You are on page 1of 5

Pangkat 3

Si Sophia At Billy ay nagpaplano nang mag pakasal kaya naman sila ay naghahanda na.

Naghanda si Billy Ng dalawang regalo ito ay ang alahas para sakanyang ibig na pakasalan at
Pera o kayamanan naman para sa mga magulang nito.

Kailangan nang mga magulang nila na magkita naman niyaya na ni Billy ang kaniyang Ina
para pumunta sa tahanan nila Sophia.

Billy:Magandang Araw aking Ina, Kailangan na nating pumunta sa Bahay ng aking pakasalan
na si Sophia para makapag usap usap na.

Mia:Walang problema anak, Hintayin mo Ako at Ako ay mag aayos lamang.

Nang matapos ang Ina ni Billy na mag ayos,Nagtungo na sila sa tahanan ng kaniyang
pakakasalan na si Sophia.

Naglakad sila ng walang saplot ang paa,Isa ito sakanilang tradisyon at paniniwala.Hindi na
ito masyadong ginagamit ngayon ngunit gusto ni Billy na irespeto ang kanilang Tradisyon
kaya niya ito ginawa.

Nang makarating na sila sa bahay nina Sophia,Siya at ang kaniyang Ina ay Nagbigay ng
respeto bago tuluyang pumasok at umupo kasama nila.Si Billy ay may dalang Pera na
nakabalot sa papel para sa paguusapan nila ito ay kaniyang ibibigay kapag sila ay Kasal na.
Billy:Magandang araw po,Nais sana naming pagusapan na ng masinsinan ang aming nalalapit
na kasal kaya kami ay nandito ngayon.

Sophia:Gusto po sana naming magkausap nang kasama kayo para kami ay may basbas ninyo.

Kinausap ni Billy ang Tatay ni Sophia at Kinausap naman ni Sophia ang Nanay ni Billy.

Mia:Ako ay natutuwa sa nararating ninyong kasal at sana alam mong sumasang ayon ako
saiyo.

Francis:Ako,Bilang Tatay ni Sophia sumasang ayon ako saiyo dahil alam ko namang mahal mo
ang aking anak.

Nang sila ay sumang ayon na sa isat isa pinag usapan na nila ang perang ibibigay nina Billy
kayla Sophia.

Nang sila ay matapos na,Inasikaso naman ni Billy at Sophia ang kanilang mga Inbitasyon at
dinala ito sa kanilang mga kaanak,kaibigan,at sa lahat pa nang imbitado.

Billy:Aasahan po namin kayo sa aming kasal

Sophia:Dito nalang muna ako aking mahal,Pagbutihin mo sa iyong gagawin.


Nang sila ay nagyakap na,Umalis na si Billy para pumunta sa Templo nina Sophia para
magbigay ng kaniyang perang inilaan.

Si Billy ay Lumuhod para magbigay ng respeto at inilagay ang pera sa dapat nitong lagyan.

Dumating na ang araw na pinaka hinihintay nila,Sila ay kakasalin na.

Sila ay naka luhod at katabi ang isat isa at ang kanilang kamay ay naka sarado na parang nag
darasal.

May inilagay sakanilang Ulo na isang 'Mong Kol' para magsimula na ang Seremonya.

Ang lahat ng bisita ay pupunta sa kanilang harapan para buhusan ang kanilang kamay ng
'Holy water' habang sila ay binibigyan ng mga mensahe.

Francis:Sana Magkaroon kayo ng masagana at maayos na pamilya.

Mia:Magmahalan kayo hanggang sa dulo ng inyong mga paghihirap at pagsasaya.

Pagkatapos ng Seremonya ng kanilang Kasal,Sila ay nagtungo na sa kainan.Bago sila


magkainan may mga taong magbibigay ng mensahe sakanila.
Nagbigay ng respeto si Tiya Jharies bago tuluyang nagsalita.

Jharies:Alam nyo namang mahal ko kayo at kayo ay babasbasan ko na maging masaya


habang gusto nyo,Gawin ninyong maligaya ang isat isa.

Pagkatapos magsalita ni Tiya Jharies sila ay nagbigay ng respeto at galang dito at ito ay
kanilang niyakap.

Sila ay nagkasiyahan na at nagkaiyakan na rin.

Pagkatapos nilang gawin ang mga ito, Sila ay pupunta na sa kanilang higaan.Binigay na ni
Billy ang kaniyang Perang hinanda sa kanyang bagong asawa.Habang sa higaan
naman,Naghihintay dito ang kanilang mga magulang para bigyan sila Ng Mensahe.

Francis:Mga anak,Ipag darasal naming maging masaya kayo at hindi magbago.

Mia:Mahal namin kayo at sana magkaroon kayo ng masaya at masaganang pamilya.

Nang Silang dalawa ay Umalis,Ito na ang paniniwala sa Thailand na pag umalis ang mga
magulang pagkatapos magsalita o magbigay ng mensahe gusto na nila ng Apo.

At Kinasal nga si Billy at Sophia nang masaya at walang gulo at nang nirerespeto nila ang
kanilang mga tradisyon at paniniwala.
Tradisyon:Tradisyonal na kasalan ng bansang Thailand.

Miyembro/Ginagampanan

Billy-Billy(Ikakasal)

Sophia-Sophia(Ikakasal)

Francis-Francis(Tatay)

Mia-Mia(Nanay)

Jharies-Jharies(Tiya)(Tagapagsalaysay)

You might also like