You are on page 1of 2

Ralph Alfred C.

Trumata
BSF - 1
Reaksyong Papel
Pelikula :
* Bonifacio: Ang Unang Pangulo (2014)

* Heneral Luna (2015)

Ang dalawang pelikulang ito ay itinuturing na mahalagang bahagi ng kasaysayan ng pilipinas,


sapagkat ito ay naglalawaran o nagpapakita ng mga pangyayari noong panahon ng pakikidigma ng ating
mga ninuno sa mga mananakop na Kastila at Amerikano. Ang kanilang paghihirap at sakripisyo sa mga
panahong iyon ay ang dahilan kung bakit malugod nating tinatamasa ang kalayaan ngayon.

Ang pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo na ipinalabas noong 2014 ay batay sa kasaysayan
ng ating bansa sa pananaw ng kwento ni Andres Bonifacio, ito ay ang panahon ng pananakop sa atin ng
mga Kastila . Nilalaman nito ang tunay na kuwento ni Andres Bonifacio, isang taong nag alsa bilang
pinuno sa pakikipaglaban sa mga mapang aping mga Kastila, at nakamit ang simpatya ng kanyang mga
kaaway at nakipaglaban na para sa iisang layunin. Ang pelikulang ito ay pinagbibidahan ni Robin Padilla
sa direksyon ni Enzo Williams at ginawa nila Rina Navarro at EA Rocha na may koneksyon sa TBA Studios
at Philippians Productions and Entertainment.

Ang Heneral Luna ay isa sa mga pelikulang filipino na ipinalabas noong 2015, ito ay naglalarawan
ng mga maagang yugto ng Digmaang Pilipino – Amerikano. Si Heneral Antonio Luna ay isa sa mga
magaling na militar ng mga Pilipino habang nakikipaglaban sila para sa kalayaan laban sa mga
Amerikano. Ang pelikulang ito ay pinagbibidahan ni John Arcilla ayon sa direksyon ni Jerrold Tarog at
ginawa ng Artikulo Uno Productions, nakatanggap ito ng mga kritikal na papuri sa sinematograpiya at
balangkas ng kwento.

Pinapakita sa mga panahong ito na lubos ng pinapahalagahan ng mga pilipino ang pamilya at
ang mga pagsunod sa mga kaugalian tulad na lang halimbawa ng pamamanhikan, bayanihan, at ang pag
respeto sa mga nakakatanda. Sa panahon ngayon naglipana na ang mga taong ganid sa kapangyarihan,
na ang interes ay sariling pag unlad at ang tingin sa sarili ay mas nakahihigit sa lahat, ito ay
mahahalintulad lamang sa panahon ni Bonifacio at Luna. Ang mga tao na nasa kapangyarihan ay mas
inu-una ang sarili kesa sa bayan, na mas gugustuhin pa nilang magpasakop na lang kesa ipaglaban ang
ating mga karapatan upang hindi maapektuhan ang kanilang mga negosyo at ari-arian. Ang Digmaan ay
hindi sagot sa problema ngunit ito lamang ang nakita paraan nila Bonifacio at Luna upang
maipangtanggol ang ating bayan, Lubhang malupit ang mga Kastila at Amerikano na naipakita sa
dalawang pelikulang ito, at higit na nakakalamang sila sa stratehiya at mga armas pandigma kesa sa
ating mga ninuno. hindi lahat ay sang-ayon sa madugong labanan meron mga pilipino na mas ginusto
ang mapayapang paraan ng pakikipaglaban at ito ay si Dr. Jose Rizal, gamit ang kanyang karunungan sa
literatura ay nagsulat siya ng mga libro at pahayagan na naglarawan ng kalupitan at pag abuso sa
kapangyarihan ng ating mga mananakop. Nakakalungkot isipin na ang ang pagtataksil ng sarili nating
kababayan ang siyang naging dahilan ng pagkamatay nina Bonifacio at Luna, ito ay sumisimbolo na hindi
ang mga mananakop ang tunay na kalaban kundi ang mga kapwa pilipino na sakim sa kapangyarihan at
kayamanan.

Ang dalawang pelikulang ito ay ang pag-tawag para sa mga taong natutulog pa rin ang espiritu
ng nasyonalismo. Panahon na upang buksan ito at ituon sa pagmamahal sa ating bayan dahil ang ating
bansa ay sumisimbolo sa ating karapatan, dignidad, at kalayaan.

You might also like