mga batas upang mapanatili ang kapayapaan sa
pamayanan. Ang pamumuno ay epektibo kung ang mga mamamayan ay sumusunod sa mga batas at
patakaran ng isang bansa.

4Q Sipi ng Impormasyon 5 | Pahina 1


Gng. Reyno: Sumasang-ayon ako sa iyo, Bob. Kaya nga ang ating bansa ay nagsimulang

magpatupad ng mga batas at mag-utos sa lahat ng mga mamamayang naninirahan sa


loob ng ating teritoryo kasama na ang mga dayuhan. Halimbawa, maaaring magkaroon ng

batas tungkol sa pagbabawal sa pagpasok ng sinumang dayuhang walang pahintulot at

sapat na dokumento. Sino pa ang gustong magbahagi? Pakinggan naman natin si Victor

para ilahad ang isa pang karapatan.

ALAM MO BA?

Bago nakamit ng Pilipinas ang kalayaan, ang mga bansa tulad ng Spain,
United States, at Japan ang kumakatawan sa ugnayang panlabas nito.

Victor: Ang isa pong karapatan ay ang PAGSASARILI O KALAYAAN. Ang ibig sabihin po

nito ay karapatan ng isang bansa ang ipagtanggol ang sarili sa anumang pagtatangkang
pananakop, pakikialam, at panghihimasok ng ibang bansa. Nararapat lamang na pigilin

ang anumang pananalakay, pagbabanta o pananakop buhat sa labas upang mapanatili


ang kaligtasang panloob ng Pilipinas.

Gng. Reyno: Mahusay! Kaya naman ang itinuturing na haligi ng pambansang seguridad
tulad ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, ay nangangalaga ng kaayusan upang
siguraduhing payapa at ligtas sa panganib ang bansa. Maliban sa binanggit ni Victor, ano

pang karapatan ang tinatamasa ngayon ng ating bansa?

Peter: Ayon po sa aking nabasa, maliit man ang bansa natin kung ihahambing sa iba, ito ay
dapat kilalaning kasapi sa pamilya ng mga bansa sa daigdig. Kung pare-pareho ang

pagtingin ng mga bansa sa kapwa bansa, malakas man o mahina, mahirap man o
mayaman, maunlad man o di maunlad, ang ibig pong sabihin nito, ang karapatan sa
PAGKAPANTAY-PANTAY ay nakakamit. Wala ring karapatan ang ibang estado na igiit

ang kapangyarihan nito sa ibang estado.

Gng. Reyno: Tama ka, Peter. Kaya nga ang Pilipinas ngayon ay kasapi ng iba't ibang
samahan o organisasyon gaya ng United Nations (UN) at Association of Southeast Asian

4Q Sipi ng Impormasyon 5 | Pahina 2


Nations (ASEAN). Kung anuman ang natatanggap na karapatan ng ibang kasaping bansa

ay dapat natatanggap din ng ating bansa. Ano pa ang ibang karapatan?

Dino: Karapatan po sa PAGMAMAY-ARI. Ang ibig sabihin nito, karapatan ng bansa ang
angkinin at gamitin ang mga ari-arian tulad ng likas na yaman at yamang tao na

matatagpuan sa Pilipinas. Samakatuwid, hindi maaaring gamitin ng anumang bansa ang

lahat ng ating pag-aari nang walang pahintulot mula sa ating bansa.

Gng. Reyno: Maganda ang sinabi mo, Dino. Isa pa, kung nais man nilang gumamit ng

alinman sa ating likas na yaman, dapat may matatangap na pakinabang ang ating bansa

mula sa gagamit nito. Ano pa kaya ang karapatan ng isang bansang may soberanya o
ganap na kalayaan?
Gabriel: Nabanggit po ninyo kanina ang tungkol sa pagiging kasapi ng ating bansa sa

mga samahang pandaigdig. Ipinakikita po nito na ang Pilipinas ay may karapatan sa


PAKIKIPAG-UGNAYAN sa ibang bansa. Kaugnay nito ang karapatan ng bansang

magpapadala at tumanggap ng embahada ng ibang bansa upang maging maayos ang

samahan ng mga estadong kasapi sa pamilya ng bansa sa daigdig. Natatamasa ang

karapatan sa pakikipag-ugnayan hanggang mabuti ang relasyon ng dalawang


nag-uugnayang bansa.

ALAM MO BA?

Ang South Sudan ang pinakabagong bansa sa mundo. Nakamit nila ang kanilang
kalayaan mula sa Sudan noong taong 2011.

Gng. Reyno: Tama ang iyong ibinahagi. At ayon din sa karapatang sinabi mo, maaaring
hindi tanggapin ang isang tao mula sa ibang bansa kung hindi ito kanais-nais o

karapat-dapat na manatili sa Pilipinas. Itinuturing na persona non grata o hindi

katanggap-tanggap ang taong ito. Mukhang nabanggit na ang lahat ng karapatan ng isang

malayang bansa. Bago natin tapusin ang ating talakayan, sinong gustong ulitin isa-isa ang

nabanggit na mga karapatan?

4Q Sipi ng Impormasyon 5 | Pahina 3


June: Ganap na malaya ang Pilipinas kaya tinatamasa nito ang sumusunod na karapatan: 1)
pamumuno sa nasasakupan, 2) pagtatanggol sa kalayaan. 3) pantay-pantay na pagkilala, 4)
pagmamay-ari at 5) pakikipag-ugnayan.

Gng. Reyno: Salamat, June, at salamat sa inyong pakikilahok sa ating talakayan ngayon. Alam
kong handa na kayo para sa inyong pagsusulit.
PAGBUBUOD

PAGSAKOP

Kapangyarihan sa pamumuno o
pangangasiwa sa mga tao at gawain
nito sa sakop na teritoryo.

sa nstequiet you

PAKIKIPAG-UGNAYAN

Pagpapadala ng
diplomatikong kinatawan at
pagtatatag ng embahada o
konsulado.
MGA KARAPATAN NG
ISANG BANSA
ΠΕ

PAGSASARILI

Hindi pakikialam o
panghihimasok ng ibang
bansa o estado.

MAYANQUEDASI MAS

PAGMAMAY-ARI

Pagkakaroon ng ari-arian na
mapamamahalaan.

PAGKAKAPANTAY-PANTAY

goheem.om ident
Pagkilala bilang kasapi ng pamilya
ng bansa sa mundo.
convegno

gens (boint

briti

Afable, M. P., Arabit, M. A., Chavez, R. O., Perez, M. D., Somera, E. & Tamayo, A. D. (2016). Pilipinas Kong Mahal 6, pp. 190-194.
Anvil Publishing, Inc.

4Q Sipi ng Impormasyon 5 | Pahina 4

You might also like