You are on page 1of 1

Maagang pagbubuntin ng kababaihan

Ang teenage pregnancy ay isa sa mga problema na kinahaharap ng bansang


Pilipinas dahil sa kawalan ng sapat na edukasyon ng mga kabataan. Teenage
pregnancy o maagang pagbubuntis ng mga babae nakalulungkot isipin na halos 15
porsyento na edad edad na labintatlo hanggang labing siyam ay buntis na o mga
ina na. Ang maagang pagbubuntis ng mga kababaihan ay isang malawakang isyu
hindi lang sa Pilipinas pero sa buong mundo. "Ang hindi marunong maghintay ay
maagang nagiging ina",kasabihan na madalas nating naririnig sa mga
nakakatanda. Palagi nating tatatandaan mula sa simula lang ang sandaling sarap
at kasunid nito ay pang matagalang hirap. at higit sa lahat may mababang kwalidad
ng health care ng bansa kaya maraming kabataan ang nabubuntis.

Ayon sa 2014 datos ng Philippine Statistical Authority halos 24 sanggol kada oras ang
ipinapanganak ng mga teenager. Ang datos na ito ay sinisusugan ng 2014 Young Adult
Fertility and Sexuality sturdy. Napakaloob dito na 14% ng mga Pilipina na may edad na 15
to 19 ay buntis o di kaya ay mga ina. Sinasabi ding mas mataas ang bilang ng teenage
pregnancy sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa ng Southeast Asia. Kaya mabuti ng
magkaroon ng SEX education sa ating bansa, para sa kaalaman ng mga kabataan at
malaman nila ang mga resulta sa hindi magandang gawain katulad ng maagang pagtatalik
na magiging resulta sa teenage pregnancy.

You might also like