You are on page 1of 1

Sa isang lansangan sa isang lugar sa Pilipinas, may isang babae sa gilid ng kalsada na tahimik na nakikinig

ng musika gamit ang kanyang iPod at earphones. Sa kanyang gilid ay may isang lalaki na nakatayo na tila
bang nag-aantay ng sasakyan. Sa kanyang pag-aantay, may isang manggagancho na lumapit sa kanya at
kinuha ang kanyang kartera at hindi nya ito napansin. Habang nangyayari ito, ang babae sa gilid ay
nakakita ngunit takot itong sitahin baka mapahamak siya. Umalis ang mangagancho na parang walang
nangyari. Habang naglakad, sinalubong ito ng isang lalaki na kung tawagin ay Andong Agimat. Biglang
hinablot ng manggagancho ang kanyang kutsilyo at sinaksak si Andong ngunit nabaluktot lamang ang
talim nito pagkatapos, humablot siya ng baril, itinutok, at ipinutok kay Andong ngunit hindi parin siya
natatablan parang walang nangyari kay Andong na tila bang mayroon itong kapangyarihan o kung
anumang isinuot upang maging pananggol sa kahit anumang maaaring ikamatay niya. Sinuntok ni
Andong ang manggagancho at nahimatay. Kinuha nya ang kartera at ibinalik sa may-ari. Galit na galit ang
mukha ni Andong ngunit pinakalma siya ng babae na binanggit kanina sa pamammagitan ng
pagpaparining kay Andong ng musika gamit ang earphones.

You might also like