You are on page 1of 4

Lopez, Minna Ericka G.

Martin, Angela Camille S.


10 – St. Arnold

ILAW NG TAHANAN

Walong taong gulang pa lamang, lagi nang wala si nanay


Laging mag-isa, ginagawa lahat ng gawaing-bahay
Lumaking malayo ang loob sa inang sa aki’y nabigay-buhay
“Inay! Inay!” sigaw ng batang walang kamalay-malay
Ngunit tila walang narinig, sarado ang tainga ni Inay
Naglakad palayo at parang maraming kailangang gawing trabaho
Ako’y umupo, nakapangalumbaba sa mga nanginginig na tuhod
Tahimik na umiihip ang hangin mula sa labas
Isinasayaw ang mga dahon, kay ganda, walang kupas
Hanggang sa lumubog ang araw at ako’y nakaidlip
Tila isang normal na galaw, ako’y agad na sumilip; aalis nanaman si Inay
Doon nagsimula ang lungkot, na di kalauna’y naging puot
Tila ako’y nawawala, nag-iisa sa laban ng buhay
Walang sino man sa aki’y gumabay
Dumating at umabot sa puntong nagtanong at nangalumbaba
“Ang isang tulad ko’y may halaga pa ba?”
Dumating at umabot sa puntong nagsawa
“Di ba dapat ang supling na tulad ko’y kinakalinga ng ina?”
Makaraan ang maraming ikot ng mga kamay ng orasan
Pagpatak ng gabi at pagsikat ng araw sa kalangitan
Dumating ang araw ng pagtatapos sa kolehiyo ng kabataan
Naroon si Inay, kasama kong umakyat ng etablado, hawak pa ang aking kamay
“Anak, bakit ka ba nagkakaganyan?” ani Inay
Hindi ako sumagot, dahilan para siya’y maghintay
Natapos ang seremonya, ako’y agad na tumalikod,
Napuno ng sakit at pagsisisi, dahilan para siya’y mapaluhod
Iniwan ang inang luhaan, tinaguyod ang sariling kinabukasan
Ilang buwan pa lamang ang nakalilipas nang siya’y puntahan ng dating kabaryo
Ang siyang dating nagturo sa kanyang magluto, ang ngalan ay Tata Selyo
Ang pagdanak ng dugo na ang dahilan ay kutsilyo
Tulis at talim ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang naikwento
Unti-unti, mahirap man ngunit aking napagtanto
May kayumangging kutis, mahaba at itim na buhok
Mga pisnging malakamatis, may malaking balat sa batok
Siya ang nag-iisang taong nagbigay sa akin ng buhay
Pinagsasasaksak at walang habas na hinalay
Balita sa bayan na siya’y magpapadala lamang sana sa akin ng pera
Pinagtangkang pagnakawan ng mga armadong lalaki ngunit nanlaban pa
Lahat ng ito’y pumasok sa aking mga tainga
Lumabas bilang patak ng mga luha sa aking mga mata
Ang mga pahina ng kanyang libro ay nagsimula nang kumupas
Masakit mang isipin ngunit ito na ay nagwakas
Di kalaunan ang matanda’y nagsimula ng panibagong kuwento
Si Inay daw ay lubhang masikreto ngunit isang bagay ang kanyang nasisiguro
“Ang ikabubuti ng anak ko ang siya lamang laman ng isip ko”
Isang bagay na lagi niya raw sinasabi sa mga kabaryo
“Sanggol ka lamang noon nang dumalaw ako sa inyong bahay
Nakita ko siya, aligaga sa pagbabantay
Hindi malaman ang uunahin, kung ikaw ba ay ipagtitimpla o papatahanin”
Napuno ng pagsisisi, nanlambot ang pusong puno ng pighati
Ni hindi ko man lang naisip na ang lahat ng ginagawa niya ay para rin lang sa akin
Hanggang sa huling hininga, maibigay ang nais ko pa rin ang kanyang hangarin
Wag hintaying mawala bago makita ang kanilang halaga
Lahat ng magulang ay nais bigyan ang anak ng kalinga
Inay mananatili kang mahal sa puso ko
Habang-buhay hihingi ng tawad; nagmamahal, ang anak mo.
LUHA NG KAHAPON

Pagputok ng mga baril at pagsabog ng mga granada ang maririnig kahit saan
Pagkasira ng mga ari-arian at pagkasawi ng karamihan
Sa kabila ng lahat ng pinagdaraanan, isang bata ang namulat sa karalitaan
Buhay at dangal ng kanyang inang mahal ay napasakamay ng mga dayuhan
Pinaslang sa harap ng batang paslit, puso’y napuno ng takot, puot at sakit
Lumaking isang batang sundalo, bagamat labag sa kalooban at karapatang pantao
Lumaban para sa kalayaan, lumaban para sa karapatan
Buong tapang na pinaglaban ang lupang sinilangan.
Natapos ang digmaan at napasakamay nila ang kalayaan
Sa wakas, nagkaroon din ng kapayapaan!
Mga bituin at araw niyang kailan ma’y di magdidilim
Ang ulap ay mananatiling bughaw, liwanag ang babalot sa dilim
Ang mga dugo ay sagisag ng mga buhay na nawala
Mga buhay na sinakripsiyo upang bansa’y maging malaya.
Nang nagkaroon ng pagkakataon na makapag-aral
Pumasok sa eskuwelahang may paninindigan at dangal
Ngunit di tulad ng kanyang inaasahan, walang kaibigang natagpuan
Laging tinitignan, naging tampulan ng tuksuhan
“Maitim, maliit, kulot, walang nanay!”
Paulit ulit niyang naaalala ang hirap na dinanas niya sa buhay
At ang walang awang pagpatay ng dayuhan sa kanyang nanay.
Dumating ang araw na siya’y nakapagtapos ng kolehiyo
Nagpursiging makahanap ng marangal na trabaho
May diploma, may pinag-aralan, ngunit bakit di pa rin matanggap ng karamihan?
Dahil ba ang kulay niya’y hindi tulad ng sayo?
O ang Ingles niya’y hindi singtatas ng sa mga dayo?
Pinagkaitan ng bagay na nararapat sa atin
Minsan nang naging alipin sa sariling lupain
Pati ba naman karapatang makapagtrabaho, ipagkakait sa atin?
Pinagkaitan man ng kalayaan
Ngunit kailanman ay hindi ng karunungan
Muling nagsimula ang mga pandurukot at pagpatay,
Sino mang kababain na makita’y kanilang hinahalay
Lumaking sundalo sa bansang kanyang sinilangan
Buong tapang na nanguna sa himagsikan, lahat ay nagpasyang lumaban
Sigawan ang maririnig para sa bayan; nagsimula na ang himagsikan
Balita sa bayan ang daan-daang ulo na gumulong dahil nanlaban
Nanindigan at nagsalita laban sa pamahalaan
Kabilang ang taong namuno ng himagsikan...
Bakit pinapatay ang nagtatanggol sa katwiran?
Bakit sineselyuhan ang bibig ng mga nagsasalita laban sa pamahalaan?
Napakaraming tanong ang nanunuot sa aking kamalayan
Mga kaganapang hindi ko maiwaksi sa aking isipan
Hustisya para sa mga naging biktima; hustisya para sa aking ama.

You might also like