You are on page 1of 2

Sa pinaka unang kabanata ng Noli me Tangere, dito magsisisumala ang kwento ng ating mga bida't mga

karakter.

Si Don Santiago o mas kilala sa pangalang Kapitan Tiago ay isang mabait at mahinanhong tao at
matulungin sa mga nangangailangan. Isang araw, gumanap nqa isang magarbong handaan si Kapitan
Tiago sakanilang bahay sa may anloague na malapit sa pangpang ng Ilog Binondo. Ang namamahala
naman ng handaan ay si Tiya Isabel, pinsang babae ni Kapitan Tiago. Imbitado ni Kapitan Tiago ang lahat
ng kamaynilaan lalo na ang mga kantanod.

Habang nagdadagsaan ang handaan sa bahay ni Kapitan Tiago, ang mga tinyente naman at ang mga
guwardyang sibil ay nakikipag usap kina Padre Sybila, isang Dominikong pari na pomal at maingat sa
pananalita. Isang propesor mula sa Colegio De San Juan De Letran na mahusay makipagtalo bagama’t
bata pa nuong nagsimula mag turo. At si Padre Damaso, isang Pransiskanong pari na masalita at mabilis
kumilos.

Kinausap ni Padre damaso ang isang binatang pula ang buhok at ilinabas ni Padre Damaso ang kaniyang
sama ng loob sa mga taong kaniyang pinaglingkuran. Pagkatapos makipag usap kay Padre Damaso,
nairing ng binatang pula ang buhok ang mga pang aalipusta ng mga binata sa mga Pilipino. Agad namang
pinaalala ng binatang pula ang buhok ang mga binata na sila ay nasa lupa o bahay ng isang indio.

Bigla namang sumulpot si Padre Damaso sa pag uusap ng mga binata at biglang nainis si Padre Damaso
sa mga Pilipino o Indiyo, sinubukan namang pakalmahin ni Padre Sibyla si Padre Damaso ngunit mas lalo
pa itong nagalit sa puntong napasuntok na ang pransiskanong pari sa mesa dahil sa galit.

Habang ang pransiskanong pari ay nasa kalagitnaan ng kaniyang galit, bigla siyang tinanong ng isang
tinyente kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng kaniyang mga aksyon at nagkasagutan si Padre Damaso at
ang Tinyente. Sumagot naman si Padre Sybila at pinaliwanag sa tinyente ang mga sinasabi ni Padre
Damaso at pagkatapos, umalis na ang Tinyente matapos sabihin ni Padre Sybila ang mga nilalaman.

Ilang sandali pa’y dumating na ang mag-asawang De Espadaña, sina Don Tiburcio at Doña Victorina.
Tinanong naman ng binatang pula ang buhok si Ginoong Laruja, isa sa mga dumalo sa handaan kung ano
ang kaniyang masasabi tungkol sa may-ari ng bahay, bigla naman sumulpot si Padre Damaso sa usapan
at nagsabi na hindi na daw kailangan pang magpakilala dahil mabuting tao naman si Kapitan Tiago.

Dito nag wawakas ang buod ang ika unang kabanata ng Noli mi Tangere. Pinakalilala dito ang mga
karakter na si Don Santiago o mas kilala bilang Kapitan Tiago, si Padre Sybila, Padre Damaso, ang mag-
asawang De Espadaña na sina Don Tiburcio at Doña Victorina at si Ginoong Laruja.
Ang aral na maipupulot natind dito sa kabanatang ito ay huwag tayong mag-maliit ng ating kapwa.
Huwag nating tularan ang ginawang pangmamaliit at pang iinsulto ni Padre Damaso para sa kanya ang
mga Pilipino ay mga mapagwalang bahala mga walang pakialamam mga mangmang, tamad at mga
walang pinag-aralan kaya nararapat lamang daw tawaging Indiyo.

You might also like