You are on page 1of 4

APORTS

BY: AMLA

Aking sisimulan sa salitang Salamat

Sapagka’t kayo ay higit sa lahat

Sa sandalling kayo’y masilayan tila

Ako ay napupuno ng galak at kasiyahan

Lalo na sa tuwing tayo ay magkakasama

At aawra para sa malakasang OOTD

Pero tayo ay mananatiling lowkey

Kahit mga kasama natin ay mga pabebe

Hindi magsasawa sa mga galaang Pilipino time

OTW kahit kakagising lang

O, kaya naman mga hindi pinayagan

At ang masaklap drawing na kaibigan

Mga kentuhan na nauuwi sa iyakan

At babanatan ng waley na lokohan

Darating ang kupal mong kaibigan

Saba’y sabing “umiiyak ka na naman”

Dahil sa gurang mong jowa-jowaan

Ang ending malakas na tawanan

At bago mag alisan

At matapos ko ikwento sa maikling tula na ito

Kung gaano, ako

Kasayang makasama at maging tunay na


Mga APORTS KO.

 Aawra – magsusuot ng maganda/maayos na damit


 OOTD – outfit of the day
 Lowkey – simple lang at down to earth na tao
 Pabebe – mahiyain o mga pa cute
 Pilipino time – mga late dumating sa oras na napag-usapan
 OTW – on the way
 Drawing – mga taong di tinutupad ang mga pinango na gagawin o usapan
 Waley – hindi patok na joke o hindi nakakatawa
 Kupal – mapapel o makapal ang mukha
 Gurang – matanda
 Jowa – Girlfriend o boyfriend
 Aports – kaibigan o tropa

“Tumbang Preso”
 Mga taong may kasalanan sa batas na basta na lamang pinatay ng mga awtoridad

Uso pa rin ang laro.


 Pagtapos gumamit ng pinag babawal na gamot para silang naglalaro ng habol habolan kasabay
ng kanilang kamatayan

Ang alingawngaw ng lata,


 Ang alingawngaw ng putok ng baril

Ang takbuhan ng bata, Ang sapul na pag-asinta.


 Natauhan ang mga batang naligaw ng landas sa putok ng baril na kanilang narinig sabay takbo
patungo sa ligtas na lugar

Tsinelas ay nagliliparan
 Mga paa na di alam kung saan tutungo para makaligtas sa balang hindi alam kung sa kanila
tutungo

Sa kalyeng may kaliitan.


 Sa iskinitang kanilang ginalawan magkabila ay patay at nag aagaw buhay

Sa eskinita ng mga tambay, Maririnig ang hiyawan.


 Nag kakagulo pati mga bata na walang muwang ay nag iiyakan at natatakot sa putukan
Ngunit baguhin natin ito.
 Dalangin ng mga magulang ay magbago ang sistemang ito upang walang mga inosenteng
madamay sa kaguluhan

Ang ingay ng tingga,


 Patuloy ang pagputok ng baril

At tilapon ng tsinelas mo. Hindi ba’t sa dulo ng laro, Ay pabulusok ang


takbo?
 Hindi alam kung saan patungo ang mga paa na ito, dahil sa dulo ng tatahakin ay baka kamatayan
din ang tuloy

Ang mahuli ay taya,


 Ang mahuli ng mga awtoridad ay walang awang babarilin

Pagkatumba ng lata?
 Pagkabaril ay iiwan ka na lamang parang walang nangyari

Unahin mo ang pagtakbo.


 Isipin munang Mabuti ang mga bagay na gagawin kung ito ba ay tama o mali para sa sarili

Ang pagkaripas ng taya. Bilisan at mahuhuli ka.


 Bilisang makatakas sa kamatayang naka harap s aiyo

Kapag nasapul ng tingga,


 Pag naabutan ka ng awtoridad walang awang babarilin

Aalingawngaw, ngangawa. Bakit ka itinumba?


 Maririnig na lamang ng mga tao sa paligid ang putok ng baril at makikita ka na lamang walang
buhay

Tsinelas mo’y pigtas na.


 Ang buhay mo ay wala na

Nariyan pa rin ang mga tambay.


 Dumating na ang mga tao sa inyong kumunidad

Nakikinood, nakikiusisa.
 Mga nakikibalita
Ilan na ba ang nataya?
 Nagtatanong ilan ba ang mga namatay

Nasapul na nga ba sya?


 Mga tinamaan ng bala at walang kalaban laban

Iba na ang pambato ngayon.


 Iba na ang mga pulis ngayon pumapatay ng walang kalaban laban

Ang pambata na laro ngayon ay trabaho. Tumba o preso?


 Takbo para mabuhay ng hindi kaharapin ang masamang kamatayan kinasadlakan ng ibang
natukhang.

You might also like